Mag-apela ng mga paghihigpit sa content at profile ng Profile ng Negosyo

Para magpanatili ng impormasyong may mataas na kalidad sa Google, posible kaming mag-moderate ng Mga Profile ng Negosyo at content ng Profile ng Negosyo na lumalabag sa aming mga alituntunin. Puwede mong gamitin ang tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google para:

  • Mag-apela ng mga partikular na uri ng paghihigpit sa profile at pasya sa pag-moderate ng content, kabilang ang mga pagtanggi sa content
  • Suriin ang status ng iyong mga apela

Bago ka magsimula

Kung hindi mo pa nave-verify ang iyong Profile ng Negosyo, posibleng hindi lumabas sa iba't ibang bahagi ng Google ang content na nauugnay sa Profile ng Negosyo mo. Tingnan ang status ng pag-verify ng iyong profile bago ka magsumite ng apela.

Magsumite ng apela

Para sa mga nasuspinde o na-disable na profile

Ihanda ang iyong ebidensya

Mahalaga: Kapag binuksan mo ang form ng ebidensya, dapat mo itong isumite sa loob ng 60 minuto, kung hindi, hindi ito maa-attach sa iyong apela.

Posibleng ma-prompt kang magdagdag ng opsyonal na ebidensya sa naka-link na form para suportahan ang iyong apela. Kasama sa ebidensyang makakatulong na pagtibayin ang iyong apela ang:

  • Opisyal na rehistro ng negosyo
  • Lisensya ng negosyo
  • Mga certificate ng buwis
  • Mga utility bill (kuryente, telepono, cable, internet, atbp) para sa negosyo.

Tip: Para sa anumang dokumentong isusumite mo bilang ebidensya, tingnan kung tumutugma ang pangalan at address ng negosyo sa profile na gusto mong iapela.

Isumite ang iyong apela

  1. Buksan ang tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google.
  2. Siguraduhing naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa iyong Profile ng Negosyo.
  3. Piliin ang Profile ng Negosyo na gusto mong ibalik.
  4. Ipinapakita ng tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google ang:
    • Pinaghihigpitang profile
    • Dahilan sa pagkilos sa pag-moderate
    • Link papunta sa nilabag na patakaran
  5. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang Magsumite ng Apela.
  6. Posibleng ma-prompt kang magdagdag ng opsyonal na ebidensya para suportahan ang iyong apela.
    • Para magdagdag ng ebidensya, mag-attach ng mga file na malinaw na sumusuporta sa iyong apela at piliin ang Isumite.
  7. Susuriin ng Google ang iyong apela at magpapadala ito sa iyo ng email na naglalaman ng pasya.

Magsumite ng apela

Para sa mga tinanggihang pag-edit sa impormasyon ng negosyo

Mahalaga: Kung pinaghihigpitan ang iyong Google Account o Profile ng Negosyo, dapat itong maibalik bago ka makapag-apela ng anumang pasya sa content. Alamin kung paano mag-ayos ng mga nasuspindeng Profile ng Negosyo.

Puwede mong gamitin ang tool sa mga apela para magsumite ng apela para sa mga tinanggihang pag-edit sa mga detalye ng Profile ng Negosyo:

  • Pangalan ng negosyo
  • Address
  • Lokasyon ng pin
  • Kategorya ng negosyo
  • Numero ng telepono
  • Website
  • Mga post tungkol sa update, alok, at event

Ihanda ang iyong ebidensya

Mahalaga: Kapag binuksan mo ang form ng ebidensya, dapat mo itong isumite sa loob ng 60 minuto, kung hindi, hindi ito maa-attach sa iyong apela.

Posibleng ma-prompt kang magdagdag ng opsyonal na ebidensya sa naka-link na form para suportahan ang iyong apela. Kasama sa ebidensyang makakatulong na pagtibayin ang iyong apela ang:

  • Opisyal na rehistro ng negosyo
  • Lisensya ng negosyo
  • Mga certificate ng buwis
  • Mga utility bill (kuryente, telepono, cable, internet, atbp) para sa negosyo.

Tip: Para sa anumang dokumentong isusumite mo bilang ebidensya, tingnan kung tumutugma ang pangalan at address ng negosyo sa profile na gusto mong iapela.

