Gumawa, maghanap, at mag-edit ng mga bookmark sa Chrome

Gumawa ng mga bookmark para matandaan ng Chrome ang iyong mga paborito at madalas na bisitahing website.

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang Google Account mo, puwede kang gumamit ng mga bookmark at iba pang impormasyon sa lahat ng iyong device.

Magdagdag ng bookmark

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa site na gusto mong bisitahin ulit sa hinaharap.
  3. Sa kanan ng address bar, piliin ang I-bookmark I-bookmark ang page na ito.

Maghanap ng bookmark

Mahalaga: Para mabuksan kaagad ang isang bookmark, piliin ito sa Bookmarks bar. Para i-on o i-off ang bookmarks bar, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang bookmarks bar.

Kung hindi naka-on sa iyo ang bookmarks bar o kung wala roon ang iyong bookmark, may 3 paraan para hanapin ang mga bookmark mo.

Mula sa address bar
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar, ilagay ang @bookmarks.
  3. Pindutin ang Tab o Space.
    • Puwede mo ring piliin ang Maghanap sa mga bookmark Hanapin sa mga suhestyon.
  4. Ilagay ang mga keyword para sa bookmark na gusto mo.
  5. Piliin ang iyong bookmark mula sa listahan.
Mula sa menu
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Pumili ng bookmark.
Sa panel ng navigation

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng bookmark.
  3. Pumili ng bookmark.
Tip: Para ilipat ang mga bookmark sa compact view mula sa visual view, piliin ang .

Mag-edit ng bookmark

Mula sa menu
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Sa kanan, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit.
Sa panel ng navigation
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng bookmark.
  3. Para mag-edit ng isang bookmark, mag-hover sa bookmark.
  4. Piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit.
    • Para mag-edit nang maramihan, piliin ang I-edit .

Mag-delete ng bookmark

Mahalaga: Pagkatapos mong mag-delete ng bookmark, hindi mo na ito maibabalik. Mula sa menu
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Sa kanan, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.
Sa panel ng navigation
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng bookmark.
  3. Mag-hover sa partikular na folder o link ng bookmark.
  4. Piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.

Gumawa ng bagong folder ng bookmark

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Magdagdag ng bagong folder.

Kung ginagamit mo ang bookmarks bar, para magdagdag ng folder, i-right click ang bookmarks bar at piliin ang Magdagdag ng Folder.

Tip: Para sa mga page ng produkto, matuto pa tungkol sa folder ng listahan ng bibilhin.

Pagbukud-bukurin ang iyong mga bookmark

Mula sa menu
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Pagbukud-bukurin ayon sa pangalan.
Sa panel ng navigation
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng bookmark.
  3. Para pagbukud-bukurin ang iyong mga bookmark, piliin ang Ayusin .
  4. Piliin ang gusto mong pagkakaayos ng pagbubukod-bukod:
    • Pagbukud-bukurin ayon sa pinakabago
    • Pagbukud-bukurin ayon sa pinakaluma
    • Pagbukud-bukurin ayon sa huling binuksan
    • Pagbukud-bukurin mula A hanggang Z
    • Pagbukud-bukurin mula Z hanggang A

Ilipat ang iyong mga bookmark

Mula sa menu
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Manager ng Bookmark.
  3. Mag-drag ng bookmark pataas o pababa, o mag-drag ng bookmark sa folder sa kaliwa. Makokopya at mape-paste mo rin ang iyong mga bookmark sa pagkakaayos na gusto mo.

Kung ginagamit mo ang bookmarks bar, puwede mong i-drag ang iyong mga bookmark sa pagkakaayos na gusto mo.

Sa panel ng navigation
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga bookmark at listahan at pagkatapos ay Ipakita ang lahat ng bookmark.
  3. Piliin ang bookmark na gusto mong ilipat at pagkatapos ay Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit.
  4. Piliin ang folder kung saan mo gustong ilipat ang bookmark at pagkatapos ayI-save.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8129673797542737627
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false