Magbukas, mag-save, o mag-delete ng mga file

Puwede kang magbukas at mag-save ng maraming uri ng file sa iyong Chromebook, tulad ng mga dokumento, PDF, larawan, at media. Alamin kung aling mga uri ng file ang sinusuportahan sa iyong Chromebook.

Limitado ang espasyo ng hard drive ng iyong Chromebook, kaya magde-delete minsan ang Chromebook mo ng mga na-download na file para makapagbakante ng espasyo. Alamin kung paano i-store ang iyong mga download.

Tip: Read only ang ilang folder. Hindi mo made-delete o mare-rename ang mga ito mula sa Files app.

Maghanap at magbukas ng file

  1. Buksan ang Mga File .
  2. Sa kaliwa, piliin kung saan naka-save ang iyong file.
    • Para sa mga file na kakagamit mo lang, piliin ang Kamakailan.
    • Para sa listahan ng mga kamakailang file ayon sa uri, gamitin ang button para piliin ang uri ng file na iyon.
    • Para sa mga file ng Android app, piliin ang Aking mga file at pagkatapos ay Mga file ng Play. Para magpakita pa ng mga folder, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit Pa  at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng folder ng Play.
    • Para sa mga file sa iyong cloud, piliin ang folder, tulad ng Google Drive. Puwede ka ring magdagdag ng isa pang cloud file system.
  3. Hanapin ang iyong file at i-double click ito para buksan.

Kung nasa external storage device ang binubuksan mong file, alisin nang ligtas ang device sa pamamagitan ng pag-click sa I-eject kapag tapos ka na.

Tip: Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher  at ilagay ang pangalan ng file na gusto mo.

Mag-save ng file

Upang i-save ang page, larawan, o dokumentong iyong tinitingnan:

  1. Pindutin ang Ctrl + s.
  2. Sa ibaba, maglagay ng pangalan para sa iyong file.
  3. Opsyonal: Sa kaliwa ng pangalan ng file, baguhin ang uri ng file.
  4. Sa kaliwang column, piliin kung saan mo gustong i-save ang iyong file, tulad ng sa Google Drive at pagkatapos ay Aking Drive.
  5. Piliin ang I-save.

Tandaan: Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa paaralan o trabaho, puwede kang mag-save ng mga file sa folder mo na Mga shared drive. Piliin ang Google Drive at pagkatapos ay Mga shared drive.

Mag-rename ng file

Puwede kang mag-rename ng mga file, folder, o external na device.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Piliin ang pangalan ng file o folder.
  4. Pindutin ang Ctrl + Enter.
  5. Mag-type ng bagong pangalan, pagkatapos ay pindutin ang Enter.
Magdagdag ng isa pang cloud file system
  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit Pa .
  4. Piliin ang Magdagdag ng bagong serbisyo at pagkatapos ay Mga Pagbabahagi ng SMB.
  5. May bubukas na window. Piliin ang Magdagdag ng File Share. Ilagay ang iyong impormasyon.
  6. Piliin ang Idagdag.

Tandaan: Sinusuportahan ng iyong Chromebook ang mga third party na file system na gumagamit ng Mga DocumentsProvider API. Kung ida-download mo ang isa sa mga ganitong app ng mga file ng Android mula sa Play Store, lalabas ito sa kaliwang bahagi ng iyong Mga File .

Para kumonekta sa ibang cloud file system:

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit Pa .
  4. Piliin ang Mag-install ng bagong serbisyo.
  5. Para mag-install ng bagong cloud file system, pumili ng system at sundin ang mga hakbang na nasa screen.
Baguhin kung saan nase-save ang iyong mga file

Bilang default, ise-save ang mga file mo sa iyong folder na Mga Download, isang pansamantalang folder sa hard drive ng Chromebook mo. Magagawa mong baguhin kung saan nase-save ang mga download bilang default o pumili ng partikular na folder para sa bawat download.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, piliin ang Advanced.
  4. Sa ilalim ng "Mga Download," baguhin ang iyong mga setting ng pag-download:
    • Para baguhin ang default na folder: piliin ang Baguhin, at piliin kung saan mo gustong ma-save ang iyong mga file.
    • Para pumili ng partikular na folder para sa bawat download: i-on ang Itanong kung saan ise-save ang bawat file bago mag-download.

Mag-delete ng file

Mahalaga: Direktang ipinapadala sa Trash ang karamihan ng mga file. Para sa mga file na hindi ipinapadala sa Trash, dapat mong kumpirmahin na gusto mong permanenteng i-delete ang mga ito.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Piliin ang file o folder na gusto mong i-delete.
  4. Piliin ang Trash.

Tip: Permanente nang ide-delete ang mga file sa Trash pagkalipas ng 30 araw.

Para mag-restore ng file na ipinadala mo sa Trash:

  1. Sa iyong Chromebook, buksan ang Mga File .
  2. Sa kaliwa, piliin ang Trash .
  3. Piliin ang file na gusto mong i-restore at pagkatapos ay I-restore mula sa Trash.

Mag-zip ng file

Para pagsama-samahin ang mga file o folder sa iisang file, puwede mong i-zip ang mga ito.

