Pamahalaan ang mga tab sa Chrome

Puwede kang magbukas ng maraming tab sa Chrome. Puwede mo ring tingnan ang lahat ng iyong tab at magpalipat-lipat sa mga ito. Kapag nagbukas ka ng bagong tab, magbubukas ang Chrome ng naka-personalize na page na Bagong Tab.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga paraan kung paano mo mako-customize ang content ng iyong page na Bagong Tab:

  • Iba't ibang tema
  • Iyong mga shortcut
Alamin kung paano i-customize ang iyong page na Bagong Tab.

Mga karaniwang pagkilos sa mga tab

Magsagawa ng mga pangunahing pagkilos kapag naghanap ka sa web sa Chrome.

Magbukas ng bagong tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Bagong tab Bagong tab.

Tip: Sa itaas ng iyong window ng Chrome, puwede ka ring magbukas ng bagong tab kapag na-tap mo ang Bagong tab Bagong tab.

Magbukas ng hindi aktibong tab

Kung hindi mo nagamit ang isang tab sa loob ng 21 araw o higit pa, ililipat ito sa seksyong “Mga hindi aktibong tab.”

Para pamahalaan ang iyong mga hindi aktibong tab:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab at pagkatapos Mga hindi aktibong tab.
    • Kung mayroon kang mga hindi aktibong tab, makikita mo ang mga ito sa itaas ng grid ng tab.
  3. I-tap ang tab na gusto mong buksan.

Mga Tip:

  • Ang mga hindi nakagrupong tab lang ang puwedeng maging hindi aktibo.
  • Kapag naging aktibo na ulit ang tab, maa-update ang bilang ng aktibong tab.
Magsara ng tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Lalabas ang anumang bukas na tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng tab na gusto mong isara, i-tap ang Isara Close. Maaari ka ring mag-swipe upang isara ang tab.
Isara ang lahat ng tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Lalabas ang anumang bukas na tab.
  3. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Isara ang lahat ng tab.
Isara ang lahat ng hindi aktibong tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab at pagkatapos Mga hindi aktibong tab.
    • Sa itaas ng grid ng tab, makikita mo ang iyong mga hindi aktibong tab.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Isara ang lahat ng hindi aktibong tab at pagkatapos Isara lahat.

Matuto kung paano pamahalaan ang iyong mga hindi aktibong tab.

Pamahalaan ang mga hindi aktibong tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Advanced," i-tap ang Mga Tab at pagkatapos Hindi Aktibo.
  4. Piliin ang panahon kung kailan mo gustong i-hide ang mga hindi aktibong tab.
    • Para i-off ang feature na ito, i-tap ang Huwag kailanman.

Mga Tip:

