Tumugon sa isang kahilingan para makapagmensahe sa Google Chat

Sa Google Chat, hindi mo kailangang makipag-chat sa mga taong hindi mo kakilala. Sa unang beses na magpadala ng isang direktang mensahe sa iyo ang isang tao, makakatanggap ka ng kahilingan. Kung ginagamit mo ang Google Chat sa isang Google Workspace account, posible kang makatanggap ng mga kahilingan mula sa mga taong nasa iyong organisasyon. Puwede mong tanggapin o tanggihan ang mga kahilingan.

Ang mangyayari kapag tinanggap o binalewala mo ang isang mensahe

Kung tatanggapin mo ang isang kahilingan para makapagmensahe

  • Makikita ng humihiling ang iyong mga pangunahing detalye sa profile (pangalan, avatar, email address) at kung online ka.
  • Makikita mo ang lahat ng attachment na ipapadala ng nasabing indibidwal at masasagot mo ang kanyang mga mensahe.
  • Puwede kang idagdag ng humihiling sa mga chat space.

Kung babalewalain mo ang isang kahilingan para makapagmensahe

  • Mawawala ang mensahe. Para makita ulit ang kahilingan, hanapin ang taong iyon sa Google Chat. Posibleng kailanganin mong gamitin ang kanyang email address kapag naghanap ka.
  • Hindi malalaman ng humihiling na binalewala mo siya.
  • Puwede mong i-block ang humihiling mula sa pagpapadala sa iyo ng higit pang kahilingan. Alamin kung paano mag-block ng tao.

Mga spam na kahilingan para makapagmensahe

Fini-filter ng Google Chat sa isang hiwalay na seksyon ang mga mukhang spam na kahilingan para makapagmensahe. Puwede mong tanggapin o i-block ang mga mensaheng namarkahang spam.

Tumanggap o magbalewala ng kahilingan para makapagmensahe sa Chat o Gmail

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chat app o Gmail app .
    • Sa Gmail: Sa ibaba, i-tap ang Chat .
  2. I-tap ang Bagong chat at pagkatapos ay Mga kahilingan para makapagmensahe.
  3. I-tap ang pangalan. Lalabas ang kanyang mensahe kasama ng kahilingan.
  4. I-tap ang Tanggapin o Balewalain.
    • Opsyonal: Para pigilan ang tao sa pagpapadala sa iyo ng higit pang kahilingan, i-tap ang I-block din at pagkatapos ay Balewalain.

 

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3262340268639328513
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false