Puwede kang mag-import ng mga password mula sa iba pang app sa Google Password Manager sa Chrome. Puwede ka ring mag-export ng mga password mo mula sa Google Password Manager.
Para hanapin ang listahan ng mga account na may mga naka-save na password sa iyong device, puwede kang:
Mag-import ng mga password sa iyong computer
Hakbang 1: I-export ang iyong mga password mula sa iba pang app bilang .csv fileMahalaga: Puwede ka lang mag-import ng mga password sa .csv na format ng file sa Google Password Manager. Para mag-export ng mga password bilang .csv file mula sa non-Google na app, sumangguni sa dokumentasyon ng app na iyon.
Para sa mga tagubilin sa kung paano mag-export ng mga password mula sa non-Google na app, pumunta sa mga sumusunod na kapaki-pakinabang na resource:
Tip: Para matiyak na gumagamit ng tamang format ang mga password mo, tingnan kung kasama sa unang linya ng file ng iyong mga na-export na password ang mga pangalan ng column na ito:
- “url”
- “username”
- “password”
Kung hindi, i-update ang iyong file para magkaroon ito ng mga pangalan ng column na "url," “username," at "password" sa unang linya.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager
Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Mag-import ng mga password," i-click ang Pumili ng file.
- Piliin ang .csv file na gusto mong i-import.
- Para makumpleto ang iyong pag-import, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Puwede kang mag-import ng 3,000 password nang sabay-sabay. Kung kailangan mong mag-import ng higit sa 3,000 password, hatiin ang mga ito sa maraming .csv file at i-import ang mga file nang magkakahiwalay. Puwede kang mag-store ng hanggang 10,000 password sa iyong Google Account.
Mahalaga: Kung hindi mo ide-delete ang file ng iyong password, puwedeng mabuksan ng sinumang gumagamit ng device ang file at ma-access ang mga password mo.
Para i-delete ang file ng iyong password, sumangguni sa dokumentasyon ng device mo.
Mag-export ng mga password mula sa Google Password Manager
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill.
- Piliin ang Google Password Manager
Mga Setting.
- Mag-scroll papunta sa “I-export ang mga password.”
- Piliin ang I-download ang file.
Tingnan kung may mga hindi ligtas na password
Pagkatapos mong i-import ang iyong mga password, puwede mong tingnan kung na-expose ang mga ito sa breach sa data o potensyal na mahina at madaling mahulaan. Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang iyong mga password.