Pakikipagtulungan sa mga third party

Tungkol sa Profile ng Negosyo sa Google

Pinapadali ng Profile ng Negosyo sa Google para sa mga customer na mahanap at makaugnayan ang iyong negosyo kapag ginagamit nila ang Google Search at Maps. Kapag gumawa at nag-verify ka ng Profile ng Negosyo, puwede mong pamahalaan kung paano lumalabas ang iyong negosyo sa Google para mag-iwan ng magandang first impression at mapanatiling up-to-date ang impormasyon mo. Habang nahahanap ka ng mga tao sa Google, makakakuha ka ng mga insight tungkol sa gawi ng customer at malalaman mo kung paano nila natutuklasan ang iyong negosyo at kung paano sila nakikipag-ugnayan dito.

Paggamit ng third party

Nagbibigay sa iyo ang Profile ng Negosyo ng mga tool na makakatulong para magtagumpay ang negosyo mo, pero kung minsan, dahil sa pagpapatakbo ng negosyo, nawawalan ka ng sapat na panahon para makabuo at makapagpanatili ng matagumpay na Profile ng Negosyo. Kung kailangan mo ng tulong o kung gusto mo ng payo ng eksperto, puwede kang makipagtulungan sa third party. Maraming third party na mapagpipilian, mula sa malalaking kumpanyang namamahala ng daan-daang customer hanggang sa mga indibidwal na consultant sa web.

Paano makipagtulungan sa third party

Bagama't tool ang Profile ng Negosyo na magagamit nang libre, madalas na naniningil ng bayarin ang mga third party para pamahalaan ang iyong profile. Puwede silang magbigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng pagpapanatiling up-to-date ng profile mo, pagbibigay sa iyo ng mga insight mula sa customer, pagsagot sa mga tanong mo, at pagsagot sa mga review. Mahalagang maunawaan ang mga pakinabang na posibleng makuha mo mula sa third party para malaman mo kung nakukuha mo ba o hindi ang pinakamalaking return on investment.

Narito ang limang pinakamahusay na kagawian para sa pagpili at pakikipagtulungan sa isang third party:

  1. Maging mapili. Itanong ang mga bagay na ito kapag pumipili ka ng third party na makakatrabaho:
    • Namahala na ba ito dati ng Mga Profile ng Negosyo?
    • Nakapamahala na ba ito ng mga negosyong may mga katulad na badyet o target na audience?
    • Ano pang mga serbisyo ang maibibigay nito para mapalago ang negosyo mo?
  2. Makipagtulungan nang paisa-isa. Puwede kang maengganyong hatiin ang iyong badyet sa maraming third party para malaman kung alin ang naghahatid ng pinakamagagandang resulta, pero tandaang pinakamainam na subukan sila nang paisa-isa. Isang beses lang puwedeng lumabas sa Google ang iyong negosyo, kaya mahirap sumubok ng maraming third party nang sabay-sabay.
  3. Dagdagan ang iyong kaalaman.  Hindi naman matagal pag-aralan kung paano gumagana ang Profile ng Negosyo at maunawaan kung paano gamitin ang mga feature nito. Suriin ang mga resource at FAQ para sa basic na panimula sa Profile ng Negosyo, pagkatapos ay i-explore ang Help Center para makakita ng mga sagot sa mga partikular na tanong. Kapag nauunawaan mo kung paano gumagana ang Profile ng Negosyo, makakabuo ka ng mas mahuhusay na pasya kapag nakikipagtulungan ka sa third party.
  4. Magtiwala sa karanasan. Mas malamang na maging eksperto sa Profile ng Negosyo ang mga kumpanyang nakapamahala na ng daan-daang negosyo sa Google. Bago ka kumukha ng third party, makipag-usap muna sa mga miyembro ng staff nito para maunawaan ang karanasan nila dati sa pamamahala ng mga negosyo sa Google.
  5. Suriin ang iyong performance. Makakahanap ka ng maraming insight sa iyong account ng Profile ng Negosyo na posibleng magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung paano nahahanap ng mga customer sa Google ang iyong negosyo at kung paano sila nakikipag-ugnayan dito. Maglaan ng panahon bawat buwan sa pagsusuri sa performance ng iyong profile at pagsusuri sa mga resultang nakukuha mo sa pakikipagtulungan sa third party. Tingnan ang mga bagay tulad ng mga na-update na larawan at kasalukuyang oras ng negosyo, pati na rin ang mga pagbabago sa kung paano natutuklasan ng mga customer ang iyong negosyo online.

Mapanlinlang na gawi

Maraming third party ang naghahangad na magtagumpay ang kanilang mga kliyente, ngunit ang ilan ay hindi masyadong katiwa-tiwala. Narito ang isang listahan ng mga problemang dapat pagtuunan ng pansin kapag pumipili at nakikipagtulungan sa isang third party:

  • Hindi transparent. May karapatan kang malaman kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa iyong negosyo, kasama ang partikular na data (tulad ng bilang ng mga pagtingin at pag-click sa Profile ng Negosyo mo).
  • Nangangakong makikita ka sa Google. Hindi posible para sa mga third party na impluwensyahan ang posisyon kung saan lalabas ang iyong negosyo sa Google Search o Maps. Matuto pa tungkol sa ranking sa lokal na paghahanap.
  • Sinasabing nagtatrabaho sa Google. Kung sinasabi ng isang kinatawan ng third party na empleyado siya ng Google, itanong ang kanyang pangalan at hilingin mo sa kanyang i-email ka mula sa kanyang email address na @google.com (hindi @gmail.com).
  • Nagbabanta. Hindi puwedeng alisin ng mga third party ang negosyo mo sa Google at hindi rin nila puwedeng i-access ang iyong profile nang walang hayagang pahintulot mo.
  • Mapanlinlang na pagpepresyo. Maaaring hindi ka singilin ng mga mapaminsalang third party gamit ang pagpepresyong sinang-ayunan mo. Palaging humingi ng opisyal na kopya ng iyong kasunduan bago makipagtulungan sa isang third party.

Mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party

Sa palagay mo ba ay lumalabag sa patakaran ang isang third party? Ipagbigay-alam sa amin: Mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party.

Bagama't baka hindi kami makatugon nang personal kapag nakipag-ugnayan ka sa amin tungkol sa isang third party, sisiyasatin namin ang iyong mga komento at, kung kinakailangan, kikilos kami nang naaayon.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16604980809001215478
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false