Puwedeng i-save ng Chrome ang iyong mga password para sa iba't ibang site.
Nakadepende ang paraan ng Chrome sa pag-save ng iyong mga password sa kung gusto mong i-store at gamitin ang mga ito sa lahat ng device. Kapag naka-sign in ka sa Chrome, puwede mong i-save ang iyong mga password sa Google Account mo. Magagamit mo ang mga password sa Chrome sa lahat ng iyong device at sa ilang app sa mga device mo.
Kung ayaw mo itong gawin, puwede kang lokal na mag-store ng mga password sa iyong computer lang.
Mapapamahalaan mo ang mga password na naka-save sa iyong Google Account sa passwords.google.com.Matuto pa tungkol sa on-device na pag-encrypt para sa mga password.
Pamahalaan ang mga bagong password
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa ibaba ng search bar, i-tap ang Magdagdag ng password
.
- Ilagay ang website, username, at password.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.
Bilang default, mag-aalok ang Chrome na i-save ang iyong password. Puwede mong i-off o i-on ang opsyong ito sa anumang oras.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting
.
- I-on o i-off ang Mag-alok na i-save ang mga password.
Pamahalaan ang mga naka-save na password
Mag-sign in gamit ang isang naka-save na password- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Pumunta sa isang site na nabisita mo na dati.
- Pumunta sa form sa pag-sign in ng site.
- Para piliin ang impormasyon sa pag-sign in na gusto mong gamitin, piliin ang field na username.
- Para mag-sign in gamit ang username at password mo sa iyong device, posibleng kailanganin mong gamitin ang iyong fingerprint o passcode.
Kung hindi iaalok ng Chrome ang iyong naka-save na password: Para makuha ang mga posibleng password, i-tap ang Password .
Puwede kang magdagdag ng mga tala sa naka-save na password para tulungan kang matandaan ang impormasyon tungkol sa isang account o para mag-save ng mga detalyeng nire-require sa pag-sign in. Kapag nagdagdag ka ng tala, mayroon itong parehong proteksyon sa seguridad gaya ng password.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa ilalim ng “Maghanap sa mga password,” pumili ng password.
- I-tap ang I-edit.
- Sa text box, ilagay ang iyong tala.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-save.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
Google Password Manager.
- Magpakita, mag-edit, mag-delete, o mag-export ng password:
- Magpakita: I-tap ang password na gusto mong makita
Ipakita ang password
.
- Mag-edit: I-tap ang password na gusto mong palitan at i-tap ang I-edit. I-edit ang iyong password, pagkatapos ay i-tap ang I-save.
- Mag-delete: I-tap ang password na gusto mong alisin, pagkatapos ay i-tap ang I-delete.
- Mag-export: I-tap ang Mga Setting
I-export ang mga password.
- Magpakita: I-tap ang password na gusto mong makita
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting
I-delete ang lahat ng data
I-delete.
Tip: Para mag-delete ng iba pang data mula sa pag-browse, matuto kung paano mag-delete ng data mula sa pag-browse sa Chrome.
Para masuri ang iyong mga naka-save na password:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
.
- I-tap ang Google Password Manager
Checkup.
Alamin kung ano ang magagawa mo sa iyong mga password
I-share ang iyong passwordMahalaga:
- Puwede mo lang i-share ang iyong password sa miyembro ng grupo ng pamilya mo. Gumawa ng grupo ng pamilya.
- Gamitin ang Google Password Manager at i-update ang Google Chrome.
Para secure na mag-share ng kopya ng iyong naka-save na password sa isang miyembro ng pamilya:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa ilalim ng “Maghanap sa mga password,” pumili ng password.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-share
.
- Piliin ang miyembro ng pamilya kung kanino mo ito gustong i-share.
- I-tap ang I-share
Tapos na.
- Na-save ang password sa Google Account ng receiver at available ito para sa autofill.
Awtomatiko kang makaka-sign in sa anumang site at app kung saan ka nag-save ng iyong impormasyon gamit ang "Awtomatikong mag-sign in." Kapag in-on mo ang "Awtomatikong mag-sign in," hindi mo kailangang kumpirmahin ang iyong username, password, o mga kredensyal sa third-party na pag-sign in.
Kung gusto mong kumpirmahin ang iyong naka-save na impormasyon kapag nag-sign in ka, puwede mong i-off ang "Awtomatikong mag-sign in."- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting
.
- I-on o i-off ang Awtomatikong pag-sign in.
Kung na-save mo ang iyong mga password sa mga dati mong pagbisita sa mga website, matutulungan ka ng Chrome na i-autofill ang impormasyong iyon.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Pumunta sa isang site na nabisita mo na dati.
- Pumunta sa form sa pag-sign in ng site.
- Para piliin ang impormasyon sa pag-sign in na gusto mong gamitin, piliin ang field na username.
Mga Tip:
- Kung hindi magmumungkahi ang Chrome ng password, i-tap ang Mga Password
Pumili ng password.
- Sa iyong Android device, makakapili ka sa pagitan ng Google o isa pang provider ng autofill para i-save at awtomatikong punan ang mga form sa Chrome. Alamin kung paano piliin ang iyong provider ng autofill.
Para sa madaling access, puwede mong idagdag ang shortcut ng Google Password Manager sa iyong home screen.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- I-tap ang Mga Setting
Google Password Manager.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Magdagdag ng shortcut sa iyong home screen.
- Para ilagay ang shortcut sa iyong home screen, pindutin nang matagal ang shortcut.
Posibleng makatanggap ka ng alerto mula sa Chrome kung gagamit ka ng kumbinasyon ng password at username na nakompromiso sa isang pag-leak ng data sa isang third-party na website o app. Hindi ligtas ang mga kumbinasyon ng nakompromisong password at username dahil na-publish na ang mga ito online.
Inirerekomenda naming palitan mo ang anumang nakompromisong password sa lalong madaling panahon. Magagawa mong tingnan ang iyong mga na-save na password at maghanap ng mga site na gumagamit ng nakompromisong password.
Tinitiyak ng Chrome na protektado ang iyong mga password at username para hindi mabasa ng Google ang mga ito.
Para palitan ang iyong nakompromisong password kapag nakatanggap ka ng alerto:
- I-tap ang Password Checkup.
- Sundin ang mga prompt para palitan ang iyong password sa bawat site.
Kung gagamitin mo ang Ligtas na Pag-browse at pipiliin mo ang “Pinaigting na proteksyon,” awtomatikong mangyayari ang mga pagsusuring ito. Kung gusto mong i-off ang mga pagsusuring ito, puwede kang lumipat sa “Karaniwang proteksyon.” Para simulan o ihinto ang pagtanggap ng mga notification na ito:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
Privacy at seguridad.
- I-tap ang Ligtas na pag-browse
Karaniwang proteksyon.
- I-on o i-off ang Balaan ka kung nakompromiso ang isang password sa breach sa data.
Mahalaga: Available lang ang feature na ito kung na-on mo ang “Ligtas na Pag-browse.” Matutunan kung paano pumili ng level ng proteksyon ng iyong Ligtas na Pag-browse sa Chrome.