Kung gumagamit ka ng Chrome sa paaralan o trabaho, puwedeng pinapamahalaan ito, o sine-set up at pinapanatili ng isang paaralan, kumpanya, o iba pang pangkat.
Kung pinapamahalaan ang iyong Chrome browser, magagawa ng administrator mo na i-set up o paghigpitan ang ilang partikular na feature, mag-install ng mga extension, subaybayan ang aktibidad, at kontrolin kung paano mo ginagamit ang Chrome.
Kung gumagamit ka ng Chromebook, tingnan kung pinapamahalaan ang iyong Chromebook.
- Buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa .
- Suriin ang ibaba ng menu. Kung may nakikita kang “Pinapamahalaan ng iyong organisasyon,” pinapamahalaan ang browser mo. Kung wala, hindi pinapamahalaan ang iyong browser.
Suriin ang mga extension
Para suriin ang mga extension na na-set up ng iyong organisasyon sa browser mo, i-click ang Pinapamahalaan ng iyong organisasyon sa menu ng Chrome.
Puwede mo ring i-type angchrome://management
sa address bar at pindutin ang Enter.Suriin ang mga patakaran
Kung pinapamahalaan ang iyong browser, makikita mo ang mga patakarang itinakda ng iyong organisasyon.
- Buksan ang Chrome .
- Sa address bar, i-type ang
chrome://policy
at pindutin ang Enter.
Kung isa kang administrator, matuto pa tungkol sa Chrome Enterprise para sa isang negosyo o paaralan.