Mga larawang partikular sa negosyo

Mas magandang tingnan ang iyong negosyo sa Google kung magdaragdag ka ng mga larawang partikular sa kategorya. Ang mga larawang ito ay nagtatampok ng mga feature ng iyong negosyo na ginagamit ng iyong mga customer kapag nagpapasya kung ano ang bibilhin. Ang mga larawang idaragdag mo ay makakatulong din na gawing natatangi ang iyong negosyo sa Google.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagdaragdag ng mga larawan sa iyong lokal na negosyo sa Google

Mga uri ng mga larawang partikular sa negosyo

  Paglalarawan Minimum na bilang na idaragdag Mga tip
Mga larawan ng labas ng negosyo Ang mga larawan ng labas ng negosyo ay nakakatulong sa mga customer na makilala ang iyong negosyo kahit sa iba't ibang direksyon pa sila manggaling. Magdagdag ng kahit tatlong magandang larawan ng labas ng negosyo upang matulungan ang mga customer na makilala ang iyong negosyo. 1. Kumuha ng larawan mula sa bawat direksyon kung saan maaaring manggaling ang mga customer papunta sa iyong negosyo.

2. Subukang mag-upload ng mga larawan na nagpapakita ng iyong negosyo sa iba't ibang oras ng araw.
Mga larawan ng loob ng negosyo Ang mga larawan ng loob ng negosyo ay nakakatulong sa iyong mga customer na malaman ang ambiance at dekorasyon ng iyong negosyo. Magdagdag ng kahit tatlong magandang larawan ng loob ng negosyo upang ipakita sa mga customer kung ano ang hitsura ng loob ng iyong negosyo. 1. Kumuha ng mga larawan na nagpapakita kung ano talaga ang pakiramdam ng pagpasok sa iyong negosyo bilang isang customer.

2. Ipakita ang atmospera ng iyong negosyo gamit ang iyong mga larawan. 
Mga larawan ng produkto Dahil sa magagandang larawan ng mga kumakatawan o sikat na produkto, mas mauunawaan ng mga customer kung anong mga uri ng produkto ang iniaalok mo. Magdagdag ng kahit tatlong larawan ng mga produktong ibinebenta mo. 1. Itampok ang mga item na pinakasikat para sa iyong negosyo.

2. Subukang kunan ng mga larawan ang iyong mga produkto na tama lang ang ilaw.
Mga larawan sa trabaho Ang mga larawan ay nakakatulong sa mga customer na maunawaan kaagad kung ano ang ginagawa mo. Magdagdag ng kahit tatlong larawan na nagpapakita ng mga serbisyong iniaalok mo. 1. Kunan ng mga larawan ang iyong team habang nagbibigay ng iba't ibang uri ng serbisyo sa mga customer.

2. Kunan ng mga larawan ang mga espesyal na serbisyong ibinibigay mo.
Mga larawan ng pagkain at inumin Ang mga larawan ng pagkain at inumin ay nagbibigay ng kulay at detalye sa iyong menu at nakakatulong ang mga ito sa mga customer na mapagplanuhan kung saan sila kakain. Magdagdag ng kahit tatlong larawan ng mga pagkain o inuming ibinebenta mo. 1. Itampok ang mga pagkaing pinakasikat para sa iyong negosyo.

2. Subukang kunan ng mga larawan ang mga pagkaing ibinebenta mo na tama lang ang ilaw.
Mga common area Ang mga larawan ng iyong mga common area ay nakakatulong na makahikayat ng mga customer na nagpaplanong maglakbay para sa negosyo o paglilibang. Magdagdag ng kahit isang larawan ng bawat isa sa iyong mga common area. 1. Magdagdag ng kahit isang larawan ng bawat common area (halimbawa, spa, gym o breakfast room).

2. Ipakita ang atmospera ng common area sa iyong mga larawan.
Mga kuwarto Lubos na nagdedepende ang mga customer sa mga larawan ng mga guest room kapag nagpapasya kung sa aling hotel sila magbu-book para sa negosyo o paglilibang. Magdagdag ng kahit tatlong larawan ng iyong mga pinakasikat na guest room. 1. Subukang itampok ang lahat ng iba't ibang uri ng kuwarto na iniaalok mo sa mga bisita.

2. Kumuha ng mga larawan na nagpapakita kung ano talaga ang pakiramdam ng pagpasok sa kuwarto bilang isang bisita.
Mga larawan ng team Mahalagang magkaroon ng mga larawan ng team upang makapagpakita ng mas personal na aspeto ng iyong negosyo. Magdagdag ng kahit tatlong larawan na nagpapakita ng iyong management team at iyong mga empleyado. 1. Magpakita ng larawan na hindi gaanong pormal na ikakatuwa ng mga tao tungkol sa iyong negosyo.

2. Ipakita ang iyong sarili at sinumang kawani upang itampok ang inyong mga personalidad at maipakita sa mga potensyal na kliyente kung paano kayo makitungo.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6312090376288567673
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false