Kontrolin kung sino ang makakagamit sa iyong Chromebook

Kung nakatalaga ang account mo bilang may-ari ng iyong Chromebook, makokontrol mo kung sino ang makakapag-sign in.

Pahintulutan ang sinuman na mag-sign in sa iyong Chromebook

  1. Mag-sign in sa iyong Chromebook gamit ang account ng may-ari.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  3. Piliin ang Mga Setting .
  4. Sa "Privacy at seguridad," piliin ang Pamahalaan ang ibang tao.
  5. I-off ang Limitahan kung sino ang puwedeng mag-sign in.

Pagkatapos ay puwede ka ring:

Ilang partikular na tao lang ang payagang mag-sign in sa iyong Chromebook

  1. Mag-sign in sa Chromebook gamit ang account ng may-ari.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  3. Piliin ang Mga Setting .
  4. Sa "Privacy at seguridad," piliin ang Pamahalaan ang ibang tao.
  5. I-on ang Limitahan kung sino ang puwedeng mag-sign in.
  6. May makikita kang listahan ng lahat ng Google Account sa iyong Chromebook.
    • Maaari kang magdagdag o mag-alis ng mga account sa listahang ito.

I-off ang pag-browse ng bisita

Kapag naka-off ang pag-browse ng bisita, kinakailangang mag-sign in ng mga user gamit ang kanilang mga Google Account para magamit ang iyong Chromebook. Matuto pa tungkol sa pag-browse ng bisita.

  1. Kung naka-sign in ka bilang bisita, mag-sign out.
  2. Mag-sign in sa iyong Chromebook gamit ang account ng may-ari.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  4. Piliin ang Mga Setting .
  5. Sa "Privacy at seguridad," piliin ang Pamahalaan ang ibang tao.
  6. I-off ang Pag-browse ng bisita.

Tandaan: Kung ginagamit mo ang iyong Chromebook sa trabaho o paaralan, hindi mo mao-on o mao-off ang pag-browse ng bisita. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa iyong administrator.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17361985277903147436
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false