Sa pamamagitan ng mga profile, mapapanatili mong nakahiwalay ang lahat ng iyong impormasyon sa Chrome, tulad ng mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting.
Naaangkop ang mga profile kapag gusto mong:
- Magbahagi ng computer sa maraming tao.
- Panatilihing magkakahiwalay ang iyong iba't ibang account, tulad ng para sa trabaho at para sa personal.
Ang makikita ng ibang tao kapag na-share mo ang Chrome
I-share mo lang ang iyong device sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung may ibang taong gumagamit ng iyong device, puwede siyang lumipat sa anupamang profile sa Chrome na nasa device. Kung bubuksan niya ang iyong profile sa Chrome, makikita niya ang impormasyon tulad ng mga website na binisita mo.
Sa iyong iPhone o iPad, magagamit mo ang Chrome para ihiwalay ang iyong pag-browse na nauugnay sa organisasyon mula sa personal na pag-browse mo.
- Kapag nag-sign in o lumipat ka sa iyong Google Account sa trabaho sa Chrome: Mananatili lang sa account mo sa trabaho ang iyong data at content. Kasama rito ang, pero hindi limitado sa, iyong mga tab, history, at mga password.
- Para sa personal na pag-browse: Puwede kang mag-sign out o lumipat sa personal na Google Account.
Magdagdag ng bagong account
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
- Para magdagdag ng bagong account, i-tap ang Magdagdag ng account….
- Mag-sign in sa iyong account.
Kapag nag-sign in ka sa Chrome sa unang pagkakataon gamit ang iyong Google Account sa trabaho:
- Para panatilihing nakahiwalay ang lahat ng iyong impormasyon sa trabaho mula sa personal na pag-browse mo, hihilingin sa iyo ng Chrome na mag-set up ng hiwalay na space para sa trabaho.
- Makikita mo rin na pinapamahalaan ng iyong organisasyon ang Google Account kung saan ka naka-sign in. Matuto tungkol sa pinapamahalaang Chrome browser.
Lumipat sa isa pang account
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
- Para magpalit ng account, pumili ng ibang account.
Mag-alis ng account
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong account.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
.
- Kung hindi mo makita ang iyong account, i-tap ang Bagong tab
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Pamahalaan ang mga account sa device na ito.
- Sa ilalim ng account na gusto mong alisin, i-tap ang Alisin sa device na ito
Alisin.