Bigyang-daan ang Chrome na matandaan ang iyong mga paborito at madalas bisitahing website.
Kapag gumawa o nagbago ka ng iyong mga bookmark, lalabas ang mga ito sa Chrome sa lahat ng device mo.
Magdagdag ng bookmark
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome .
- Pumunta sa isang site na madalas mong bisitahin o gusto mong bisitahin ulit sa hinaharap.
- I-tap ang Higit pa Idagdag sa Mga Bookmark .
Magbukas ng bookmark
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome .
- I-tap ang Higit pa Mga Bookmark .
- Suriin ang mga folder.
- Para magbukas ng mga bookmark, mag-tap ng folder.
- Para magbukas sa bagong tab o tab na Incognito, pindutin nang matagal ang bookmark para pumili mula sa menu.
- Para magbukas sa bagong tab o tab na Incognito, pindutin nang matagal ang bookmark para pumili mula sa menu.
Kung hindi mo mahanap ang gusto mong bookmark, posibleng nasa ibang folder ito. Para lumipat ng folder, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik . I-tap ang folder kung nasaan ang gusto mong bookmark.
- Pindutin nang matagal ang bookmark.
- I-tap ang I-edit.
- Palitan ang pangalan, folder, o URL.
- Sa itaas, i-tap ang Tapos na.
Tip: Para mag-delete ng bookmark, sa itaas, i-tap ang I-delete.
Pagkatapos mong mag-delete ng bookmark, makakatanggap ka ng prompt para i-undo ito kung hindi mo sinasadyang i-delete ang bookmark. Kung hindi, maibabalik lang sa iyo ang bookmark kapag idinagdag mo ulit ang bookmark.
Para mag-delete ng isang bookmark:
- Mag-swipe pakaliwa sa bookmark.
- I-tap ang I-delete.
Para mag-delete ng dalawa o higit pang bookmark:
- Sa ibaba, i-tap ang Pumili.
- I-tap ang mga bookmark na gusto mong i-delete I-delete.
Mahalaga: Para gumawa ng bagong folder, dapat ay mayroon kang na-bookmark na kahit isang site.
- Buksan ang Chrome .
- I-tap ang Higit pa Mga Bookmark Pumili ng folder.
- Sa kaliwang sulok sa ibaba, piliin ang Bagong Folder.
Baguhin ang ayos ng mga bookmark sa loob ng folder
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome .
- I-tap ang Higit pa Mga Bookmark .
- Buksan ang folder na gusto mong ayusin.
- I-tap ang I-edit.
- Sa kanang bahagi ng bookmark, i-tap at i-hold ang I-drag .
- I-drag ang bookmark kung saan mo ito gustong ilipat.
- Buksan ang folder kung nasaan ang bookmark na gusto mong ilipat.
- I-tap ang I-edit.
- Piliin ang bookmark na gusto mong ilipat.
- I-tap ang Higit pa… I-edit ang Bookmark.
- Para tingnan ang iyong listahan ng mga folder o para gumawa ng bagong folder, i-tap ang Folder.
- I-tap ang Tapos na.