Mga alituntunin sa pagiging kwalipikado at pagmamay-ari ng negosyo

Hindi lahat ng negosyo ay kwalipikado para sa Profile ng Negosyo sa Google. Para maging kwalipikado para sa Profile ng Negosyo, dapat matugunan ng anumang negosyo ang mga pamantayang nakalista sa ibaba. Dapat ding sundin ng mga may-ari at awtorisadong kinatawan para sa isang Profile ng Negosyo ang mga nakalistang alituntunin.

Mga kwalipikadong negosyo

Para maging kwalipikado para sa Profile ng Negosyo, nagsasagawa dapat ang isang negosyo ng personal na pakikipag-ugnayan sa mga customer sa mga isinaad na oras nito.

May ilang pagbubukod:

  • Pinapahintulutan ang mga ATM, video-rental kiosk, at drop box ng express mail. Kung idaragdag mo ang mga lokasyong ito, dapat kang magsama ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na magagamit ng mga customer para humingi ng tulong.
  • Kwalipikado ang mga seasonal na negosyo, tulad ng ice-skating rink na bukas lang tuwing taglamig. Dapat magpakita ang mga negosyong ito ng permanenteng karatula sa kanilang lokasyon sa buong taon.
  • Pinapayagan ang mga serbisyo sa pagkain na delivery lang nang may ilang kundisyon. Matuto pa tungkol sa Mga Virtual na Brand ng Pagkain.

Mga hindi kwalipikadong negosyo

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga negosyong hindi kwalipikado para sa Profile ng Negosyo:

  • Mga pinaparentahan o ibinebentang ari-arian, gaya ng mga bahay-bakasyunan, modelong bahay, o bakanteng apartment. Gayunpaman, kwalipikado ang mga tanggapan ng sales o leasing sa pag-verify.
  • Isang kasalukuyang serbisyo, klase, o pulong sa isang lokasyong hindi mo pagmamay-ari o wala kang pahintulot na katawanin.
  • Mga ahente o kumpanya sa pagbuo ng lead.
  • Mga brand, organisasyon, artist, at iba pang online lang na negosyo.
  • Anumang negosyo na may nakalistang address sa Profile ng Negosyo bilang P.O. box o mailbox na nasa malayong lokasyon ay hindi tatanggapin bilang address sa profile ng negosyo.

Pagmamay-ari

Ang mga may-ari ng negosyo o awtorisadong kinatawan lang ang puwedeng mag-verify at mamahala ng impormasyon ng kanilang negosyo sa Profile ng Negosyo. Kung gusto mong ibahagi sa iba ang access sa pamamahala sa iyong Profile ng Negosyo, puwede kang magdagdag ng manager.

Sa ilang sitwasyon, puwedeng bawiin ang pagmamay-ari dahil sa isa sa mga sumusunod: 

  • Hindi ka nag-sign in kamakailan sa iyong account
  • Kinumpirma ng negosyo na ikaw o ang iyong ahensya ay hindi na pinapahintulutang mamahala sa page na ito
  • Hindi ka namin makaugnayan sa email pagkatapos ng maraming pagsubok na kumpirmahin ang affiliation mo sa negosyo 
  • Na-delete mo o ng isa pang may-ari ng profile ang iyong profile
  • Ginawa mo ang iyong profile ng negosyo sa pamamagitan ng ibang produkto ng Google at nasuspinde ang profile sa produktong iyon

Kung mangyayari ito, puwede mong subukang mag-verify ulit o hilingin ang pagmamay-ari mula sa bagong may-ari ng negosyo nang sinusunod ang mga hakbang sa artikulong Lutasin ang mga hindi pagkakasundo tungkol sa pagmamay-ari

Mga karagdagang alituntunin para sa mga awtorisadong kinatawan

Itinuturing na awtorisadong kinatawan ang sinumang indibidwal o anumang kumpanyang namamahala ng impormasyon ng negosyo para sa isang Profile ng Negosyo na hindi nila pagmamay-ari. Mga Halimbawa: isang third party na kumpanya ng SEO/SEM; isang kaibigan ng may-ari ng negosyo; isang provider ng online na pag-order, pag-iiskedyul, o pag-book; at isang provider ng affiliate network.

Dapat sundin ng mga awtorisadong kinatawan ang sumusunod:

  • Huwag na huwag i-claim ang isang Profile ng Negosyo nang walang hayagang pahintulot mula sa may-ari ng negosyo.
  • Huwag na huwag gumawa ng mga huwad, mapanlinlang, o hindi makatotohanang paratang.
  • Huwag na huwag gumamit ng nakakapanligalig, mapang-abuso, o hindi mapagkakatiwalaang diskarte sa mga potensyal o dati nang customer.
  • Palaging direktang makipagtulungan sa may-ari ng negosyo para makumpleto ang pag-verify. Matuto pa tungkol sa pag-verify.
  • Palaging tiyaking nauunawaan ng may-ari ng negosyo kung ano ang Profile ng Negosyo sa Google at kung saan ginagamit ang data ng Profile ng Negosyo. Dapat ibahagi ng mga awtorisadong kinatawan ang mga sumusunod na resource sa may-ari ng negosyo:
  • Palaging ipaalam sa may-ari ng negosyo kung aling mga pagkilos ang isasagawa ng awtorisadong kinatawan sa Profile ng Negosyo.
  • Palaging sundin ang Mga alituntunin sa pagkatawan sa iyong negosyo sa Google. Tandaan na ang numero ng telepono at website para sa isang Profile ng Negosyo ay dapat ang nag-iisang tunay na numero ng telepono at website para sa negosyo, at nave-verify dapat ito ng may-ari ng negosyo. Dapat ay pagmamay-ari at pinapamahalaan ng may-ari ng negosyo ang content ng website.
  • Palaging sumagot kaagad sa mga kahilingan sa access sa pamamahala, at palaging ilipat kaagad ang pagmamay-ari ng Profile ng Negosyo sa may-ari ng negosyo kapag hiniling. Sa tuwing posible, dapat hikayatin ng mga awtorisadong kinatawan ang may-ari ng negosyo na gumawa ng account, maging may-ari ng Profile ng Negosyo, at idagdag ang mga awtorisadong kinatawan bilang mga manager. Alamin kung paano maglipat ng pagmamay-ari.

Ang hindi pagsunod sa mga patakarang ito ay puwedeng humantong sa pagsuspinde sa Profile ng Negosyo at/o Google Account. Iba-block ang mga susunod na kontribusyon kapag nasuspinde ang profile o account dahil sa hindi pagsunod sa mga patakarang ito.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17005481743891981647
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false