Pamahalaan ang kaligtasan at seguridad ng Chrome

Para sa mas pribado at secure na experience sa pag-browse, puwede mong gamitin ang mga feature sa kaligtasan ng Chrome, tulad ng Pag-check sa Kaligtasan at Ligtas na Pag-browse.
Mga nakompromisong password

Kung may mapapansin kang hindi pamilyar na aktibidad sa iyong account o kung sa tingin mo ay posibleng nakompromiso ang iyong password, agad na palitan ang password mo. Alamin kung paano i-secure ang nakompromisong Google Account.

Para palitan ang iyong password mula sa ibang site, sundin ang mga tagubilin sa Chrome. Alamin kung paano pamahalaan ang mga password.

Mga level ng proteksyon ng Ligtas na Pag-browse
Gamit ang Ligtas na Pag-browse sa Google, makakatanggap ka ng mga alerto tungkol sa malware, mga mapanganib na extension, phishing, o mga site na nasa listahan ng Google ng mga potensyal na hindi ligtas na site. Matutunan kung paano pumili ng level ng proteksyon ng Ligtas na Pag-browse.
Mga awtomatikong update sa Chrome
Para matiyak na protektado ka ng mga pinakabagong update sa seguridad, kapag available, puwedeng awtomatikong mag-update ang Chrome sa pinakabagong bersyon ng browser.Alamin kung paano i-update ang Chrome.
On-device na pag-encrypt para sa mga password
Mahalaga: Tiyaking na-set up mo na ang on-device na pag-encrypt. Matutunan kung paano mag-set up ng on-device na pag-encrypt.

Kapag naka-set up na ang on-device na pag-encrypt, magagamit mo ang iyong password sa Google o lock ng screen para sa mga compatible na telepono o tablet para i-unlock ang password mo. Sa uri ng pag-encrypt na ito, ikaw lang ang mayroon ng key para ma-unlock ang iyong mga password.

Magpatakbo ng Pag-check sa Kaligtasan sa Android device

Awtomatikong pinapagana ng Chrome ang Pag-check sa Kaligtasan para tulungan kang mahanap at maayos ang mga problema sa privacy at seguridad.
Puwede mong suriin ang privacy at seguridad ng iyong Chrome gamit ang Pag-check sa Kaligtasan. Naghahanap ang Pag-check sa Kaligtasan ng:
  • Mga nakompromiso, ginamit ulit, o mahinang password: Para matiyak ang iyong online na seguridad, puwede kang bigyan ng babala ng Pag-check sa Kaligtasan kung naugnay sa breach sa data ang isang username o password na naka-store sa Google Password Manager. Matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ng Chrome ang iyong mga password.
  • Status ng Ligtas na Pag-browse: Para matiyak na protektado ka laban sa malware, phishing, at iba pang panganib, puwede kang paminsan-minsang paalalahanan ng Pag-check sa Kaligtasan na suriin ang iyong mga setting ng Ligtas na Pag-browse. Matuto pa tungkol sa proteksyon ng Ligtas na Pag-browse sa Chrome.
  • Mga available na update sa Chrome: Para matiyak na protektado ka ng mga pinakabagong update sa seguridad, puwede kang paminsan-minsang paalalahanan ng Pag-check sa Kaligtasan na i-update ang Chrome.
  • Mga posibleng hindi gustong notification: Paminsan-minsan, papaalalahanan ka ng Chrome na suriin ang mga ibinigay mong pahintulot sa notification.
  • Mga hindi nagamit na pahintulot para sa site: Para maprotektahan ang iyong data, inaalis ng Chrome ang mga pahintulot mula sa mga site na hindi mo nagamit kamakailan.
  • Mga mapang-abusong notification: Inaalis ng Chrome ang mga pahintulot sa notification mula sa mga site na natutuklasan ng Ligtas na Pag-browse sa Google na nililinlang ang mga user na ibigay ang pahintulot.
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Pag-check sa Kaligtasan.
  4. Kung may makita ang Chrome na anumang isyu:
    1. I-tap ang item na may isyu.
    2. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Kapag nagsagawa ng aksyon ang Pag-check sa Kaligtasan, aabisuhan ka ng Chrome kung may mga isyung nangangailangan ng pansin mo. Lalabas ang mga mensaheng ito sa iyong page ng bagong tab. Puwede mong piliin ang item na may isyu at sundin ang mga tagubilin sa screen.
I-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon

Kapag may HTTPS ang URL ng isang website, puwedeng nagsasaad ito ng secure na koneksyon. Mas secure ang mga koneksyon sa mga site na gumagamit ng HTTPS kaysa sa mga site na hindi gumagamit nito.