  1. Sa sulok ng iyong screen, i-click ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Sa kaliwa, piliin ang folder o mga file na gusto mong i-zip.
  4. Para piliin ang lahat ng file na gusto mong i-zip, pindutin ang Ctrl at i-click nang paisa-isa ang bawat file.
  5. Opsyonal: Para ilagay ang lahat ng iyong file sa isang bagong folder, pindutin ang Ctrl + e.
  6. I-right click ang iyong mga napiling file o folder, pagkatapos ay i-click ang I-zip ang napili.

Mag-unzip ng file

Puwede mong tingnan ang bawat isa sa mga indibidwal na file sa iyong zip file.

  1. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. I-double click ang naka-zip na file. Sa kaliwa, makikita mo ang zip file.
  4. Para magbukas ng indibidwal na file, i-double click ito.
  5. Opsyonal: Para alisin ang zip file sa listahan ng mga folder sa kaliwa, i-click ang I-eject

Tip: Para mag-unzip ng grupo ng mga naka-zip na file sa isang folder, i-right click ang folder at piliin ang I-extract lahat.

Gumamit at mag-pin ng mga file sa iyong shelf

Makikita mo ang mga kamakailang download, screenshot, at naka-pin na file sa container ng shelf.

Buksan ang mga kamakailang download at screenshot sa iyong shelf

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang shelf container at pagkatapos ay pagkatapos ay ang iyong file.

Itago ang preview ng shelf:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, sa tabi ng oras, mag-right click at piliin ang container ng shelf.
  2. Piliin ang Itago ang preview.

Tip: Pansamantala ang iyong mga kamakailang download at screenshot. Para gawing permanente ang mga ito, puwede mong i-pin ang mga file sa iyong shelf.

Mag-pin ng mga file sa iyong shelf

  1. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Launcher .
  2. Buksan ang Mga File .
  3. Sa kaliwa, piliin ang folder na naglalaman ng file na gusto mong i-pin.
  4. Mag-right click sa file.
  5. Piliin ang i-in sa shelf.
  6. Para i-unpin ang mga file, mag-right click sa file.
    1. Piliin ang I-unpin sa shelf.

Maghanap ng naka-pin na file:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang container ng shelf.
  2. Mag-right click sa iyong file.
  3. Piliin ang Ipakita sa folder

Ipasok sa mga dokumento ang mga naka-pin na file

Puwede kang magdagdag sa iyong mga dokumento ng mga larawan o screenshot mula sa shelf mo.

I-drag ang mga larawan o screenshot:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang container ng shelf.
  2. Pumili ng mga larawan o screenshot.
  3. I-drag ang mga ito sa iyong dokumento.

Kopyahin at i-paste ang mga larawan o screenshot:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang container ng shelf.
  2. Mag-right click sa iyong mga larawan o screenshot.
  3. Piliin ang Kopyahin ang larawan.
  4. Mag-right click saanman sa iyong dokumento.
  5. Piliin ang I-paste.

Ayusin ang mga problema kapag nagbubukas ng mga file

"Hindi kilalang uri ng file"

"Hindi maabot ang Google Drive sa ngayon"

Tiyaking nakakonekta sa internet ang iyong Chromebook. Alamin kung paano kumonekta sa Wi-Fi o mag-ayos ng mga problema sa pagkonekta sa Wi-Fi.

"Paumanhin, hindi sinusuportahan sa ngayon ang iyong external storage device"

Maaari mo ring gamitin ang Google Drive upang tingnan ang mga file sa iyong storage device:

  1. Isaksak ang iyong storage device sa isa pang computer.
  2. Buksan ang Google Drive. Kung hindi ka pa naka-sign in, siguraduhing mag-sign in gamit ang Google Account na gamit mo rin sa iyong Chromebook.
  3. I-upload ang mga file mula sa device. Alamin kung paano mag-upload ng mga file sa Google Drive.
  4. Buksan ang iyong Chromebook at mag-sign in.
  5. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  6. Buksan ang Google Drive.

"Paumanhin, hindi nakikilala ang iyong device" o "Paumanhin, hindi ma-mount ang kahit isa lang na partition sa iyong device"

Kakailanganin mong i-reformat ang iyong external storage device.

  1. I-back up ang iyong mga file sa ibang lugar bago burahin ang mga ito. Sa mga sumusunod na hakbang, mabubura ang lahat ng file sa storage device.
  2. Sa sulok ng iyong screen, piliin ang Launcher .
  3. Buksan ang Mga File .
  4. Sa kaliwa, i-right click ang storage device.
  5. Piliin ang I-format ang device.
Bigyan ng access sa mga external drive ang iyong mga app

Puwede mong pahintulutan ang mga app mula sa Google Play na mag-read at mag-write ng mga file sa mga external storage device. Makikita ng sinumang gumagamit ng external na drive ang mga file at folder na ginawa sa device.

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Piliin ang Pamamahala sa storage at pagkatapos ay Kagustuhan sa external storage.
  4. I-on o i-off ang storage device para makapagbigay ng access.

Gumawa ng maraming pang bagay sa iyong mga file

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18077835071315548049
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false