Maglipat ng mga file sa pagitan ng iyong computer at Android device

Magagamit mo ang iyong Google Account o isang USB cable para maglipat ng mga larawan, musika, at iba pang file sa pagitan ng computer at Android device mo.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Opsyon 1: Maglipat ng mga file gamit ang iyong Google Account

Mag-upload ng mga file sa iyong Google Account para magamit ang mga ito sa computer at device mo.

Opsyon 2: Maglipat ng mga file gamit ang isang USB cable

Windows computer
  1. I-unlock ang iyong device.
  2. Gamit ang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer mo.
  3. Sa iyong device, i-tap ang notification na "China-charge ang device na ito sa pamamagitan ng USB."
  4. Sa ilalim ng "Gamitin ang USB para sa," piliin ang Paglilipat ng File.
  5. May bubukas na window ng paglipat ng file sa iyong computer. Gamitin ito para mag-drag ng mga file.
  6. Kapag tapos ka na, i-eject ang iyong device mula sa Windows.
  7. Hugutin ang USB cable.
Mac computer

Gumagamit dapat ng Mac OS X 10.5 at mas bago ang iyong computer.

  1. I-download at i-install ang Android File Transfer sa iyong computer.
  2. Buksan ang Android File Transfer. Sa susunod na ikonekta mo ang iyong device, awtomatiko itong bubukas.
  3. I-unlock ang iyong device.
  4. Gamit ang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer mo.
  5. Sa iyong device, i-tap ang notification na "China-charge ang device na ito sa pamamagitan ng USB."
  6. Sa ilalim ng "Gamitin ang USB para sa," piliin ang Paglilipat ng File.
  7. May bubukas na window ng Android File Transfer sa iyong computer. Gamitin ito para mag-drag ng mga file.
  8. Kapag tapos ka na, i-unplug ang USB cable.
Chromebook
  1. Gamit ang USB cable, ikonekta ang iyong device sa Chromebook mo.
  2. I-unlock ang iyong device.
  3. Sa iyong device, i-tap ang notification na "China-charge ang device na ito sa pamamagitan ng USB."
  4. Sa ilalim ng "Gamitin ang USB para sa," piliin ang Paglilipat ng File.
  5. Sa iyong Chromebook, bubukas ang app na Mga File. Gamitin ito para mag-drag ng mga file. Alamin kung anong mga uri ng file ang gumagana sa Mga Chromebook.
  6. Kapag tapos ka na, hugutin ang USB cable.

Opsyon 3: Maglipat ng mga file gamit ang Quick Share para sa Windows

Puwede mong gamitin ang Quick Share para maglipat ng mga file sa Mga Windows Device. Alamin kung paano gamitin ang Quick Share sa Windows.

I-troubleshoot ang paglilipat ng mga file sa pamamagitan ng USB

Windows computer
  • I-troubleshoot ang iyong computer
    • Suriin ang mga setting ng iyong computer upang matiyak na awtomatikong nakaka-detect ng bagong hardware ang Windows.
    • I-restart ang iyong computer.
  • I-troubleshoot ang iyong device
  • I-troubleshoot ang mga koneksyon ng iyong USB
    • Sumubok ng ibang USB cable. Hindi lahat ng USB cable ay nakakapaglipat ng mga file.
    • Upang subukan ang USB port sa iyong device, ikonekta ang device mo sa ibang computer.
    • Para subukan ang USB port sa iyong computer, magkonekta ng ibang device sa computer mo.
Mac computer
  • I-troubleshoot ang iyong computer
    • Suriin kung gumagamit ang iyong computer ng Mac OS X 10.5 at mas bago.
    • Suriin kung ang iyong computer ay may naka-install na Android File Transfer at buksan ito.
    • I-restart ang iyong computer.
  • I-troubleshoot ang iyong device
  • I-troubleshoot ang mga koneksyon ng iyong USB
    • Sumubok ng ibang USB cable. Hindi lahat ng USB cable ay nakakapaglipat ng mga file.
    • Upang subukan ang USB port sa iyong device, ikonekta ang device mo sa ibang computer.
    • Para subukan ang USB port sa iyong computer, magkonekta ng ibang device sa computer mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1177414648895063392
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false