Ang Google Chrome ay isang mabilis na web browser na available nang libre.
Kunin ang Google Chrome
I-download ang Chrome para sa mga iPhone at iPad.
Available ang Chrome para sa:
- iPad, iPhone, at iPod Touch
- iOS 15 at mas bago
- Lahat ng wikang sinusuportahan ng App Store
I-install ang Chrome
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa Chrome sa App Store.
- I-tap ang Kunin.
- Para i-install, sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Kung hihilingin, ilagay ang Password ng iyong Apple ID.
- Para magsimulang mag-browse, i-tap ang Buksan.
- Makikita mo rin ang Chrome sa iyong Home screen. Para buksan, i-tap ang Chrome .
Mga Tip:
- Pindutin nang matagal ang Chrome para:
- Magsimula ng bagong paghahanap.
- Magsimula ng bagong paghahanap gamit ang boses.
- Mag-scan ng QR code.
- Alamin kung paano gawing iyong default na browser ang Chrome sa iPhone o iPad mo.
- Alamin kung paano idagdag ang Chrome sa iyong home screen o dock.
- Para ayusin ang karamihan sa mga problema sa mga default na search engine, pop-up, o update sa Chrome, i-uninstall at i-install ulit ang Chrome.