Gumawa, maghanap, at mag-edit ng mga bookmark sa Chrome

Gumawa ng mga bookmark para matandaan ng Chrome ang iyong mga paborito at madalas na bisitahing website.

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang Google Account mo, puwede kang gumamit ng mga bookmark at iba pang impormasyon sa lahat ng iyong device.

Magdagdag ng bookmark

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa site na gusto mong bisitahin ulit sa hinaharap.
  3. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-bookmark I-bookmark ang page na ito.

Magbukas ng bookmark

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Bookmark.
    • Kung nasa ibaba ang iyong address bar, mag-swipe pataas sa address bar. I-tap ang Mga Bookmark Lagyan ng Star.
  3. Maghanap at mag-tap ng bookmark.
Mag-edit ng bookmark

Sa kanang bahagi ng bookmark, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit.

Mag-delete ng bookmark

Mahalaga: Pagkatapos mong mag-delete ng bookmark, hindi mo na ito maibabalik.

Sa kanan ng bookmark, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.

Gumawa ng folder

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Bookmark at pagkatapos ay Gumawa ng bagong folder .
Maglipat ng bookmark sa ibang folder
  1. Sa kanan ng bookmark, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Ilipat sa...
  2. I-tap ang folder kung saan mo gustong ilipat ang bookmark.
  3. I-tap ang Ilipat dito.
Baguhin ang ayos ng iyong mga bookmark
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Bookmark.
  3. Pindutin nang matagal ang bookmark na gusto mong ilipat.
  4. I-drag ang bookmark pataas o pababa.

Pagbukud-bukurin ang mga bookmark

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga opsyon sa pagbubukod-bukod at view .
  2. Para pagbukud-bukurin ang mga bookmark, pumili ng opsyon:
    • Pagbukud-bukurin ayon sa manual na pagsasaayos
    • Pagbukud-bukurin ayon sa pinakabago
    • Pagbukud-bukurin ayon sa pinakaluma
    • Pagbukud-bukurin ayon sa huling binuksan
    • Pagbukud-bukurin mula A hanggang Z
    • Pagbukud-bukurin mula Z hanggang A
Tip: Ang mga folder ay pinagbubukod-bukod at ipinapakita sa unahan ng listahan.

Baguhin ang bookmark view

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga opsyon sa pagbubukod-bukod at view .
  2. Pumili ng view para sa mga bookmark.
    • Visual view: Ipinapakita ang mga larawan ng mga bookmark.
    • Compact view: Ipinapakita ang mga icon ng mga bookmark.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12986427168463730583
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false