Pangkalahatang-ideya ng Partner Center

Sa Google Play Books Partner Center, puwedeng isumite ng mga may-akda at publisher ang kanilang mga aklat sa Google.

Puwedeng hanapin at i-preview ng mga mambabasa ang mga aklat na ito sa Google Books at puwede nilang bilhin ang eBook sa Google Play sa lumalaki pang bilang ng mga bansa.

May ilang iniaalok na feature ang Partner Center:

Tip: Available lang ang ilang feature sa mga partner na nagbebenta ng mga aklat sa Google Play. Sumangguni sa Mga bansang sinusuportahan para sa pagbebenta ng mga aklat sa Google Play.

Access sa Partner Center

Para bisitahin ang Partner Center:

  1. Pumunta sa play.google.com/books/publish/.
  2. Mag-sign in gamit ang iyong kasalukuyang Google Account, o gumawa ng panibago.

Kung kailangan mong pahintulutan ang ibang tao na i-access ang iyong Partner Center account, puwede kang magdagdag pa ng mga user.

Email at password sa pag-log in

Mahalaga: Kung nakalimutan mo ang iyong email address o password sa pag-log in, puwede mong gamitin ang tool sa pag-recover ng Google Account.

Para palitan ang email address o password mo sa pag-log in, bisitahin ang iyong mga setting ng Google Account. Makakaapekto ang mga pagbabago sa anupamang serbisyo ng Google na nauugnay sa account na ito. 

Kung isa itong Gmail address, hindi mo mapapalitan ang iyong email address sa pag-log in.

Mga inirerekomendang browser

Gamitin ang isa sa mga sumusunod na browser para i-access ang Partner Center:

Para sa pinakamahusay na karanasang posible, mainam na i-update ang iyong browser sa pinakabagong bersyon.

Tip: Hindi sinubukan ang Partner Center sa Opera o iba pang browser. Posibleng hindi gumana nang maayos ang ilang feature.

Pag-navigate sa Partner Center

Binubuo ng ilang seksyon ang Partner Center:

Depende sa uri ng access mo, posibleng hindi nakikita ang lahat ng seksyong ito kapag nag-sign in ka sa iyong account.

  • Home: Tingnan kung ilang aklat ang mayroon ka at ang anumang pagkilos na kinakailangang gawin mo.
  • Catalog ng Aklat: Magdagdag, mag-upload, at mamahala ng iyong mga aklat.
  • Analytics: Tumingin ng mga chart ng iyong mga benta para makakita ng mga insight.
  • Mga Ulat: Mag-download ng data tungkol sa iyong mga benta, kita, at transaksyon.
  • Mga Promosyon: Mag-iskedyul ng mga pagbabago sa presyo.
  • Payment Center: Ibigay ang iyong mga detalye ng bank account, pamahalaan ang conversion ng currency, at tingnan ang mga ulat ng mga kita. Available sa Mga bansang sinusuportahan para sa pagbebenta ng mga aklat sa Google Play.
  • Mga Setting ng Account: Magdagdag o mag-alis ng mga karagdagang user at i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6686956529652589737
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false