Kung nakukuha mo ang error na "Ay, Naku" o iba pang code ng error sa halip na isang webpage, nagkakaproblema ang Chrome sa pag-load. Maaari mo ring makita ang page na mabagal na naglo-load o hindi talaga naglo-load.
Kung makakatanggap ka ng error sa pag-load ng page: Para iwasto ang problema, sundin ang mga hakbang sa ibaba. Puwede kang magsimula sa pag-reload ng page.
I-reload ang page
Kadalasan, maaari mong i-reload ang page para maayos ang error.
Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang I-reload .
Kung hindi nito naayos ang error...
Hakbang 1: Tingnan ang iyong koneksyon sa internet
Siguraduhing nakakonekta ang iyong computer sa Wi-Fi o sa isang wired network.
Subukang i-reload ang tab na may error.
Hakbang 2: I-delete ang iyong cache
Posibleng may impormasyong naka-store sa Chrome na pumipigil sa pag-load ng page.
Buksan ang page sa Incognito window
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Bagong Incognito window.
- Sa Incognito window, subukang buksan ang page. Kung bubukas ito, i-delete ang iyong cache at cookies.
I-delete ang iyong cache at cookies
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa I-clear ang data mula sa pag-browse.
- Sa tabi ng "Hanay ng oras," piliin ang Lahat ng oras.
- Piliin ang Mga naka-cache na larawan at file at Cookies at iba pang data ng site. I-deselect ang iba pang uri ng data.
- I-click ang I-clear ang data.
- Subukang i-reload ang tab na may error.
Hakbang 3: Isara ang iba pang tab, extension, at app
Posibleng naubusan na ng memory ang iyong device, at hindi nito ma-load ang site habang pinapagana rin ang mga app, extension, at program mo.
- Magbakante ng memory:
- Isara ang bawat tab maliban sa tab na nagpapakita ng mensahe ng error.
- Isara ang iba pang app o program na gumagana, at i-pause ang anumang pag-download ng app o file.
- I-uninstall ang mga hindi kinakailangang extension sa Chrome. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Extension Pamahalaan ang mga extension. Sa mga extension na hindi mo ginagamit, i-click ang Alisin.
- Subukang i-reload ang tab na may error.
Hindi pa rin ba gumagana?
Minsan, mga program o app ang pumipigil sa pag-load ng page.
- I-restart ang iyong computer.
- Subukang muling i-load ang page.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Tulong Tungkol sa Google Chrome.
- Titingnan ng Chrome kung may available na update. Posibleng kailanganin mong maghintay nang ilang segundo bago makita ito.
- Kung may update, makakakita ka ng opsyong i-click ang Ilunsad ulit. Pagkatapos maglunsad ulit, subukang i-reload ang tab na may error.
- Kung walang tagubilin, napapanahon ang bersyon ng iyong Chrome.
Kung gumagamit ka ng Mac, tingnan ang aming mga suhestyon para sa paghahanap at pag-aalis ng mga hindi gustong software.
Kapag naalis na ang hindi gustong software, subukang i-reload ang tab na may error.
Kapag lumabas ang mga sumusunod na code ng error, ibig sabihin, may problema sa pagbubukas sa page.
- "Ay, Naku!": Nagkakaproblema ang Chrome sa pag-load ng page.
- ERR_NAME_NOT_RESOLVED: Walang ganoong hostname (web address).
- ERR_INTERNET_DISCONNECTED: Hindi nakakonekta sa internet ang device.
- ERR_CONNECTION_TIMED_OUT oERR_TIMED_OUT: Masyadong matagal ang pagkonekta ng page. Maaaring masyadong mabagal ang iyong koneksyon sa internet, o maaaring masyadong abala ang page.
- ERR_CONNECTION_RESET: May nangyaring nakaantala sa iyong koneksyon sa page.
- ERR_NETWORK_CHANGED: Nadiskonekta ang iyong device sa network o kumonekta ito sa bagong network habang nilo-load ang page.
- ERR_CONNECTION_REFUSED: Hindi hinayaan ng page na kumonekta ang Chrome.
- ERR_CACHE_MISS: Kailangang isumiteng muli sa page ang impormasyong inilagay mo kanina.
- ERR_EMPTY_RESPONSE: Hindi nagpadala ng anumang data ang website, at maaaring hindi ito gumagana.
- ERR_SSL_PROTOCOL_ERROR: Nagpadala ang page ng data na hindi nauunawaan ng Chrome.
- ERR_ BAD_SSL_CLIENT_AUTH_CERT: Hindi gumagana ang pag-sign in sa website (halimbawa, website ng bangko o trabaho) dahil may error ang certificate ng client.
Para sa kumpletong listahan ng mga code ng error, pumunta sa chrome://network-errors/.
Posibleng makita mo rin ang isa o higit pa sa mga isyung ito:
- Hindi makakonekta sa isang site.
- Hindi bumubukas ang isang website.
- Hindi bumubukas ang isang HTTPS site.
- Hindi naglo-load ang isang larawan.
- Hindi naglo-load ang isang bagong tab.
Humingi ng karagdagang tulong
- Kung nagbubukas nang normal ang iba pang site pero may isang site na nagka-crash, posibleng ang site na iyon ang nagdudulot ng problema:
- Kung susubukan mong i-reload ang site at hindi ito magbubukas, ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-click sa Magpadala ng feedback.
- I-on ang awtomatikong pag-uulat ng error para matulungan kaming mapabilis ang paglutas ng mga pag-crash ng page, o iulat ang isyu sa Chrome.
- Makipag-ugnayan sa may-ari ng site para iulat ang problema.
- Humingi ng tulong sa mga eksperto sa Forum ng Tulong ng Chrome.