Ibahagi ang iyong iskedyul ng appointment

Kapag gumawa ka ng page para sa pag-book, puwede kang magbahagi ng link sa iyong website o sa pamamagitan ng mga online na komunikasyon na:

  • Direktang nagli-link sa iyong page para sa pag-book ng appointment
  • Nagli-link sa lahat ng iskedyul ng appointment sa iyong pangunahing kalendaryo

Puwede kang gumawa ng iisang page para sa pag-book para magawa ng ibang tao na mag-iskedyul ng unlimited na appointment sa iyong kalendaryo nang libre. Kung mayroon kang kwalipikadong subscription sa Google Workspace o Google One, ang mga iskedyul ng appointment ay may mga kasamang premium feature. Matuto tungkol sa mga premium feature para sa mga iskedyul ng appointment.

Magbahagi ng link sa iyong iskedyul ng appointment

Mahalaga: Pampubliko ang mga page para sa pag-book na ginagawa mo, at hindi naaapektuhan ng iyong mga setting ng pagbabahagi ng Calendar ang mga ito.

Makikita ng sinumang may link ang iyong:

  • Page para sa pag-book
  • Larawan sa profile
  • Pangalan ng account
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa grid ng iyong Calendar, i-click ang iskedyul ng appointment.
  3. Sa tabi ng “Buksan ang page para sa pag-book,” i-click ang Ibahagi Share.
  4. Sa ilalim ng “Link,” pumili ng opsyon:
    • Para magbahagi ng link para sa lahat ng serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Lahat ng iskedyul ng appointment.
    • Para magbahagi ng link para sa isang partikular na serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Iisang page para sa pag-book
  5. I-click ang Kopyahin ang link at pagkatapos ay Tapos na

Magdagdag ng button ng iskedyul ng appointment sa iyong website

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa grid ng iyong Calendar, i-click ang iskedyul ng appointment.
  3. Para ibahagi ang link, sa tabi ng “Buksan ang page para sa pag-book,” i-click ang Ibahagi Share.
  4. Sa ilalim ng “Pag-embed sa website,” pumili ng opsyon:
    • Para gumawa ng button para sa lahat ng serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Lahat ng iskedyul ng appointment.
    • Para gumawa ng button para sa isang partikular na serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Iisang page para sa pag-book
  5. Para buksan ang opsyong “Button na may popup,” i-click ang I-expand Pababang arrow.  
    • Opsyonal: Puwede mong i-edit ang text at kulay ng button. 
  6. Para idagdag ang button sa iyong website, i-click ang Kopyahin ang code
  7. I-paste ang code sa HTML ng iyong website. 
  8. I-click ang Tapos na.  

I-embed ang page para sa pag-book sa iyong website

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa grid ng iyong Calendar, i-click ang iskedyul ng appointment.
  3. Para ibahagi ang link, sa tabi ng “Buksan ang page para sa pag-book,” i-click ang Ibahagi Share.
  4. Sa ilalim ng “Pag-embed sa website,” pumili ng opsyon:
    • Para gumawa ng button para sa lahat ng serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Lahat ng iskedyul ng appointment.
    • Para gumawa ng button para sa isang partikular na serbisyo sa iyong kalendaryo, i-click ang Iisang page para sa pag-book
  5. Para buksan ang opsyong “Inline na page para sa pag-book,” i-click ang I-expand Pababang arrow.
    • Opsyonal: Puwede mong i-edit ang lapad at taas ng iyong page para sa pag-book. 
  6. Para direktang i-embed sa iyong website ang page para sa pag-book, i-click ang Kopyahin ang code.
  7. I-paste ang code sa HTML ng iyong website.
  8. I-click ang Tapos na.  
I-embed ang mga opsyong available para sa mga provider ng website
Mga provider ng website Sumusuporta ng mga button Sumusuporta ng mga naka-embed na iskedyul
Google Sites Tapos na
Shopify Tapos na Tapos na
Squarespace Tapos na Tapos na
Unbounce Tapos na Tapos na
Weebly Tapos na
Wix Tapos na
Wordpress.com Tapos na
Wordpress.org Tapos na Tapos na

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18369616594080037946
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false