  • Awtomatikong isasara ang mga hindi aktibong tab pagkalipas ng 60 araw sa folder ng hindi aktibong tab.
    • Kung ayaw mong isara ang mga hindi aktibong tab pagkalipas ng 60 araw, i-off ang Isara pagkalipas ng 60 araw.
  • Para i-access ang page ng mga setting sa "Mga hindi aktibong tab," sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
Lumipat sa bagong tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Lalabas ang anumang bukas na tab.
  3. Mag-swipe sa tab na gusto mo at i-tap ito.
Isaayos ulit ang mga tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Pindutin nang matagal ang tab na gusto mong ilipat.
  4. I-drag ang tab sa ibang posisyon.
Igrupo ang iyong mga tab
Puwede mong isaayos ang iyong mga tab sa pamamagitan ng mga grupo. Kapag gumawa o nag-edit ka ng grupo ng tab, awtomatikong mase-save at masi-sync ang mga binago sa lahat ng device kung saan naka-sign in ka sa parehong Google Account.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. I-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
    • Para gumawa ng grupo ng tab:
      1. Pindutin nang matagal ang tab.
      2. I-drag ito sa isa pang tab kung saan mo ito gustong igrupo.
      3. Ilagay ang pangalan ng grupo ng tab.
      4. Piliin ang kulay ng grupo ng tab.
      5. Piliin ang Tapos na.
    • Para magdagdag ng tab sa kasalukuyang grupo:
      1. Pindutin nang matagal ang tab.
      2. I-drag ang tab papunta sa grupo.
    • Para mag-merge ng mga grupo ng tab:
      1. Pindutin nang matagal, at pagkatapos ay i-drag ang tab papunta sa grupo kung saan mo gustong i-merge ito.
        • Made-delete ng aksyong ito ang na-drag na grupo ng tab sa lahat ng device.
    • Para mag-edit ng grupo ng tab:
      • Para baguhin ang kulay ng tab:
        1. I-tap ang grupo ng tab.
        2. Sa kaliwa ng pangalan ng grupo ng tab, i-tap ang kulay.
        3. Piliin ang kulay ng grupo ng tab.
      • Para i-rename ang grupo ng tab:
        1. I-tap ang grupo ng tab.
        2. Para mag-rename, piliin ang pamagat.
        3. Ilagay ang bagong pangalan ng grupo ng tab.
    • Para maghanap ng mga tab sa grupo: Pumili ng grupo.
    • Para mag-alis ng tab sa isang grupo:
      1. I-tap ang grupo ng tab.
      2. Pindutin nang matagal ang tab na gusto mong alisin.
      3. I-drag ang tab sa bahaging "Alisin sa grupo" sa ibaba ng iyong screen.
    • Para magsara ng grupo ng tab:
      1. Pindutin nang matagal ang grupo ng tab o i-tap ang Higit pa .
      2. I-tap ang Isara ang grupo.
        • Hindi nade-delete ang nakasarang grupo at nase-save ito sa bookmarks bar o menu. Puwede mong buksan ulit ang nakasarang grupo.
    • Para isara ang lahat ng grupo ng tab:
      1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa .
      2. Mula sa dropdown, i-tap ang Isara ang lahat ng tab.
      3. Para kumpirmahin, i-tap ang Isara ang lahat ng tab at grupo.
    • Para buksan o buksan ulit ang grupo ng tab:
      1. I-tap ang Grid Grid view.
      2. Sa ilalim ng “Mga Grupo ng Tab,” piliin ang pangalan ng grupo ng tab na gusto mong buksan o buksan ulit.

Mga Tip:

  • Para magbukas ng link sa bagong tab na nasa grupo, pindutin nang matagal ang link, at pagkatapos ay i-tap ang Buksan sa bagong tab na nasa grupo.
  • Para pigilan ang awtomatikong pag-sync ng mga grupo ng tab sa lahat ng iyong device, i-tap ang Mga Setting at pagkatapos I-sync, at pagkatapos ay i-uncheck ang Mga Nakabukas na Tab.
  • Bilang default, awtomatikong bubukas ang mga grupo ng tab mula sa ibang device. Para i-off:
    1. I-tap ang Mga Setting at pagkatapos Mga Tab.
    2. Sa ilalim ng “Mga setting ng Grupo ng Tab,” i-off ang Awtomatikong buksan ang mga grupo ng tab mula sa iba pang device.
  • Sa iyong Android tablet:
    • Para magdagdag ng tab sa kasalukuyang grupo ng tab na nasa tab strip, i-drag ang tab papunta sa grupo.
    • Para mag-alis ng tab sa grupo ng tab na nasa tab strip, i-drag ang tab paalis sa grupo.
Mag-delete ng grupo ng tab

Mahalaga: Kapag nag-delete ka ng grupo ng tab, maaalis ito sa iyong device at iba pang device na gumagamit ng parehong Google Account.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Pindutin nang matagal ang grupo ng tab o i-tap ang Higit pa .
  4. I-tap ang I-delete ang grupo.
  5. Para kumpirmahin, i-tap ang I-delete ang grupo.

Magagawa mo ring:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab at pagkatapos Grid Grid view.
  3. Piliin ang pangalan ng grupo ng tab na gusto mong i-delete.
  4. I-tap ang I-delete.
  5. Para kumpirmahin, i-tap ang I-delete ang grupo.
Magbukas ng link sa grupo ng tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Mag-navigate sa isang link na gusto mong buksan.
  3. Pindutin nang matagal ang link.
  4. I-tap ang Buksan sa bagong tab sa grupo.
Mag-reload ng mga tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa at pagkatapos I-reload Reload.

Magsagawa ng maramihang pagkilos sa mga tab

Puwede kang magsagawa ng maramihang pagkilos kapag na-tap mo ang Higit pa o kapag pinindot mo nang matagal ang mga tab.