Kapag in-on mo ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon, ina-upgrade ng Chrome ang mga URL para gumamit ng HTTPS at magpapakita ito ng babala bago ka bumisita sa isang site na hindi sumusuporta rito.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad.
  3. Sa ilalim ng “Seguridad,” i-on ang Palaging gumamit ng mga secure na koneksyon.
  4. Piliin ang gusto mong configuration:
    • Binibigyan ka ng babala para sa mga hindi secure na pampublikong site: Hindi ka binibigyan ng babala para sa mga pribadong site, gaya ng intranet ng iyong kumpanya.
    • Binibigyan ka ng babala para sa lahat ng hindi secure na site: Binibigyan ka ng babala para sa mga pampublikong site at pribadong site, gaya ng intranet ng iyong kumpanya.

Tip: Kapag maglo-load ka ng site na hindi gumagamit ng HTTPS sa URL nito, makikita mo ang babalang “Hindi Secure” sa address bar.

I-on ang Balaan ka kung nakompromiso ang isang password sa breach sa data
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad.
  3. Sa ilalim ng “Seguridad,” i-on ang Balaan ka kung nakompromiso ang isang password sa breach sa data.
Gumamit ng secure na koneksyon para hanapin ang IP address ng site

Kapag bumisita ka sa isang site, hinahanap ng Chrome ang IP address ng host server ng site. Para maprotektahan ang iyong privacy at seguridad, kung naka-on ang paghahanap ng Secure na DNS, ine-encrypt ng Chrome ang impormasyon mo habang isinasagawa ang proseso ng paghahanap.

Bilang default, naka-on ang Secure na DNS sa Chrome sa automatic mode. Kung magkakaroon ng mga isyu ang Chrome sa paghahanap ng site sa mode na ito, hahanapin nito ang site sa unencrypted mode.

Puwede kang pumili ng custom na provider. Kapag pumili ka ng custom na provider, hindi made-default sa unencrypted mode ang Chrome. Kung mayroon kang mga isyu, tulad ng mga mensahe ng error, puwede mong suriin ang setting ng iyong provider, o i-off ang Secure na DNS. Posibleng sabihin ng mga mensahe ng error na hindi makita ang IP address ng server.

Mahalaga: Kung pinapamahalaan ang iyong device o naka-on ang parental controls, hindi mo magagamit ang feature na secure na DNS ng Chrome.

Para i-on o i-off ang Secure na DNS:
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad.
  3. Sa ilalim ng “Seguridad,” i-tap ang Gumamit ng secure na DNS.
  4. I-on o i-off ang Gumamit ng secure na DNS.
  5. Piliin ang iyong kasalukuyan o ibang service provider.
Pamahalaan ang mga setting ng seguridad ng V8
Mahalaga: Naka-on ang mga pag-optimize ng V8 bilang default para pahusayin ang performance ng site.
Para sa karagdagang seguridad pero mas mabagal na performance ng site, puwede mong i-off ang “V8 optimizer.”
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting at pagkatapos Privacy at seguridad.
  3. Sa ilalim ng “Seguridad,” i-tap ang V8 optimizer.
  4. I-off ang V8 optimizer.

Mga Tip:

  • Puwede mo ring tukuyin kung aling mga URL ang puwedeng gumamit ng V8 optimizer. Para maidagdag ang URL ng mga website na pinapayagan o hindi pinapayagang gumamit ng V8 optimizer, i-tap ang Magdagdag ng exception sa site.
  • Sa “Mga setting ng site,” puwede mo ring i-off ang "V8 optimizer."

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5830505335676447596
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false