Kapag nag-sign in ka sa Chrome, puwede kang mag-save ng impormasyon sa iyong Google Account. Pagkatapos ay magagamit mo ang iyong impormasyon sa lahat ng device mo kung saan ka naka-sign in gamit ang parehong account.
Kapag na-on mo ang pag-sync, makikita mo ang parehong impormasyon sa lahat ng iyong device:
- Mga bookmark
- History at mga bukas na tab
- Mga password
- Impormasyon sa pagbabayad
- Mga address, numero ng telepono, at higit pa
- Mga setting at preference
Piliin kung anong impormasyon ang isi-sync
Kapag na-on mo ang pag-sync, mase-save sa iyong Google Account ang lahat ng impormasyon ng profile mo. Kung ayaw mong i-sync lahat, puwede mong baguhin kung anong impormasyon ang mase-save.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting Pag-sync.
- I-off ang I-sync lahat.
- Piliin kung ano ang isi-sync.
Bilang default, idinaragdag din sa Aktibidad sa Web at App ang history sa Chrome na naka-save sa iyong Google Account. Maaaring gamitin ang aktibidad mo upang i-personalize ang iyong karanasan sa iba pang produkto ng Google, tulad ng Search o mga ad. Halimbawa, posibleng may irekomenda sa iyong balita sa feed mo batay sa iyong history sa Chrome.
Makokontrol mo ang iyong Aktibidad sa Web at App sa Google Account mo anumang oras. Alamin kung paano makita at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App.
Kung ayaw mong i-personalize ang iyong mga produkto ng Google, puwede mo pa ring gamitin ang cloud ng Google para i-store ang data mo sa Chrome nang hindi hinahayaan ang Google na mabasa ang iyong history sa Chrome. Matuto pa tungkol sa pagpapanatiling pribado ng iyong impormasyon.
Panatilihing pribado ang iyong impormasyon gamit ang passphrase
Gamit ang passphrase, puwede mong gamitin ang cloud ng Google para i-store at i-sync ang iyong data sa Chrome nang hindi hinahayaan ang Google na mabasa ito. Hindi ine-encrypt ng passphrase ang iyong mga paraan ng pagbabayad at address mula sa Google Pay.
Opsyonal ang mga passphrase. Para mabawasan ang panganib ng paglabag sa data, palaging pinoprotektahan ng pag-encrypt na nangunguna sa industriya ang iyong naka-sync na data.
Gumawa ng sarili mong passphraseKapag may passphrase ka:
- Kakailanganin mo ang iyong passphrase sa tuwing io-on mo ang pag-sync sa bagong device.
- Kakailanganin mong ilagay ang iyong bagong passphrase sa mga device mo kung saan na-on mo na ang pag-sync.
- Hindi magpapakita ang iyong feed ng mga suhestyon batay sa mga site na bina-browse mo sa Chrome.
- Hindi mo matitingnan ang iyong mga naka-save na password sa passwords.google.com o magagamit ang Smart Lock para sa Mga Password.
- Hindi masi-sync sa lahat ng device ang lahat ng iyong history. Ang mga address sa web lang na ita-type mo sa address bar ng Chrome ang masi-sync.
Gumawa ng passphrase
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting Pag-sync.
- I-on ang pag-sync sa iyong Google Account.
- Sa ibaba, i-tap ang Pag-encrypt.
- Piliin ang Gamitin ang iyong sariling passphrase para i-encrypt ang lahat ng data sa Chrome sa Google Account mo.
- Maglagay ng passphrase at kumpirmahin ito.
- I-tap ang I-save.
Mahalaga: Para patuloy na magamit ang iyong mga password sa Chrome pagkatapos mong i-reset ang iyong passphrase, puwede mong i-export ang mga password bago ka mag-reset, at i-import ulit ang mga ito.
Kapag binago mo ang iyong passphrase, made-delete sa mga server ng Google ang data na na-encrypt ng passphrase mo at masa-sign out ka sa lahat ng iyong device kung saan ka naka-sign in. Hindi ine-encrypt ng passphrase ang iyong mga paraan ng pagbabayad mula sa Google Pay at address, kaya hindi made-delete ang mga ito.
Made-delete ang iyong mga password at iba pang impormasyon mula sa Google Account at device mo.
Hakbang 1: Alisin ang passphrase
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Pumunta sa Google Dashboard.
- Sa ibaba, i-tap ang I-clear ang data I-clear.
Mga Tip:
- Puwede kang magpatuloy sa pag-save ng data sa iyong Google Account, pero wala ka nang passphrase.
- Puwede mong i-on ang pag-sync. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting I-on ang pag-sync.
Hakbang 2: Gumawa ng bagong passphrase (opsyonal)
- I-tap ang I-sync.
- Sa ibaba, i-tap ang Pag-encrypt.
- Piliin ang Gamitin ang iyong sariling passphrase para i-encrypt ang lahat ng data sa Chrome sa Google Account mo.
- Maglagay ng passphrase at kumpirmahin ito.
- I-tap ang I-save.
- Kung ie-export mo ang iyong mga password bago mo alisin ang passphrase, mai-import mo ulit ang mga ito. Alamin kung paano mag-import ng mga password.
Makita ang iyong impormasyon sa Chrome sa lahat ng device mo
Makikita mo ang impormasyong na-save mo sa iba pang device kapag na-on mo na ang pag-sync. Kapag naka-sign in ka sa Chrome, maa-access mo ang iyong impormasyon sa pagbabayad mula sa Google Pay.
Makita at pamahalaan ang iyong mga bookmark- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Mga Bookmark.
- Para lumipat ng folder, i-tap ang Bumalik .
- Piliin ang folder kung nasaan ang gusto mong bookmark.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa History.
Kung gagamit ka ng passphrase, makikita mo lang ang mga binisita mong site sa iba pang device kung na-type mo sa address bar ang mga address sa web ng mga ito. Matuto pa tungkol sa mga passphrase.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga kamakailang tab.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting Password Manager.
- Sa ilalim ng "Password Manager," hanapin ang lahat ng iyong password.
Kapag na-sync mo ang iyong mga naka-save na password sa Chrome, magagamit mo ang mga ito para mag-sign in sa mga site at app sa iyong Android device kung saan ka naka-sign in sa Google Account mo. Alamin kung paano gamitin ang mga password sa lahat ng iyong device.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting Autofill at mga pagbabayad.
Matuto pa tungkol sa awtomatikong pagsagot sa mga form.
Maa-update sa lahat ng iyong device ang mga pagbabago sa mga setting mo.
Ayusin ang mga problema sa pag-sync
Kung mas lumang bersyon ng Chrome ang ginagamit mo, nagkakaproblema ito minsan sa pag-sync. Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Chrome.