Gumamit ng mga web app

Ang web app ay app na binuo para sa web na puwede mong i-access sa anumang device. Puwede kang gumamit ng mga web app para gumana ang website bilang app at ma-access ito sa iyong computer o mga mobile device sa pamamagitan ng launcher o home screen. May mga karagdagang feature ang ilang web app, tulad ng mas malaking storage para mag-browse ng content offline, mga notification, access sa system ng file, at mga badge ng icon.

Tip: Bagama't gumagana ang mga web app offline, posibleng hindi gumana nang buo ang ilan sa mga ito nang walang koneksyon sa internet.

Idagdag sa home screen

Puwede kang magdagdag ng shortcut para sa iyong home screen papunta sa mga website na gusto mo. Posibleng gumana sa ibang paraan ang feature ng web app batay sa website.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome .
  2. Pumunta sa website na gusto mong idagdag.
  3. Sa kanan ng address bar, i-tap ang I-share .
  4. Hanapin at i-tap ang Idagdag sa Home Screen.
  5. Kumpirmahin o i-edit ang mga detalye ng website at i-tap ang Idagdag.

Mga Tip:

  • Kung available ang web app, bubuksan ng shortcut ang app.
  • Kung hindi available ang web app, magbubukas ang shortcut sa iyong default browser.

I-delete sa home screen

  1. Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa home screen.
  2. Hanapin ang shortcut na gusto mong i-delete.
  3. Pindutin nang matagal ang shortcut.
  4. I-tap ang I-delete ang Bookmark.
Tip: Kapag na-delete mo na ang isang shortcut, mawawalan ka ng access sa mismong karagdagang functionality at posibleng mag-iba ang gawi ng website. Puwede kang bumalik sa website para idagdag ito ulit kung gusto mong i-restore ang nakaraang gawi.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7137559189665674335
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false