Manood ng mga video sa YouTube sa Android TV

Puwede mong panoorin kung ano ang gusto mo gamit ang YouTube app. Puwede mo ring itago ang mga video na hindi mo gustong mapanood o mapanood ng iyong pamilya.

Maghanap ng mga papanooring video

  1. Sa iyong Android TV, pumunta sa Home screen.
  2. Mag-scroll pababa sa row na "Mga App."
  3. Piliin ang YouTube.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Mag-browse: Gumalaw pataas o pababa para maghanap at pumili ng kategorya. Hanapin ang mga video sa bawat kategorya sa kanang bahagi ng screen.
    • Maghanap: Para sabihin o i-type ang iyong paghahanap, mag-scroll sa kaliwa at piliin ang Maghanap Maghanap.
  5. Piliin ang video na gusto mo.
    • Pagkatapos mong pumili ng video na ipe-play, lalabas ang isang control bar.

Itago ang mga hindi naaangkop na video

Puwede kang magpasya kung aling content ang available sa iyo at sa pamilya mo.
Mahalaga: Sa iyong Andorid TV lang may epekto ang mga tagubiling ito. Hindi mo mababago ang mga setting sa ibang device na gumagamit sa iyong YouTube account.
  • Sa iyong Android TV, pumunta sa Home screen.
  • Mag-scroll pababa sa row na "Mga App."
  • Piliin ang YouTube.
  • Mag-scroll pakaliwa, pagkatapos ay pababa at piliin ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Restricted mode at pagkatapos I-on o I-off.

Mga kaugnay na artikulo

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13068252396516902306
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
107924
false
false