Isara ang mga tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Pumili ng mga tab.
  4. Piliin ang mga tab na gusto mong isara.
  5. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Isara ang mga tab.
Igrupo ang mga tab
Mahalaga: Kapag gumawa o nag-edit ka ng grupo ng tab, awtomatikong mase-save at masi-sync ang mga binago sa lahat ng device kung saan naka-sign in ka sa parehong Google Account.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Pindutin nang matagal ang anumang tab o i-tap ang Higit pa .
  4. I-tap ang Pumili ng mga tab.
  5. Piliin ang mga tab na gusto mong igrupo.
  6. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Igrupo ang mga tab.
I-ungroup ang mga tab
Mahalaga: Kapag nag-ungroup ka ng mga tab, iiwanan nitong nakabukas ang mga tab sa iyong device. Gayunpaman, ide-delete din nito ang grupo sa iyong device at iba pang device na gumagamit ng parehong Google Account.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Magbukas ng grupo ng tab na naglalaman ng mga tab na gusto mong i-ungroup.
  4. Pindutin nang matagal ang anumang tab, o i-tap ang Higit pa at pagkatapos Pumili ng mga tab.
  5. Piliin ang mga tab na gusto mong i-ungroup.
  6. I-tap ang Higit pa at pagkatapos I-ungroup ang mga tab.
Isara ang mga tab sa grupo
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab .
  3. Magbukas ng grupo ng tab na naglalaman ng mga tab na gusto mong isara.
  4. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Pumili ng mga tab.
  5. Piliin ang mga tab na gusto mong i-delete sa grupo.
  6. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Isara ang mga tab.
I-share ang mga tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Pindutin nang matagal ang anumang tab, o i-tap ang Higit pa at pagkatapos Pumili ng mga tab.
  4. Piliin ang mga tab na gusto mong i-share.
  5. I-tap ang Higit pa at pagkatapos I-share ang mga tab.
  6. Piliin kung saan mo gustong mag-share.
I-share ang mga tab sa grupo
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab .
  3. Magbukas ng grupo ng tab na naglalaman ng mga tab na gusto mo.
  4. I-tap ang Pumili ng mga tab.
  5. Piliin ang mga tab na gusto mong i-share.
  6. I-tap ang Higit pa at pagkatapos I-share ang mga tab.
I-bookmark ang mga tab
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Pindutin nang matagal ang anumang tab, o i-tap ang Higit pa at pagkatapos Pumili ng mga tab.
  4. Piliin ang mga tab na gusto mong i-bookmark.
  5. I-tap ang Higit pa at pagkatapos I-bookmark ang mga tab.

Magbukas ng mga bagong window sa iyong Android tablet sa Chrome

Puwede kang magbukas ng hanggang 5 window nang sabay-sabay at maglipat ng mga tab mula sa isang window papunta sa ibang window sa iyong Android tablet.

Magbukas ng bagong window

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Bagong window.

Maglipat ng tab sa ibang window

Maglipat ng tab mula sa menu

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa tab na gusto mong ilipat, i-tap ang Higit pa .
  3. I-tap ang Lumipat sa ibang window.
  4. Piliin ang window kung saan ililipat ang tab.
  5. I-tap ang Ilipat ang tab.

Maglipat ng tab sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pindutin nang matagal ang tab na gusto mong ilipat, at pagkatapos ay i-drag ito sa isa pang window.
    • Puwede mong i-drop ang tab sa tab strip, tab switcher, o sa content ng site ng isa pang window.

Tip: Kapag nag-drag ka ng tab sa content ng site, mapapalitan ng mga content ng tab na iyon ang content ng site.

Pumasok sa split screen mode

Mahalaga: Gumagana lang ang split screen sa mga Samsung tablet.

Para magbukas ng bagong window at ma-trigger ang split screen:

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Para magbukas ng tab sa bagong window, pindutin nang matagal ang tab, at pagkatapos ay i-drag at i-drop ito papunta sa gilid ng iyong screen.

Lumipat ng window

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Pamahalaan ang mga window.
  3. I-tap ang window na gusto mong buksan.

Magsara ng window

  1. Sa iyong Android tablet, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Pamahalaan ang mga window.
  3. Sa tabi ng window na gusto mong isara, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Isara ang window.
  4. Para kumpirmahin, i-tap ang Isara ang window.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
16086678289567900645
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false