Naka-off ang mga website na ginawa gamit ang Mga Profile ng Negosyo sa Google

Simula Marso 5, 2024, hindi na available ang mga website na ginawa gamit ang Mga Profile ng Negosyo sa Google at sa Profile ng Negosyo mo mare-redirect ang mga customer na bibisita sa iyong site. Alamin kung paano hanapin ang iyong profile.

Hanggang Hunyo 10, 2024 lang ire-redirect sa Profile ng Negosyo mo ang iyong mga customer. Pagkatapos noon, makakatanggap ang mga customer ng error na “Hindi nahanap ang page” kapag sinubukan nilang bisitahin ang iyong website. Kung gusto mong patuloy na magkaroon ng website para sa iyong negosyo, puwede kang gumawa ng bagong website gamit ang iba pang tool. Pagkatapos, i-update ang iyong Profile ng Negosyo gamit ang address ng bagong website.

Mga Tip:

  • Ang mga domain na nagtatapos sa business.site at negocio.site ay inalis sa field ng website sa iyong Profile ng Negosyo. Inirerekomenda naming i-update mo ang iyong Profile ng Negosyo sa Google gamit ang bagong website.
  • Maliban doon, hindi apektado ang iyong Mga Profile ng Negosyo. 
  • Kung wala kang website na ginawa gamit ang Profile ng Negosyo sa Google, hindi makakaapekto sa iyo ang mga pagbabagong binanggit sa artikulong ito.

Bilang paalala, magandang lugar ang iyong Profile ng Negosyo para:

  • I-showcase ang iyong negosyo
  • Magbahagi ng mahalagang impormasyon, mga update, at mga link papunta sa iba pang social platform
  • Gumamit ng mga larawan para humimok ng mga customer
  • Ipaalam sa mga customer kung paano makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng mga mensahe o sa pamamagitan ng pagdaragdag ng numero ng telepono mo

Gumawa ng bagong website gamit ang iba pang tool

Para patuloy na magkaroon ng website para sa iyong negosyo, puwede mong pag-isipang gumamit ng tagabuo ng site, gaya ng:

Tip: I-update ang iyong Profile ng Negosyo para ilagay ang bago mong website. Alamin kung paano i-edit ang iyong Profile ng Negosyo sa Google.

Pamahalaan ang Ads campaign na nakakonekta sa iyong website

Simula Marso 5, 2024, ang mga ad na naka-link sa isang website na ginawa gamit ang Profile ng Negosyo sa Google ay posibleng hindi maaprubahan at huminto sa paggana. Ito ay dahil hindi tutugma sa final URL ang domain sa display URL ng mga ad. Matuto pa tungkol sa mga requirement sa destinasyon ng mga ad. Para mapanatiling gumagana ang mga ad mo, matuto pa tungkol sa kung paano gumawa ng website o landing page para sa iyong mga ad

Puwede mo ring i-pause ang iyong mga campaign.

Pamahalaan ang iyong mga third-party na domain

Kung gumagamit ka ng custom na domain name para mag-forward ng trapiko sa website na ginawa gamit ang iyong Profile ng Negosyo sa Google, ire-redirect sa Profile ng Negosyo mo ang mga customer na bibisita sa domain na ito. Hanggang Hunyo 10, 2024 lang gagana ang pag-redirect. Mag-sign in sa account mo sa hosting company at pumili ng opsyong “I-redirect” o katulad nito para i-forward ang iyong third-party na domain sa ibang website bago sumapit ang Hunyo 10, 2024.

Humingi pa ng tulong

Kung kailangan mo pa ng tulong tungkol sa pag-off ng mga website na ginawa gamit ang Profile ng Negosyo sa Google, makipag-ugnayan sa amin.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18188404637998802796
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false