Isumite ang iyong apela

  1. Buksan ang tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google.
  2. Siguraduhing naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa iyong Profile ng Negosyo.
  3. Piliin ang Profile ng Negosyo para sa apelang gusto mong isumite.
  4. Ipapakita ng tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google ang:
    • Isang listahan ng mga tinanggihang kontribusyon
    • Dahilan sa pagkilos sa pag-moderate
    • Link papunta sa nilabag na patakaran
  5. Piliin ang desisyong gusto mong apelahin.
  6. Sa kanang bahagi sa ibaba, piliin ang Magsumite ng apela.
  7. (Opsyonal) Para magdagdag ng ebidensya, mag-attach ng mga file at piliin ang Isumite.

Susuriin ng Google ang iyong apela at magpapadala ito sa iyo ng email na naglalaman ng pasya.

Magsumite ng apela

Tip: Sa tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google, posibleng makatanggap ka ng mensaheng nagsasaad na walang na-moderate na content o pinaghihigpitang access na puwedeng iapela. Kung sa palagay mo ay mayroon ka pang pinaghihigpitang content na puwedeng apelahin, contact us (makipag-ugnayan sa amin). Makukumpirma ng aming team kung kwalipikado ka para sa anumang bagong pag-apela.

Para sa mga request sa pag-aalis ng review
Kung mag-uulat ka ng review ng customer pero ayon sa pasya ay hindi ito lumalabag sa Mga Patakaran ng Google, puwede kang magsumite ng pang-isang beses na apela. Alamin kung paano magsumite ng one-time na apela sa isang review.
Para sa iba pang paghihigpit sa content

Mahalaga: Kung nasuspinde ang iyong Google Account o Profile ng Negosyo, dapat itong ibalik bago ka makakapag-apela ng anumang pasya sa content. Alamin kung paano mag-ayos ng mga nasuspindeng Profile ng Negosyo.

Para magsumite ng apela para sa anupamang uri ng tinanggihang content, contact us (makipag-ugnayan sa amin).

  1. Piliin ang pinakakaugnay na isyu.
  2. Sagutan ang form.
  3. I-click ang Isumite.

Tip: Kung hindi maaayos ng aming unang sagot ang iyong isyu, sumagot sa email at tutulong ang aming team ng suporta na iproseso ang apela mo.

Mag-apela ng mahigit sa 10 Profile ng Negosyo

Para magsumite ng mga apela para sa higit sa 10 profile:

  1. Sa tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google, piliin ang Profile ng Negosyo na gusto mong iapela.
    • Siguraduhing naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa iyong Profile ng Negosyo.
  2. Kapag naisumite mo na ang apela, may opsyon kang magsama ng ebidensya.
    • Tatanungin sa iyo kung para sa higit sa 10 profile ang apela, i-click ang Oo.
  3. Mag-attach ng spreadsheet na may kasamang ebidensya at Business Profile ID para sa bawat profile. Matuto pa tungkol sa mga uri ng ebidensya.
  4. I-click ang Isumite.

Mga Tip:

  • Sa tool sa mga apela para sa Mga Profile ng Negosyo sa Google, magbabago lang ang status para sa profile na pinili mo. Hindi maa-update ang status ng ibang profile na inapela mo.
  • Makakatanggap ka ng isang notification sa email na may pasya sa apela para sa profile na pinili mo.

Tingnan ang status ng isang apela sa tool sa mga apela

  1. Siguraduhing naka-sign in ka sa Google Account na nauugnay sa iyong Profile ng Negosyo.
  2. Buksan ang tool sa mga apela para sa Profile ng Negosyo sa Google.
  3. Piliin ang Profile ng Negosyo para sa apelang isinumite mo.
  4. Sa kanan, makikita mo ang status ng apela:
    • Isinumite
    • Naaprubahan
    • Hindi Naaprubahan
    • Hindi maiaapela
    • Kwalipikadong iapela

Higit pang opsyon para sa mga negosyo sa EEA

Kung ikaw ay nasa isang miyembrong estado o teritoryo ng European Economic Area (EEA), puwede mong i-refer ang iyong apela sa isang grupo para sa out-of-court na pag-areglo ng di-pagkakasundo. Matuto pa tungkol sa mga potensyal na opsyong iyon.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
10211391540106611361
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false