Gumawa, maghanap, at mag-edit ng mga bookmark sa Chrome

Gumawa ng mga bookmark para matandaan ng Chrome ang iyong mga paborito at madalas na bisitahing website.

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang Google Account mo, puwede kang gumamit ng mga bookmark at iba pang impormasyon sa lahat ng iyong device.

Magdagdag ng bookmark

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa isang site na madalas mong bisitahin o gusto mong bisitahin ulit sa hinaharap.
  3. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Idagdag sa Mga Bookmark I-bookmark ang page na ito.

Magbukas ng bookmark

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Bookmark I-bookmark ang page na ito.
  3. Suriin ang mga folder.
  4. Para magbukas ng mga bookmark, mag-tap ng folder.
    • Para magbukas sa bagong tab o tab na Incognito, pindutin nang matagal ang bookmark para pumili mula sa menu.

Kung hindi mo mahanap ang gusto mong bookmark, posibleng nasa ibang folder ito. Para lumipat ng folder, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Bumalik Back. I-tap ang folder kung nasaan ang gusto mong bookmark.

Mag-edit ng bookmark
  1. Pindutin nang matagal ang bookmark.
  2. I-tap ang I-edit.
  3. Palitan ang pangalan, folder, o URL.
  4. Sa itaas, i-tap ang Tapos na.

Tip: Para mag-delete ng bookmark, sa itaas, i-tap ang I-delete.

Mag-delete ng bookmark

Pagkatapos mong mag-delete ng bookmark, makakatanggap ka ng prompt para i-undo ito kung hindi mo sinasadyang i-delete ang bookmark. Kung hindi, maibabalik lang sa iyo ang bookmark kapag idinagdag mo ulit ang bookmark.

Para mag-delete ng isang bookmark:

  1. Mag-swipe pakaliwa sa bookmark.
  2. I-tap ang I-delete.

Para mag-delete ng dalawa o higit pang bookmark:

  1. Sa ibaba, i-tap ang Pumili.
  2. I-tap ang mga bookmark na gusto mong i-delete at pagkatapos I-delete.
Gumawa ng folder

Mahalaga: Para gumawa ng bagong folder, dapat ay mayroon kang na-bookmark na kahit isang site.

  1. Buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Bookmark I-bookmark ang page na ito at pagkatapos Pumili ng folder.
  3. Sa kaliwang sulok sa ibaba, piliin ang Bagong Folder.

Baguhin ang ayos ng mga bookmark sa loob ng folder

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Bookmark I-bookmark ang page na ito.
  3. Buksan ang folder na gusto mong ayusin.
  4. I-tap ang I-edit.
  5. Sa kanang bahagi ng bookmark, i-tap at i-hold ang I-drag Drag.
  6. I-drag ang bookmark kung saan mo ito gustong ilipat.
Maglipat ng bookmark sa ibang folder
  1. Buksan ang folder kung nasaan ang bookmark na gusto mong ilipat.
  2. I-tap ang I-edit.
  3. Piliin ang bookmark na gusto mong ilipat.
  4. I-tap ang Higit pa… at pagkatapos I-edit ang Bookmark.
  5. Para tingnan ang iyong listahan ng mga folder o para gumawa ng bagong folder, i-tap ang Folder.
  6. I-tap ang Tapos na.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
146414510857001974
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false