Sa pamamagitan ng mga profile, mapapanatili mong nakahiwalay ang lahat ng iyong impormasyon sa Chrome, tulad ng mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting.
Naaangkop ang mga profile kapag gusto mong:
- Magbahagi ng computer sa maraming tao.
- Panatilihing magkakahiwalay ang iyong iba't ibang account, tulad ng para sa trabaho at para sa personal.
Ang makikita ng ibang tao kapag ibinahagi mo ang Chrome
Ipagamit mo lang ang iyong device sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung may ibang taong gumagamit ng iyong device, maaari siyang lumipat sa anumang iba pang profile sa Chrome na nasa device. Kung bubuksan niya ang iyong profile sa Chrome, makikita niya ang impormasyon tulad ng mga website na binisita mo.
Puwede ka lang magkaroon ng isang profile sa Chrome sa mga iPhone at iPad.