Manood ng mga channel mula sa isang app o isang TV tuner

Ang karamihan ng Android TV ay may kasamang TV app kung saan puwede mong panoorin ang lahat ng iyong mga palabas, sports, at balita. Para alamin kung paano gamitin ang TV app sa iyong TV, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Kung walang kasamang TV app ang iyong device, puwede mong gamitin ang app na Mga Live Channel.

I-set up ang app na Mga Live Channel

  1. Sa iyong Android TV, pumunta sa Home screen.
  2. Mag-scroll pababa sa row na "Mga App."
  3. Piliin ang app na Mga Live Channel.
  4. Kung hindi mo ito makita, i-download ito mula sa Play Store. Alamin kung paano mag-download ng mga app sa iyong Android TV.
  5. Piliin ang source kung saan mo gustong ma-load ang mga channel.
  6. Pagkatapos mong ma-load ang lahat ng channel na gusto mo, piliin ang Tapos na. Makikita mo ang mga ito sa tuwing bubuksan mo ang app na Mga Live Channel.

Magdagdag o mag-alis ng mga channel

  1. Sa iyong Android TV, pumunta sa Home screen.
  2. Mag-scroll pababa sa row na "Mga App."
  3. Piliin ang app na Mga Live Channel.
  4. Pindutin ang button na Piliin.
  5. Sa ilalim ng "Mga Opsyon sa TV," piliin ang Setup ng channel at pagkatapos I-customize ang listahan ng channel.
  6. Piliin kung aling mga channel ang gusto mong lumabas sa iyong gabay sa programa.
  7. Para bumalik sa iyong stream ng Mga Live Channel, pindutin ang button na Bumalik.

Panoorin ang iyong mga channel

Puwede kang lumipat ng channel gamit ang iyong remote. Puwede ka ring pumili ng channel mula sa iyong Gabay sa programa.

  1. Sa iyong Android TV, pumunta sa Home screen.
  2. Mag-scroll pababa sa row na "Mga App."
  3. Piliin ang app na Mga Live Channel.
  4. Pindutin ang button na Piliin.
  5. Piliin ang Gabay sa programa.
  6. Piliin ang iyong channel.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16093178897986862258
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false