Paano gumagana sa Chrome ang pag-sign in gamit ang iyong Google Account

Paano gumagana ang pag-sign in gamit ang iyong Google Account

Puwede kang mag-sign in sa Chrome gamit ang iyong Google Account sa iba't ibang paraan, tulad ng kapag ginagamit mo ang Chrome sa unang pagkakataon o anumang oras sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng mga setting ng Chrome. Sa iyong computer, puwede ka ring mag-sign in sa Chrome sa pamamagitan ng serbisyo sa web ng Google tulad ng Gmail. Sa iyong computer, Android device, at iOS device, kapag nag-sign in ka sa Chrome, naka-sign in ka na rin sa iba pang serbisyo sa web ng Google.

Kung pipiliin mong mag-sign in sa Chrome, makakapag-save at makakagamit ka ng mga bookmark, password, at iba pang data sa Chrome sa iyong Google Account. Nagbibigay-daan ito sa iyong gamitin ang data mo sa Chrome sa lahat ng iyong device kung saan ka nag-sign in. Kung hindi ka magsa-sign in, mase-save mo pa rin ang iyong mga bookmark, password, at higit pa, pero mase-save lang ang mga ito sa device mo.

Kung naka-sign in ka sa Chrome at gusto mong i-sync ang iyong mga tab at history sa Chrome, puwede mo itong i-on sa mga setting ng Chrome.

Kapag naka-enable ang “Aktibidad sa Web at App” sa iyong account, na kinabibilangan ng subsetting para sa Chrome, posibleng gamitin ang history sa Chrome na naka-save sa Google Account mo para tumulong na i-personalize ang iyong experience sa mga produkto at serbisyo ng Google. Kabilang dito ang mas mabibilis na paghahanap at mga kapaki-pakinabang na rekomendasyon sa content. Mapapamahalaan mo ang iyong aktibidad sa Aking Aktibidad sa Google.

Kapag nag-browse ka sa Incognito mode ng Chrome, hindi ka makakapag-sign in sa Chrome. Makakapag-sign in ka pa rin sa mga serbisyo sa web ng Google.

Paano namin pinoprotektahan ang iyong data

Puwede mong piliing mag-encrypt ng ilang partikular na data gamit ang iyong sariling passphrase, para hindi mabasa ng Google ang data na ito. Ang impormasyong ipinapadala sa Google ay naka-encrypt habang ipinapadala. Ginagamit at pinoprotektahan ito alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Ikaw ang may kontrol

Mapapamahalaan mo ang iyong data mula sa Chrome at makokontrol mo kung paano ito ginagamit anumang oras.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1693472874811545888
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false