Magagamit mo ang pagsubaybay sa presyo sa iyong telepono, tablet, o computer para tingnan kung may mga pagbaba ng presyo sa mga produktong gusto mong bilhin.
Para magamit ang mga feature na pagsubaybay sa presyo at mga insight, at makatanggap ng mga notification, dapat:
- Nakatira ka sa Australia, Canada, India, Japan, o US.
- Mag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account.
- I-sync mo ang iyong history.
- I-on mo ang "Pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse."
Makakuha ng mga insight sa presyo at shopping
Puwede mong gamitin ang Mga Insight sa Shopping sa Chrome para makita ang history ng presyo at hanay ng presyo para sa mga produkto sa web. Kabilang dito ang mga produktong may mga alternatibo, tulad ng iba't ibang kulay o kapasidad ng storage.
Makita ang history ng presyo para sa isang produkto- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Pumunta sa page ng produkto.
- Sa address bar, sa kanan, i-tap ang Mababa ang presyo
.
- Opsyonal: Para subaybayan ang produkto, i-tap ang Subaybayan.
Mga tip:
- Puwede mong subaybayan ang mga produkto kahit naka-off ang mga notification.
- Para ihinto ang pagsubaybay sa produkto, i-tap ang Pagsubaybay.
Subaybayan ang presyo sa page ng produkto
Mahalaga: Para magamit ang feature na ito sa unang pagkakataon, kapag lumabas ang pop-up, i-tap ang Ipakita sa akin.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Pumunta sa page ng produkto.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Subaybayan ang mga presyo
.
Tip: Kapag ginamit mo ang TalkBack, puwede kang gumamit ng 2 daliri sa area ng graph para lumipat pakaliwa at pakanan sa mga data point. Pagkatapos ay iangat ang iyong mga daliri para mabasa ng TalkBack ang mga data point. Matuto pa tungkol sa kung paano gamitin ang mga galaw sa TalkBack.
Makita ang iyong mga tracked product- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga bookmark
Mga tracked product.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga setting
Mga serbisyo ng Google.
- I-tap ang Makatanggap ng mga notification sa pagsubaybay sa presyo.
- Para baguhin ang mga notification sa presyo sa mobile: Sa ilalim ng “Mobile,” i-tap ang Mga setting. I-on o i-off ang iyong Mga alerto sa pagbaba ng presyo sa mobile.
- Para baguhin ang mga notification sa email para sa mga pagbabago sa presyo: Sa ilalim ng “Email,” i-on o i-off ang Ipadala sa.
Tumingin ng mga pagbaba ng presyo sa mga nakabukas na tab
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- I-tap ang Lumipat ng tab
.
- Sa tab para sa gusto mong produkto, tingnan kung may badge. Kung makaka-detect ang Chrome ng pagbaba ng presyo, magpapakita ito ng badge sa kaliwang bahagi sa itaas ng tab.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga setting
Mga serbisyo ng Google.
- I-on o i-off ang Subaybayan ang mga presyo sa mga tab.