Gamitin ang mga file sa Google Drive offline sa iyong Chromebook

Puwede mong gamitin offline ang ilang mga file sa Google Drive. Kabilang dito ang Docs, Sheets, Slides, at iba pang uri ng file.

Mga Tip:

  • Kapag ginawa mong available offline ang mga file, sa susunod na kumonekta ang iyong Chromebook sa internet, magsi-sync ang iyong mga pagbabago sa Google Drive.
  • Posibleng hindi gumana ang ilang app kapag offline ka.
Mga hindi sinusuportahang file

Hindi available offline ang ilang file. Kasama sa mga ito ang:

  • Google Maps
  • Google Forms

May 2 paraan para magamit offline ang iyong mga file sa Google Drive.

Paraan 1: Gawing available offline ang mga indibidwal na file at folder

Hakbang 1: I-on ang mga offline setting

  1. Pumunta sa Mga Setting ng iyong Google Drive.
  2. Mag-scroll sa "Offline" at lagyan ng check ang kahon.
    • Posibleng abutin nang ilang minuto bago mag-on ang setting ng offline na access.
Tip: Awtomatikong ginagawang available offline ng iyong Chromebook ang ilan sa iyong mga kamakailang binuksang file.

Hakbang 2: Gawing available offline ang mga partikular na file at folder

Mahalaga: Gumagana rin ang mga hakbang na ito sa mga shared drive.
  1. Buksan ang Files app .
  2. Piliin ang Google Drive Drive.
  3. Piliin ang file o folder na gusto mong gamitin offline.
  4. Sa itaas, i-on ang Available offline
    • Para ipakita na available ito offline, may lalabas na check mark sa tabi ng file o folder.

Gawing hindi available offline ang mga partikular na file at folder

Para gawing hindi available offline ang mga indibidwal na file:

  1. Buksan ang Files app .
  2. Piliin ang Google Drive Drive.
  3. Piliin ang file na gusto mong hindi na maging available offline.
  4. Sa itaas, i-off ang Available offline.

Paraan 2: Isang click lang na setup ng Aking Drive (Chromebook Plus lang)

Kung may Chromebook Plus ka, puwede mong gawing available offline ang lahat ng file sa iyong “Aking Drive”. Para i-on ang Pag-sync ng file:

  1. Kapag online ang Chromebook mo, pumunta sa Mga Setting .
  2. Piliin ang Advanced at pagkatapos ay Mga File at pagkatapos ay Google Drive.
  3. I-on ang I-access ang iyong mga file sa Google Drive kapag offline ka.

Kapag na-on na, magsisimulang mag-sync sa iyong Chromebook ang mga file sa “Aking Drive”. Kapag na-sync na, makakakita ka ng check mark sa tabi ng file. Ipinapakita ng iyong mga setting ng Google Drive ang “Naka-on ang pag-sync ng file.”

Tip: Kung hindi ka makakita ng check mark sa tabi ng file, posibleng naghihintay na ma-sync ang file, o posibleng hindi matagumpay ang pag-sync.

Mga file sa labas ng Aking Drive

Kung gusto mong gumamit ng mga indibidwal na file sa Drive offline na hindi naka-store sa loob ng Aking Drive:

  1. Buksan ang Files app .
  2. Piliin ang Google Drive Drive.
  3. Piliin ang file na gusto mong gamitin offline.
  4. Sa itaas, i-on ang Available offline
I-off ang pag-sync ng file

Para ihinto ang mga bagong file na awtomatikong maging available offline:

  1. Sa iyong Chromebook, pumunta sa Mga Setting .
  2. Piliin ang Advanced at pagkatapos ay Mga File at pagkatapos ay Google Drive.
  3. I-off ang I-access ang iyong mga file sa Google Drive kapag offline ka.

Kapag na-off na, ipapakita ng iyong mga setting ng Google Drive ang “Naka-off ang pag-sync ng file.”

Mga Tip:

  • Mananatiling available offline ang mga file na dati nang ginawang available.
  • Kung ubos na ang iyong available na storage sa device, awtomatikong mag-o-off ang feature.

Linisin ang ginagamit na storage ng mga offline na file

  1. Sa iyong Chromebook, pumunta sa Mga Setting .
  2. Piliin ang Advanced at pagkatapos ay Mga File at pagkatapos ay Google Drive.
  3. Piliin ang Linisin ang storage.
    • Puwedeng manatiling available offline ang ilang file.
  4. Kung nadiskonekta mo ang Drive, dapat mo itong ikonekta muli para i-clear ang offline na storage.

Tip: Kung ubos na ang iyong available na storage sa device, hindi na available offline ang mga offline na file.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8093326390327215723
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false