Sound adjustments

1. Mga tip sa narration at interpretasyon

Bago ka magsimulang gumawa ng mga adjustment sa tunog, tandaan ang mga sumusunod:

  • Mga Accent ng Narrator: Posibleng iba ang pagbigkas sa ilang salita batay sa accent ng narrator. Halimbawa, puwedeng maging tunog “King Lewis” ang “King Louis” sa US English at “King Louie” sa British English.
  • Wika ng Narrator: Para gumawa ng mga audiobook, pinakamainam na gumamit ng narrator na may wikang kapareho ng sa ebook mo. Kung gagamit ka ng narrator na hindi tumutugma sa wika ng ebook, puwede itong magresulta sa mga salitang mali ang pagkakabigkas.
  • Mga Homograph: Ang ilang salita tulad ng “read,” “minute,” at “present” ay may mahigit sa isang bigkas. Sa editor, puwede mong baguhin ang text ng audio para kumatawan sa phonetic spelling na gusto mo.
  • Mga hindi karaniwang abbreviation: I-spell out ang mga hindi karaniwang abbreviation tulad ng:
    • Mga Pangalan: Wm. para sa William.
    • Mga talata sa Bibliya: Isaiah 3:9 para sa Isaiah Chapter 3, Verse 9.
    • Mga unit ng pagsukat: Cwt para sa hundredweight o s para sa shillings.
  • Bantas: Pinapahusay ng tamang bantas ang narration.
  • Mga special character: Kailangang palitan ang mga special character sa pamamagitan ng pagsusulat ng pangalan ng simbolo. Halimbawa, "dash" o "blank" kung dapat itong bigkasin.
  • Mga phonetic na salita: Ang mga salitang nakasulat sa phonetic na paraan bilang pagbibigay-diin gaya ng "Awweessoommee!" ay kailangang palitan ng tamang spelling o tamang bigkas.
    Tip: Hindi puwedeng magdagdag pa ng pagbibigay-diin ang pagbabago ng bigkas.
  • Mga line break: Ang mga line break ay gumagawa ng mga pag-pause sa narration, pero puwede ka ring manual na magdagdag ng mga pag-pause.

Para makinig ng preview ng audio, puwede mong i-click ang I-play sa ibaba. Para mag-play ng mga partikular lang na seksyon, puwede mo ring i-highlight ang text na gusto mong pakinggan at pagkatapos ay i-click ang I-play. Para i-adjust ang tunog ng audio, puwede mong gamitin ang isa sa mga feature na nakalista sa mga sumusunod na module.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13538235391964307376
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false