Ayusin ang mga pag-crash ng page na "Ay, Naku!" at iba pang error sa pag-load ng page

Kung nakukuha mo ang error na "Ay, Naku" o iba pang code ng error sa halip na isang webpage, nagkakaproblema ang Chrome sa pag-load. Maaari mo ring makita ang page na mabagal na naglo-load o hindi talaga naglo-load.

Kung makakatanggap ka ng error sa pag-load ng page: Para iwasto ang problema, sundin ang mga hakbang sa ibaba. Puwede kang magsimula sa pag-reload ng page.

I-reload ang page

Kadalasan, maaari mong i-reload ang page para maayos ang error.

I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-reload Reload.

Kung hindi nito naayos ang error...

Hakbang 1: Tingnan ang iyong koneksyon sa internet

Siguraduhing nakakonekta ang iyong telepono o tablet sa Wi-Fi o mobile data.

Subukang i-reload ang tab na may error.

Hakbang 2: I-clear ang iyong cache

Maaaring may impormasyong naka-store sa Chrome na pumipigil sa pag-load ng page.

Buksan ang page sa Incognito window

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Bagong tab na Incognito.
  3. Sa tab na Incognito, subukang i-reload ang page. Kung mag-load ito, i-clear ang iyong cache at cookies.

I-clear ang iyong cache at cookies

  1. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos I-clear ang data mula sa pag-browse.
  3. Sa tabi ng "Saklaw ng oras," piliin ang Lahat ng oras.
  4. Piliin ang Cookies at data ng site at Mga naka-cache na larawan at file. I-deselect ang iba pang uri ng data.
  5. I-tap ang I-clear ang data.
  6. Subukang i-reload ang tab na may error.

Hakbang 3: Isara ang iba pang tab o app

Posibleng naubusan na ng memory ang iyong device, at hindi nito ma-load ang site habang pinapagana rin ang mga app mo.

  1. Magbakante ng memory:
    • Isara ang bawat tab maliban sa tab na nagpapakita ng mensahe ng error.
    • Isa ang iba pang gumaganang app, at i-pause ang anumang pag-download ng app o file.
  2. Subukang i-reload ang tab na may error.

Hindi pa rin ba gumagana?

Hakbang 4: I-restart ang iyong telepono o tablet

Minsan, mga app ang pumipigil sa pag-load ng page.

  1. I-restart ang iyong telepono o tablet.
  2. Subukang muling i-load ang page.
Hakbang 5: I-update ang Chrome
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos Aking mga app at laro. Nakalista ang mga app na may mga available na update sa ilalim ng "Mga Update."
  3. Sa ilalim ng "Mga Update," hanapin ang Chrome Chrome.
  4. Kung nakalista ang Chrome, i-tap ang I-update para i-install ito.
  5. Pagkatapos mag-update, subukang i-reload ang tab na may error.
Mga code ng error at isyu sa pag-load ng page

Kapag lumabas ang mga sumusunod na code ng error, ibig sabihin, may problema sa pagbubukas sa page.

  • "Ay, Naku!": Nagkakaproblema ang Chrome sa pag-load ng page.
  • ERR_NAME_NOT_RESOLVED: Walang ganoong hostname (web address).
  • ERR_INTERNET_DISCONNECTED: Hindi nakakonekta sa internet ang device.
  • ERR_CONNECTION_TIMED_OUT oERR_TIMED_OUT: Masyadong matagal ang pagkonekta ng page. Maaaring masyadong mabagal ang iyong koneksyon sa internet, o maaaring masyadong abala ang page.
  • ERR_CONNECTION_RESET: May nangyaring nakaantala sa iyong koneksyon sa page.
  • ERR_NETWORK_CHANGED: Nadiskonekta ang iyong device sa network o kumonekta ito sa bagong network habang nilo-load ang page.
  • ERR_CONNECTION_REFUSED: Hindi hinayaan ng page na kumonekta ang Chrome.
  • ERR_CACHE_MISS: Kailangang isumiteng muli sa page ang impormasyong inilagay mo kanina.
  • ERR_EMPTY_RESPONSE: Hindi nagpadala ng anumang data ang website, at maaaring hindi ito gumagana.
  • ERR_SSL_PROTOCOL_ERROR: Nagpadala ang page ng data na hindi nauunawaan ng Chrome.
  • ERR_ BAD_SSL_CLIENT_AUTH_CERT: Hindi gumagana ang pag-sign in sa website (halimbawa, website ng bangko o trabaho) dahil may error ang certificate ng client.

Para sa kumpletong listahan ng mga code ng error, pumunta sa chrome://network-errors/.

Posibleng makita mo rin ang isa o higit pa sa mga isyung ito:

  • Hindi makakonekta sa isang site.
  • Hindi bumubukas ang isang website.
  • Hindi bumubukas ang isang HTTPS site.
  • Hindi naglo-load ang isang larawan.
  • Hindi naglo-load ang isang bagong tab.

Humingi ng karagdagang tulong

  • Kung nagbubukas nang normal ang iba pang site pero may isang site na nagka-crash, posibleng ang site na iyon ang nagdudulot ng problema:
    • Kung susubukan mong i-reload ang site at hindi ito magbubukas, ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-click sa Magpadala ng feedback.
    • I-on ang awtomatikong pag-uulat ng error para matulungan kaming mapabilis ang paglutas ng mga pag-crash ng page, o iulat ang isyu sa Chrome.
    • Makipag-ugnayan sa may-ari ng site para iulat ang problema.
  • Humingi ng tulong sa mga eksperto sa Forum ng Tulong ng Chrome.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3487686617192191614
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false