Tungkol sa mga tawag sa telepono mula sa Google Assistant

Mahalaga: Ang artikulong ito ay tungkol sa isang feature ng Google Assistant na ginagamit ng Google para makipag-ugnayan sa isang negosyo. Hindi ito tungkol sa kung paano makipag-ugnayan sa Google Support para sa isang negosyo.

Mga tawag sa telepono mula sa Google

Sa simula ng tawag, maririnig mo ang dahilan ng pagtawag at na mula sa Google ang tawag na iyon. Maaasahan mong manggagaling ang tawag sa naka-automate na system, o sa ilang sitwasyon, sa isang manual na operator.

Ang mga pag-book ng appointment at pag-alam sa oras ng paghihintay sa restaurant gamit ang Google Assistant ay available lang sa United States, at tatawag ito mula sa +1-650-203-0000.

Puwede ring tumawag o mag-text ang Google para kumpirmahin ang mga detalye ng iyong negosyo, para tumpak na maipakita ang mga ito kapag hinahanap ng mga tao ang mga ito sa Google Search at Maps. Mula sa Google ang mga pakikipag-ugnayan mula sa mga numero ng telepono na ito:

  • Argentina: +541152468650
  • Australia: +61-2-9123-6508
  • Brazil:
    • 600018
    • +55 1138788565
  • Canada: +1-780-851-3579
  • Chile: +56223930690
  • Colombia: +576017945853
  • France: +33 185169412
  • Germany: +491771783584
  • India: +91 4067590050, 56161187
  • Japan: +81-345670700
  • Mexico: +52 5550912025
  • New Zealand: +64-9-884-7777
  • Peru: +5117304933
  • Spain: +34-93-003-9974
  • United Kingdom: +44-207-660-1362
  • United States: +1-650-206-5555, +1-650-763-0461, +1-650-899-8667, +1-844-899-8101, +1-855-252-7709
  • Venezuela: +582127719755

Matuto pa tungkol sa pagtukoy sa mga lehitimong tawag mula sa Google.

Puwede kang patawagan sa Assistant ng mga customer na makakahanap sa iyong negosyo gamit ang Google Search, Maps, o Assistant para sa mga gawaing tulad ng pag-book ng appointment o pag-alam sa oras ng paghihintay para sa mesa sa isang restaurant Kukumpirmahin ng Assistant ang anumang kinakailangang detalye sa customer at tatawag ito sa negosyo mo para gawin ang kahilingan ng customer.

Puwede ring tumawag ang Google sa mga negosyo paminsan-minsan para kumpirmahin ang mga detalye, gaya ng mga oras na bukas, at tiyakin ang tumpak na impormasyon.

Ang mga tawag na ito ay puwedeng:

  • Naka-automate.
  • Naka-automate at sinusubaybayan ng live na tao.
  • Ginawa ng live na operator.

Availability

Iniaalok ng Google ang feature na ito nang libre sa mga negosyo at customer para tulungan silang makaugnayan ang isa't isa.

Mga sinusuportahang device

Kasalukuyang available ang feature na ito sa:

  • Mga teleponong may Google Assistant app
  • Mga device na nakaka-access sa Search o Maps

Availability sa United States

Kasalukuyang available ang feature na ito sa mga sumusunod na estado ng US:
  • Alabama
  • Alaska
  • Arizona
  • Arkansas
  • California
  • Colorado
  • Connecticut
  • Delaware
  • Florida
  • Georgia
  • Hawaii
  • Idaho
  • Illinois
  • Indiana
  • Iowa
  • Kansas
  • Kentucky
  • Maine
  • Maryland
  • Massachusetts
  • Michigan
  • Minnesota
  • Mississippi
  • Missouri
  • Montana
  • Nebraska
  • Nevada
  • New Hampshire
  • New Jersey
  • New Mexico
  • New York
  • North Carolina
  • North Dakota
  • Ohio
  • Oklahoma
  • Oregon
  • Pennsylvania
  • Rhode Island
  • South Carolina
  • South Dakota
  • Tennessee
  • Texas
  • Utah
  • Vermont
  • Virginia
  • Washington
  • West Virginia
  • Wisconsin
  • Wyoming

Paano ito gumagana

Pag-book ng appointment

Kung gustong mag-book ng appointment ng customer, kukumpirmahin ng Assistant ang mga partikular na detalye gaya ng gustong oras ng customer, uri ng serbisyo, o laki ng grupo. Kapag nakumpirma na ang impormasyong ito, susubukan ng Assistant na mag-book ng appointment sa iyong negosyo sa pamamagitan ng paggamit ng online na booking partner (kung available) o sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong negosyo gamit ang naka-automate na teknolohiya para sa voice call mula sa Google Assistant (sinusubaybayan at nire-record ang mga tawag para sa pagtiyak sa kalidad). Sa ngayon, sa United States lang available ang mga pag-book ng appointment sa pamamagitan ng Google Assistant.

