Puwede mong gamitin ang iyong camera at mikropono para sa mga site sa Chrome.
Mahalaga: Mula 2021, natapos na ng Adobe ang suporta para sa plugin ng Flash Player. Hindi na magpe-play back ang Flash na content, kabilang ang audio at video, sa anumang bersyon ng Chrome. Bisitahin ang Chrome blog para matuto pa.
- Buksan ang Chrome .
- Pumunta sa isang site na gustong gumamit ng iyong mikropono at camera.
- Kapag na-prompt, piliin ang Payagan o I-block.
- Mga pinapayagang site: Puwedeng magsimulang mag-record ang mga site kapag nasa site ka. Kung gumagamit ka ng ibang tab ng Chrome o ibang app, hindi makakapagsimulang mag-record ang isang site.
- Mga naka-block na site: Hindi gagana ang ilang site kung iba-block mo ang mga ito. Halimbawa, hindi ka makakasali sa isang kumperensya gamit ang video
Baguhin ang mga pahintulot sa camera at mikropono ng isang site
- Buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- I-click ang Privacy at seguridad Mga setting ng site Camera o Mikropono.
- Piliin ang opsyong gusto mong maging default na setting.
- Suriin ang iyong mga naka-block at pinapayagang site.
- Para mag-alis ng kasalukuyang pagbubukod o pahintulot: Sa kanang bahagi ng site, i-click ang I-delete .
- Para pahintulutan ang isang site na na-block mo na: Sa ilalim ng "Hindi pinapahintulutan," piliin ang pangalan ng site at gawing "Pahintulutan" ang pahintulot ng camera o mikropono.
Kung gumagamit ka ng Chrome device sa trabaho o paaralan, puwedeng itakda ng administrator ng network mo ang mga setting ng camera at mikropono para sa iyo. Sa ganoong sitwasyon, hindi mo mababago rito ang mga iyon. Matuto tungkol sa paggamit ng pinapamahalaang Chrome device.
- Sa dialogue, piliin ang Buksan ang mga kagustuhan.
- Para i-enable ang mga pahintulot sa camera o mikropono:
- Camera:I-click ang Camera Piliin ang checkbox sa tabi ng "Google Chrome."
- Mikropono: I-click ang Mikropono Piliin ang checkbox sa tabi ng "Google Chrome."
- Posibleng itanong ng iyong computer kung gusto mong umalis para i-save ang mga pagbabago. Para i-save ang mga pagbabago, i-click ang Umalis ngayon.
Puwede kang pumili ng default na mikroponong gagamitin sa iba't ibang site.
- Buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- I-click ang Privacy at seguridad Mga setting ng site Mikropono.
- Para pumili ng default na mikropono, i-click ang Pababang arrow .
Ayusin ang mga problema sa iyong mikropono
Kung hindi gumagana ang iyong mikropono, subukan ang mga hakbang na ito:
Hakbang 1: Tiyaking hindi ka naka-mute
Kung gumagamit ka ng headset, tiyaking naka-off ang switch ng mute sa cord. Tiyakin mo ring hindi ka naka-mute sa website (gaya ng Google Meet o Skype).
Hakbang 2: Suriin ang mga setting ng iyong system
Tiyaking ang iyong mikropono ang default na device sa pag-record, at na tama ang mga antas ng pag-record:
Hakbang 3: Makipag-ugnayan sa iyong manufacturer
Kung nagkakaproblema ka pa rin, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong mikropono.
Ayusin ang mga problema sa iyong camera
Hakbang 1: Tingnan ang iyong mga pahintulot sa site sa Chrome
Tiyaking papayagan mo ang camera na ma-access ang site na gusto mong gamitin. Puwede mong payagan ang lahat ng site na gamitin ang iyong camera, o sa partikular lang na site kung nasaan ka.
Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa site.
Hakbang 2: Suriin ang mga setting ng iyong system
Tiyaking piliin ang camera na gusto mong gamitin at tama ang mga level:
Hakbang 3: Mag-troubleshoot ng mga isyu sa Google Meet
Kung nagkakaproblema ka, alamin kung paano mag-troubleshoot ng mga isyu sa Google Meet.
Hakbang 4: I-restart ang iyong tawag at computer
- Lumabas at sumali ulit sa video call.
- I-restart ang iyong computer.