Kung walang app na bukas, lalabas ang iyong Home screen. Bilang default, ipinapakita ng iyong pangunahing Home screen ang petsa, lagay ng panahon, at ilang app.
Mahalaga:
- Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 10 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.
Pumunta sa Home screen
Depende sa iyong telepono, puwedeng:
- Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
- I-tap ang Home o Home .
Sa ilang telepono, puwedeng hindi lang isa ang Home screen mo. Mag-swipe pakanan o pakaliwa para magpalipat-lipat sa mga ito.
I-customize ang iyong Home Screen
Baguhin ang isang app
Sa ibaba ng iyong screen, may makikita kang row ng mga paboritong app.
- Mag-alis ng paboritong app: Mula sa iyong mga paborito, pindutin nang matagal ang app na gusto mong alisin. I-drag ito sa ibang bahagi ng screen.
- Magdagdag ng paboritong app: Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas. Pindutin nang matagal ang isang app. Ilipat ang app sa bakanteng espasyo sa iyong mga paborito.
Baguhin ang iba pang setting ng Home screen
- Sa iyong Home screen, pumindot nang matagal sa bakanteng espasyo.
- I-tap ang Mga setting ng Home.
Maghanap sa iyong Home screen
- Para i-type ang iyong hahanapin, i-tap ang Google .
- Para sabihin ang iyong hahanapin, o utusang gumawa ng isang bagay ang telepono mo, sabihin ang "OK Google." Puwede mo ring i-tap ang Assistant . Alamin ang tungkol sa iyong Google Assistant.
Tip: Para magamit ang command na 'Ok Google', kailangan mong i-enable ang Google Assistant sa iyong device.
I-on o i-off ang mga animation sa search bar
Paminsan-minsan, makakakita ka ng mga animation sa search bar sa iyong Home screen. Pansamantala ang mga animation para sa mga espesyal na event, gaya ng mga holiday.
Para i-on o i-off ang mga animation na ito:
- Pindutin nang matagal ang search bar.
- I-tap ang Higit pa Mga Kagustuhan.
- I-on o i-off ang Mga effect sa searchbox.