Mag-sign in sa mga website gamit ang PIN o fingerprint

Para sa mas mabilis na pag-access sa mga sinusuportahang website at app sa Chrome, puwede kang mag-sign in gamit ang iyong PIN sa Chromebook o fingerprint.

Puwede kang mag-sign in gamit ang PIN o fingerprint kung: 

  • Sinusuportahan ng website ang WebAuthn, isang secure na protocol sa pag-authenticate sa web. Ipo-prompt ka ng website na i-on ang WebAuthn para sa mga pag-sign in sa hinaharap habang ginagamit mo ang iyong Chromebook. 
  • Na-set up mo na ang iyong Chromebook para sa pag-unlock gamit ang PIN o fingerprint

Dahil partikular sa device ang mga kredensyal, dapat kang sumang-ayong gamitin ang WebAuthn sa bawat bagong device.

Gamitin ang WebAuthn gamit ang iyong PIN

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa website kung saan mo gustong mag-sign in.
  3. Pumunta sa page sa pag-sign in ng website.
  4. Ilagay ang iyong username.
  5. Piliin ang Magpatuloy.
  6. Sa lalabas na number pad, ilagay ang iyong PIN sa Chromebook.

Gamitin ang WebAuthn gamit ang iyong fingerprint

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa website kung saan mo gustong mag-sign in.
  3. Pumunta sa page sa pag-sign in ng website.
  4. Ilagay ang iyong username.
  5. Piliin ang Magpatuloy.
  6. Kapag lumabas ang dialog box, ilagay ang iyong daliri sa sensor para sa fingerprint ng Chromebook. Tiyaking gamitin ang daliring may fingerprint na na-save mo.

Mga karaniwang tanong

Sino-store ba ng mga website ang aking PIN o fingerprint? 
Kahit kapag ginagamit mo ang iyong PIN sa Chromebook o mga naka-save na fingerprint para mag-sign sa isang website, hindi kailanman nakukuha ng site ang PIN o data ng fingerprint mo.
Paano ko malalaman kung mapagkakatiwalaan ang mga prompt para sa PIN sa Chromebook o Fingerprint?
Kapag pino-prompt ka ng iyong Chromebook na ilagay ang PIN mo o pindutin ang sensor para sa fingerprint bilang bahagi ng WebAuthn, mananatili ang dialog sa itaas ng iyong Chrome browser. Pansining mas mataas ang itaas ng dialog kaysa sa address bar ng browser. Ipinapakita rin ang iyong avatar sa Chromebook sa ibabaw ng pariralang “I-verify ang iyong pagkakakilanlan.” Pinapahirap ng mga pag-iingat na ito ang pagkopya ng dialog para sa mga nakakapinsalang website na sumusubok na gayahin ang iyong Chromebook.
Bakit ako nakakakuha ng mensahe sa pagkabigo pagkatapos kong ilagay ang aking PIN o i-scan ang fingerprint ko?
Kung nakuha mo ang dialog box pero nakakuha ka ng mensahe sa pagkabigo sa Chrome pagkatapos mong i-scan ang iyong fingerprint o ilagay ang PIN mo:
  1. Mag-sign out sa iyong Chromebook.
  2. Mag-sign in ulit.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4635840944151314804
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false