Hindi ma-unlock ang iyong Android device

Kung hindi mo maa-unlock ang iyong telepono, kakailanganin mong burahin ito. Pagkatapos, puwede mong i-set up ulit ito at puwede kang magtakda ng bagong lock ng screen. Kung hindi ka makapag-sign in sa Google Account mo, alamin kung paano i-recover ang iyong account.

Burahin ang iyong telepono

Mahalaga: Buburahin ng mga opsyong ito ang lahat ng data na naka-store sa iyong telepono, gaya ng mga app, larawan, at musika. Kung alam mo ang PIN o pattern ng device sa oras ng pag-backup, puwede mong i-restore ang data na na-back up sa iyong Google Account.

Opsyon 1: Burahin ang iyong telepono mula sa ibang device

Para mag-secure o magbura ng Android device, siguraduhin na:

  • May power ang device na iyon
  • Nakakonekta sa mobile data o WiFi ang device na iyon
  • Naka-sign in ang device na iyon sa isang Google Account
  • Naka-on ang Hanapin ang Aking Device sa device na iyon
  • Nakikita sa Google Play ang device na iyon

Matutunan kung paano malayuang burahin ang isang telepono.

Opsyon 2: I-reset ang iyong telepono gamit ang mga button nito

Puwede mong burahin ang iyong naka-lock na telepono gamit ang power button at button ng volume nito. Para matutunan kung paano i-reset ang iyong partikular na telepono sa ganitong paraan, bisitahin ang site ng suporta ng manufacturer mo.

I-reset ang iyong pattern (Android 4.4 o mas luma lang)

  1. Pagkatapos mong subukan nang maraming beses na i-unlock ang iyong telepono, makikita mo ang "Nakalimutan ang pattern." I-tap ang Nakalimutan ang pattern.
  2. Ilagay ang username at password ng Google Account na dati mong idinagdag sa iyong telepono.
  3. I-reset ang iyong lock ng screen. Alamin kung paano magtakda ng lock ng screen.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1259339340691433717
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false