Puwede kang magbukas ng maraming tab sa Chrome. Puwede mo ring tingnan ang lahat ng iyong tab at magpalipat-lipat sa mga ito. Kapag nagbukas ka ng bagong tab, magbubukas ang Chrome ng naka-personalize na page na Bagong Tab.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga paraan kung paano mo mako-customize ang content ng iyong page na Bagong Tab:
- Iba't ibang tema
- Iyong cart
- Iyong mga shortcut
Alamin kung paano pamahalaan ang mga iminumungkahing artikulo.
Magbukas ng bagong tab o window
Magbukas ng bagong tab- Windows at Linux: Ctrl + t
- Mac: ⌘ + t
I-click at i-drag ang tab sa labas ng window ng Google Chrome.
Para magbukas ng bagong window, gumamit ng keyboard shortcut:
- Windows at Linux: Ctrl + n
- Mac: ⌘ + n
I-browse at piliin ang file sa iyong computer. Magbukas ng bagong tab, pagkatapos ay gumamit ng keyboard shortcut:
- Windows at Linux: Ctrl + o
- Mac: ⌘ + o
- Windows at Linux: Ctrl + mag-click ng link
- Mac: ⌘ + mag-click ng link
Isaayos ang iyong mga tab at window
Ayusin ang mga tabMag-pin ng tab: I-right click ang tab at piliin ang Pin. Mas maliit ang mga naka-pin na tab at ang icon lang ng site ang ipinapakita nito.
Mag-unpin ng tab: I-right click ang tab at piliin ang I-unpin.
Maglipat ng tab sa ibang window:
- Tiyaking naka-sign in sa iisang profile ang parehong window.
- I-right click ang tab na gusto mong ilipat.
- Mag-scroll sa "Ilipat ang tab sa ibang window."
- Piliin ang window kung saan mo gustong ilipat ang tab.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Piliin ang Bagong tab .
- Mag-right click ng tab at pagkatapos ay piliin ang Idagdag sa bagong grupo.
- Para i-edit ang iyong grupo ng tab: I-right click ang bilog na may kulay o ang pangalan sa kaliwa. Magagawa mong:
- Pangalanan ang iyong grupo.
- Magdagdag pa ng tab sa grupo.
- Alisin ang grupo.
- Para magdagdag ng tab sa dati nang grupo: I-drag ang tab sa grupo.
- Para mag-alis ng tab sa grupo: Mag-right click sa tab, pagkatapos ay piliin ang Alisin sa grupo.
- Para i-edit ang iyong grupo ng tab: I-right click ang bilog na may kulay o ang pangalan sa kaliwa. Magagawa mong:
Puwede mong i-collapse ang iyong mga grupo ng tab para ang pangalan ng grupo o ang bilog na may kulay lang ang lalabas sa tabstrip mo.
- Gumawa ng grupo ng tab.
- Para palawakin o i-collapse ang grupo, piliin ang pangalan nito o ang bilog na may kulay.
Kapag marami kang nakabukas na tab sa Chrome, puwede mong hanapin ang partikular na tab na gusto mo.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, piliin ang Paghahanap sa tab .
- Kung nakabukas ang iyong Chrome sa Mac, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Paghahanap sa tab .
- Ilagay ang mga keyword para sa site na gusto mong mahanap.
- Sa listahan ng mga nakabukas na tab:
- Para magbukas ng tab, hanapin ang tab na gusto mo at piliin ito.
- Para magsara ng tab, hanapin ang tab na gusto mo at sa kanan, piliin ang Isara .
Alamin kung paano isaayos ang iyong mga tab gamit ang Organizer ng tab.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa address bar, ilagay ang
@tabs
. - Pindutin ang tab o space. Puwede mo ring piliin ang Maghanap sa mga tab sa mga suhestyon.
- Ilagay ang mga keyword para sa tab na gusto mong mahanap.
- Piliin ang tab sa listahan.
- Itinapat mo ang iyong cursor sa naka-minimize na window.
- Pinindot mo ang Alt + Tab para magpalipat-lipat sa mga window.
- Nag-right click ka sa isang tab at pinili mo ang Ilipat ang tab sa isa pang window.
Para pangalanan ang isang window:
- Pumunta sa window na gusto mong pangalanan o magbukas ng bagong window.
- Sa itaas, i-right click ang bakanteng espasyo sa tabi ng Bagong Tab , pagkatapos ay piliin ang Pangalanan ang window.
- O kaya, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit Pa Higit pang tool Pangalanan ang window.
- Maglagay ng pangalan para sa iyong window.
Mahalaga: Para lang sa Windows, Linux, at ChromeOS ang mga hakbang na ito.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Hitsura.
- Sa ilalim ng “Card ng preview na lalabas kapag nag-hover sa tab,” i-on o i-off ang Ipakita ang mga preview na larawan ng tab.
Magsara ng tab o window
Magsara ng tabSa kanang bahagi sa itaas ng tab, i-click ang Isara . O kaya, gumamit ng keyboard shortcut:
- Windows at Linux: Ctrl + w
- Mac: ⌘ + w
- Isara ang lahat ng tab sa window.
- Sa itaas na sulok ng window, i-click ang Isara .
- Windows at Linux: Sa kanang bahagi sa itaas.
- Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas.
Puwede ka ring gumamit ng mga keyboard shortcut para magsara ng window:
- Windows at Linux: Alt + F4
- Mac: ⌘ + Shift + w
Puwede mong ganap na isara ang Google Chrome.
- Buksan ang Menu ng Chrome.
- Windows at Linux: Sa menu bar sa itaas, i-click ang Higit pa .
- Mac: Sa menu bar sa itaas, i-click ang Chrome.
- Isara ang Google Chrome.
- Windows at Linux: I-click ang Lumabas.
- Mac: I-click ang Lumabas sa Google Chrome.
Puwede mo ring gamitin ang keyboard shortcut para isara ang Google Chrome:
- Windows at Linux: Alt + f at pagkatapos ang x
- Mac: ⌘ + q
Kung maisasara mo nang hindi sinasadya ang isang tab o window, puwede mo itong buksang muli gamit ang keyboard shortcut:
- Windows at Linux: Ctrl + Shift + t
- Mac: ⌘ + Shift + t
Kung hindi gumagana ang tab, window, o extension, puwede mo itong sapilitang isara gamit ang task manager ng Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa .
- I-click ang Higit pang tool Task manager.
- Piliin ang page, extension, o app na gusto mong isara.
- I-click ang Tapusin ang proseso.