Patakaran sa katanggap-tanggap na paggamit ng Find Hub

Nilalayon ng Find Hub network ng Google na tulungan ang mga user na mahanap ang lahat ng digital (mga telepono, nasusuot, naririnig) at pisikal (wallet, mga susi, mga bisikleta) na asset nang ligtas sa pamamagitan ng paggamit sa kapangyarihan ng na-crowdsource na network ng mga Android device. Inaasahan naming gagamitin at makikipag-ugnayan ang aming mga user sa aming produkto sa responsable, ligtas, at legal na paraan. May mahalagang tungkulin ang mga patakarang nakalista sa ibaba sa pagpapanatili ng ligtas na experience para sa aming mga user at pagsugpo sa mga pang-aabusong nagbabanta ng o naglalantad sa pinsala sa totoong buhay.

Hindi mo puwedeng gamitin ang Find Hub ng Google para:

  • Sumubaybay ng mga tao o ng property na hindi sa iyo.
  • Tumukoy ng presensya ng tao o kawalan nito sa pisikal na lokasyon nang hindi niya nalalaman at wala ang pagpayag niya.
  • Sumubok sa ibang paraan na makuha ang anumang impormasyon tungkol sa isa pang indibidwal sa pamamagitan ng paglalagay ng tracker tag nang hindi niya nalalaman at wala ang pagpayag niya.

Posibleng krimen na pinaparusahan ng batas ang paggamit ng Find Hub para mag-track o mang-stalk ng mga indibidwal nang walang pahintulot nila. Puwedeng ipakita ng mga compatible na tracker sa mga potensyal na biktima ang na-redact na bersyon ng iyong email address sa Google Account. Puwede ring humingi ang mga tagapagpatupad ng batas ng karagdagang impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan para suportahan ang kanilang imbestigasyon. Alamin kung paano pinapangasiwaan ng Google ang mga request ng gobyerno para sa impormasyon ng user.

Hindi mo puwedeng gamitin ang Find Hub network sa mga tracking device na binago o na-tamper. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalis ng speaker o mga pangkaligtasang feature ng tracking device at puwede itong magresulta sa pag-aksyon ng Google sa iyong account.

Nakalaan sa Google ang karapatang i-disable ang iyong access sa Find Hub o ang iyong Google Account kapag napag-alamang ginagamit mo ang Find Hub network para sa mga layuning ito.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12500535928355718553
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
false
false
false
false