Pagtingin sa impormasyon ng negosyo

Para matiyak na tumpak na impormasyon tungkol sa iyong negosyo ang ipapakita ng Google, gaya ng mga oras ng negosyo mo o status ng mabentang imbentaryo, posibleng tumawag o mag-text ang Google sa iyong negosyo para kumpirmahin ang impormasyong hindi mo pa nakukumpirma. Puwedeng gamitin ng mga tawag o text na ito ang naka-automate na teknolohiya para sa voice call mula sa Google Assistant (sinusubaybayan at nire-record ang mga tawag para sa pagtiyak sa kalidad) at puwede itong humantong sa mga update sa iyong profile ng negosyo sa Google Search at Maps.

Pag-alam sa oras ng paghihintay sa restaurant 

Kung gusto ng customer na makuha ang kasalukuyang oras ng paghihintay para sa isang mesa sa iyong negosyo, puwede tawagan ng Google ang negosyo mo para makuha ang impormasyon at ibahagi ang impormasyon ng oras ng paghihintay sa customer. Puwedeng gamitin ng mga tawag na ito ang naka-automate na teknolohiya sa pag-voice call mula sa Google Assistant. Sinusubaybayan at nire-record ang mga tawag para matiyak ang kalidad. Sa ngayon, sa United States lang available ang pag-alam sa oras ng paghihintay gamit ang Google Assistant.

Alamin kung paano i-update ang impormasyon ng iyong negosyo sa Google.

Paano mag-opt out

Iniaalok ng Google ang feature na ito nang libre, para makatulong sa pagkonekta ng mga negosyo at customer. Alamin kung paano pinapamahalaan ng Google ang anumang personal na impormasyong kinokolekta nito.

Kung ayaw mong makatanggap ang iyong negosyo ng mga naka-automate na tawag mula sa Google Assistant, puwede mong sabihin sa amin sa telepono o baguhin ang mga setting ng iyong Profile ng Negosyo. Matuto tungkol sa iyong Profile ng Negosyo sa Google.

Sabihin sa amin sa telepono

Kapag nakatanggap ka ng tawag mula sa Google Assistant, puwede mong sabihin sa Assistant na ayaw mo nang makatanggap ng mga tawag. Halimbawa, puwede mong sabihin ang:

  • "Please remove my business from your list. (Pakialis ang negosyo ko sa listahan ninyo.)" 
  • "Please stop calling my business. (Huwag na ninyong tawagan ang negosyo ko.)"
Baguhin ang mga setting ng iyong Profile ng Negosyo
  1. Pumunta sa iyong Profile ng Negosyo. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.
  2. Piliin ang menu na tatlong tuldok  at pagkatapos ay Mga setting ng Profile ng Negosyo at pagkatapos ay Mga advanced na setting.
  3. Sa ilalim ng “Mga tawag sa Google Assistant” puwede mong i-on o i-off ang Mga booking mula sa mga customer o Mga naka-automate na tawag para panatilihing up to date ang iyong Profile ng Negosyo.

Mahalaga: Pagkatapos mag-opt out, puwede ka pa ring makatanggap ng mga manual na tawag mula sa Google paminsan-minsan para kumpirmahin ang impormasyon ng iyong negosyo. Matuto pa tungkol sa mga tawag sa telepono mula sa Google.

Mag-opt out at i-delete ang mga text message

Para mag-opt out sa mga text message, sumagot ng STOP.

Para i-delete ang lahat ng mensaheng ipinadala sa numero, ipadala ang:
  • Brazil: DELETAR
  • India: DELETE
  • Germany: LÖSCHEN
  • US: DELETE
Mag-opt out sa mga tawag para imapa ang tree ng telepono mo
Kung tinawagan ng Google ang iyong negosyo para imapa ang tree ng telepono mo, puwede kang mag-opt out sa mga tawag na ito sa hinaharap. Tumawag sa +1-650-206-5555 at mag-iwan ng voicemail kasama ng pangalan ng negosyo at numero ng telepono mo, at sabihin sa amin na gusto mong mag-opt out sa mga tawag sa hinaharap para imapa ang tree ng telepono para sa iyong negosyo.

Mga madalas itanong

Gaano ako kadalas tatawagan ng Google Assistant?

Tatawagan ka lang ng Google Assistant kapag may customer na gustong mag-book ng appointment, malaman ang oras ng paghihintay ng restaurant, o kapag kailangan nitong itanong ang mga oras ng negosyo o ang status ng mabentang imbentaryo mo. Iiwasan kang tawagan ng Assistant kapag gabing-gabi na o maagang-maaga pa.

Paano ko ia-update ang impormasyon ng negosyo ko sa Google?

Alamin kung paano i-edit ang impormasyon ng negosyo gaya ng iyong numero ng telepono o mga oras na bukas.

Paano ako mag-uulat ng mga problema?

Para mag-ulat ng problema sa mga tawag sa Google Assistant, punan ang form na ito.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11863030501487486237
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false