Mag-set up at mag-sign in gamit ang fingerprint sa iyong Chromebook

Puwede mong i-unlock ang iyong Chromebook o puwede kang mag-sign in sa mga kwalipikadong website at app gamit ang fingerprint mo

I-set up ang iyong fingerprint 

Mahalaga: Para mag-sign in gamit ang iyong fingerprint, kailangang may reader ng fingerprint ang Chromebook mo. 

  1. Sa kanang sulok sa ibaba ng iyong screen, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng “Seguridad at Privacy,” piliin ang Lock screen at pag-sign in.
  4. Ilagay ang password ng iyong Chromebook at piliin ang Kumpirmahin.
  5. Sa ilalim ng “I-edit ang Mga Fingerprint,” piliin ang Mag-set up.
  6. Piliin ang Magdagdag ng Fingerprint at i-scan ang iyong daliri gamit ang sensor para sa fingerprint.
    • Para makakuha ng mas mahusay na scan, tiyaking dumidikit din sa sensor ang mga gilid ng iyong daliri.
  7. Pagkatapos mong makuha ang mensaheng “Naidagdag ang fingerprint,” puwede mong:
    • Piliin ang Magdagdag ng isa pa para mag-set up ng isa pang fingerprint.
    • Piliin ang Tapos na para tapusin.

I-delete ang iyong fingerprint

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang oras.
  2. Piliin ang Mga Setting .
  3. Sa ilalim ng "Mga Account," piliin ang Lock ng screen.
  4. Ilagay ang iyong password at piliin ang Kumpirmahin.
  5. Sa tabi ng "I-edit ang mga fingerprint," piliin ang Mag-set up.
  6. Sa tabi ng fingerprint na gusto mong i-delete, piliin ang I-delete .

I-unlock ang iyong Chromebook

  1. I-on ang iyong Chromebook.
  2. Ilagay ang iyong nakarehistrong daliri sa scanner ng fingerprint.
  3. Kung hindi nasa-scan ang iyong fingerprint, baka kailangan mong ilagay ang password ng Chromebook mo.

Tip: Para makakuha ng mas mahusay na scan, ilagay ang iyong daliri sa iba't ibang anggulo.

Kailan mo kailangang gamitin ang iyong password

Dapat mong gamitin ang iyong password para sa mga sumusunod na sitwasyon: 

  • Nag-restart ang iyong Chromebook. 
  • Hindi nakikilala ng iyong sensor para sa fingerprint ang fingerprint mo pagkatapos ng ilang hindi matagumpay na pagsubok.
  • Lumipat ka sa ibang user sa parehong device.
  • Pagkatapos ng 48 oras para sa mga personal na Chromebook.
  • Pagkatapos ng 12 oras para sa mga pinapamahalaang Chromebook.

Mag-sign in sa mga website at app

Puwede mong gamitin ang fingerprint at pin para mag-log in sa mga sinusuportahang website o app. Dapat mong i-set up ang iyong fingerprint bago ka mag-log in sa mga website at app gamit ang fingerprint mo.

Mga karaniwang tanong

Saan naka-save ang aking fingerprint at gaano ito ka-secure?

Secure na sino-store ang data ng iyong fingerprint at hindi ito umaalis sa Chromebook mo. Hindi ibinabahagi ang data ng iyong fingerprint sa Google o anumang app sa device mo Inaabisuhan ang mga app kapag na-verify ang iyong fingerprint.

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagawang secure ang data ng fingerprint.

Bakit hindi nakikilala ng aking Chromebook ang fingerprint ko?

Kung hindi nakikilala ng iyong Chromebook ang fingerprint mo, tiyaking: 

  • Ito ang daliring ginamit mo para i-save ang iyong fingerprint. 
  • Dumidikit din sa sensor ang mga gilid ng iyong daliri. 
  • Malinis at tuyo ang iyong daliri.
Bakit hindi ko ma-set up ang aking fingerprint?
Kung hindi mo ma-save ang iyong fingerprint, subukan ang ibang daliri o i-restart ang device mo Kung nagpapatuloy ang isyu, magpadala ng feedback sa amin.
Bakit hindo ako maka-sign in sa ilang website gamit ang aking fingerprint?
Posibleng hindi naka-set up ang website para pahintulutan ang pag-sign in gamit ang mga fingerprint. 

 

 
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17115800308068576845
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
208
false
false