Ayusin ang mga isyu sa pag-sync ng account

Kung nagkakaproblema ang iyong telepono sa pag-sync sa Google Account mo, makakakita ka ng mensaheng "Kasalukuyang nagkakaproblema ang pag-sync. Babalik ito sa ilang saglit." o ng icon ng Isyu sa pag-sync Isyu sa pag-sync.

Pansamantala lang ang karamihan sa mga isyu sa pag-sync. Kadalasan, magsi-sync ulit ang iyong account pagkalipas ng ilang minuto. Pero kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu sa pag-sync, subukan ang mga sumusunod na solusyon.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Manual na i-sync ang iyong Google Account

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Tungkol dito At pagkatapos Google Account At pagkatapos Pag-sync ng account.
    • Kung hindi lang isa ang account sa iyong telepono, i-tap ang account na gusto mong i-sync.
  3. I-tap ang Higit pa Higit pa At pagkatapos I-sync ngayon.

Subukan ang mga karaniwang solusyon sa pag-sync

Pagkatapos ng bawat hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba, subukang manual na mag-sync para makita kung gumagana ang pag-sync.

Mag-troubleshoot sa pamamagitan ng mga basic na hakbang

Tingnan kung naka-on ang auto-sync

Kung gusto mong awtomatikong mangyari ang pag-sync, panatilihing naka-on ang auto-sync. Alamin kung paano i-auto sync ang iyong mga app at account.

Tiyaking gumagana ang iyong koneksyon sa internet
Mahalaga: Para gumana ang pag-sync, kailangan mo ng koneksyon sa internet.

Para subukan ang iyong koneksyon, magbukas ng browser (tulad ng Chrome o Firefox) at mag-load ng website. Kung hindi naglo-load ang website o hindi ka makakonekta, matuto tungkol sa pagkonekta sa isang Wi-Fi network o pagkonekta sa mobile data.

Alamin kung mayroon kang mga isyu sa account

Mahalaga: Para gumana ang pag-sync, dapat ay may kakayahan kang mag-sign in sa iyong Google Account.

Siguraduhing nakakapag-sign in ka sa iyong Google Account sa iba pang paraan at sa iba pang device. Halimbawa, subukang buksan ang iyong Gmail gamit ang browser ng computer mo.

Tingnan kung may mga update sa Android
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. Malapit sa ibaba, i-tap ang System at pagkatapos ay Update sa software.
    • Kung kailangan, i-tap muna ang Tungkol sa telepono o Tungkol sa tablet.
  3. Kapag lumabas ang status ng update sa iyong screen, sundin ang mga hakbang.

Mag-troubleshoot gamit ang mga advanced na hakbang

Sapilitang i-sync ang iyong account

Opsyon 1: Baguhin ang mga setting ng petsa at oras

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System At pagkatapos Petsa at oras.
  3. I-off ang Awtomatikong itakda ang oras at Awtomatikong itakda ang time zone.
  4. Manual na baguhin ang petsa at oras para maging mali ang mga ito.
  5. Pumunta sa iyong Home screen. Alamin kung paano mag-explore sa iyong telepono.
  6. Buksan ulit ang app na Mga Setting ng iyong telepono At pagkatapos System At pagkatapos Petsa at oras.
  7. Manual na baguhin ang petsa at oras para maibalik sa tama ang mga ito.
  8. I-on ang Awtomatikong itakda ang oras at Awtomatikong itakda ang time zone.

Opsyon 2: Sapilitang mag-sync gamit ang app na Telepono (sa mga telepono lang)

  1. Buksan ang app na Telepono ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Keypad Keypad.
  3. I-dial ang *#*# CHECKIN #*#* (*#*#2432546#*#*).
  4. Makakakita ka ng notification na nagsasabing "Tagumpay ang pag-check in." Ang ibig sabihin ng mensaheng ito ay nakapag-sync ang iyong telepono. Kung hindi ka makakakita kaagad ng notification, i-tap ang berdeng Telepono Sagutin ang tawag.
I-clear ang cache at data

Hakbang 1: I-back up ang mga contact

  1. Buksan ang app na Mga Contact ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Menu Menu At pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Pamahalaan ang mga contact," i-tap ang I-export.
  4. Pumili ng lokasyon, tulad ng iyong Drive.
  5. I-tap ang I-save.

Hakbang 2: I-clear ang naka-cache na data

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga App At pagkatapos Mga Contact At pagkatapos Storage at cache.
  3. I-tap ang I-clear ang cache I-delete.

Hakbang 3: I-restore ang mga contact

  1. Buksan ang app na Mga Contact ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Menu Menu At pagkatapos Mga Setting.
  3. I-tap ang Mag-import At pagkatapos .vcf file At pagkatapos OK.
  4. Piliin ang .vcf file na na-export mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17120224322192342322
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false