Mag-subscribe sa Google Calendar ng isang tao

Puwede mong makita ang kalendaryo ng ibang tao kung ibinahagi nila ito sa iyo. Makakapag-request ka rin ng access kung hindi pa niya ibinabahagi sa iyo ang kanyang kalendaryo.

Mahalaga:

  • Posibleng maapektuhan ang performance ng kalendaryo kung magsu-subscribe ka sa mahigit sa 400 kalendaryo.
  • Puwede ka lang maghanap ng kalendaryo kung saan gusto mong mag-subscribe kapag ginamit mo ang Google Calendar sa isang computer o mobile browser.

Magdagdag ng kalendaryong ibinahagi ng isang tao sa iyo

Kapag may nagbahagi ng kalendaryo niya sa iyo gamit ang email address mo, makakatanggap ka ng email na may link para maidagdag ang kalendaryo niya. Alamin kung paano maibabahagi ang mga kalendaryo.

  1. Sa iyong email, i-tap ang link na nagsasabing Idagdag ang kalendaryong ito.
  2. Bubukas ang iyong Google Calendar app.
  3. Sa lalabas na pop-up, i-tap ang Oo.
  4. Lalabas ang iyong kalendaryo sa kaliwa, sa ilalim ng “Aking mga kalendaryo.”

Magpakita o magtago ng kalendaryo kung saan ka naka-subscribe

Mahalaga: Puwede ka lang mag-subscribe sa isang kalendaryo sa web, mula sa calendar.google.com.

Puwede kang magpakita o magtago ng mga kalendaryo kung saan naka-subscribe ka na, pero hindi ka makakapag-subscribe sa isang kalendaryo sa Google Calendar app.

  1. Buksan ang Google Calendar app Calendar.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu .
  3. Lagyan ng check o i-uncheck ang iyong gustong kalendaryo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8568573183277670502
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false