Notification

Business Profile call history will no longer be supported after July 31, 2024. Learn more about the changes on call history.

History ng tawag sa Profile ng Negosyo sa Google

Puwede mong subaybayan ang mga tawag sa telepono mula sa iyong mga customer sa Google Search at Maps gamit ang history ng tawag. Para matulungan kang sagutin ang mga hindi nasagot na tawag at manatiling may ugnayan sa iyong mga customer, pinapanatili ng history ng tawag ang lahat ng tawag mo sa iisang lugar. Posibleng mas mapadali para sa iyo ng mga tawag na ito na kumonekta sa mga customer na nakahanap sa negosyo mo sa pamamagitan ng Google. Ang mga tawag na natatanggap mo sa pamamagitan ng iyong Profile ng Negosyo ay nagsisimula sa isang maikling mensahe na nagbibigay-alam sa iyong mula sa Google ang mga ito.

Pagiging Kwalipikado

Ang history ng tawag sa Google My Business (GMB) ay kasalukuyang isang pang-eksperimentong feature at available lang para sa isang piling pangkat ng mga negosyo sa US lang.

Paano gumagana ang history ng tawag

Kapag ginamit ng isang customer ang button na “Tumawag” sa iyong Profile ng Negosyo, lalabas ang tawag sa tab na “Mga Tawag” ng iyong profile. Mula sa tab na ito, mahahanap mo ang mga kamakailang tawag, hindi nasagot na tawag, at higit pa.

Kapag na-on mo na ang history ng tawag, kokonekta ang mga customer sa iyo sa pamamagitan ng pagpapasahang numero sa halip na numero sa profile mo. Matuto pa tungkol sa pagpapasahang numero.

Mahalaga: Kung naka-link ang iyong Profile ng Negosyo sa Google sa isang Google Ads account at na-on mo ang history ng tawag ng iyong profile, ang mga tawag na mas matagal kaysa sa isang partikular na oras at kinabibilangan ng isang pag-click sa ad ay lalabas sa naka-link na Google Ads account sa ilalim ng conversion na "Mga Tawag mula sa Mga Ad." Kung gumagamit ka ng smart bidding at mayroon kang mga conversion ng tawag sa iyong diskarte, may makikita kang pagbabago sa iyong gastos sa ad. Matuto pa tungkol sa smart bidding.

I-on o i-off ang history ng tawag

  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Para pamahalaan ang iyong history ng tawag:
    • Sa Google Search, i-click ang Mga Tawag.
    • Sa Google Maps, i-click ang Pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo at pagkatapos ay Mga Tawag.
  3. I-click ang Menu Higit pa at pagkatapos ay Mga setting ng mga tawag.
  4. I-on o i-off ang history ng tawag.

Tungkol sa pagpapasahang numero ng Google

Sa iyong Business Profile, makikita ng mga customer ang numero ng negosyo mo. Kapag ginamit nila ang button na “Tawagan” sa iyong profile, ipapasa ang tawag nila sa isang natatanging numero para makaugnayan ka. Iba ang numerong ito kaysa sa numerong nasa iyong profiile.

Nag-iiba-iba ang pagpapasahang numero ng Google batay sa lokasyon kung saan ito na-dial, kung saan kasama ang area code o numero ng prefix nito. Kapag posible, pareho ang area code o numero ng prefix ng pagpapasahang numero sa area code o numero ng prefix ng negosyo mo. Kung hindi, isang lokal na numero sa iyong heograpikong rehiyon ang gagamitin. Kung hindi available ang mga numerong ito, isang toll-free na pagpapasahang numero ng Google ang gagamitin.

Tip: Bihirang kailanganin ng mga customer ang toll-free na numero.

Karagdagang impormasyon

  • Pinapanatili ang mga tawag nang 45 araw sa tab na “Mga Tawag.” 
  • Kapag gumamit ang iyong negosyo ng history ng tawag sa profile mo, kokonekta ka sa iyong customer sa pamamagitan ng natatanging pagpapasahang numero sa halip na ang direktang numero ng negosyo mo.
  • Ang mga lalabas na numero ng telepono sa history ng tawag ay ang mga direktang numero ng mga customer.
  • Hindi mo mao-off ang naka-automate na mensahe mula sa Google sa simula ng mga tawag ng customer. Para i-off ang naka-automate na mensahe, dapat mong ganap na i-off ang history ng tawag.
  • Hindi mo masusubaybayan ang mga text sa history ng tawag. Mga tawag lang sa telepono ang sinusubaybayan ng history ng tawag. Para mag-text sa mga customer, gamitin ang feature na Pagmemensahe sa Google Maps app.
  • Kung may tatawag na customer sa iyong voicemail, ikakategorya ito bilang "Mga Nasagot na Tawag" sa tab na Mga Tawag.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17265613717913469337
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false