Paano pinoprotektahan ng Hanapin ang Aking Device ang iyong data

Sa pamamagitan ng Hanapin ang Aking Device, magagawa mong hanapin, i-secure, at burahin ang nawala mong Android device. Bukod sa pagtulong sa iyong hanapin ang device mo kapag online ito, may mga feature na offline na paghahanap din ang Hanapin ang Aking Device na makakatulong sa iyong hanapin ang device at mga accessory mo kahit na offline ang mga ito.

Bilang default, nagso-store ang iyong Android device ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon sa Google at nakikilahok ito sa network ng Hanapin ang Aking Device, isang na-crowdsource na network ng mga Android device na gumagamit ng impormasyon sa lokasyon na end-to-end na naka-encrypt para tulungan ka at ang iba pang user ng Android na maghanap ng kanilang mga nawawalang device.

Kung naka-enable ang mga feature ng offline na paghahanap na ito sa iyong device, gagamitin ng Hanapin ang Aking Device ang pinakamagandang source na available – ang kasalukuyang lokasyon ng device mo kung online ito, ang naka-store na naka-encrypt na kamakailang lokasyon mula sa kung kailan huling online ang device mo, o na-crowdsource na naka-encrypt na lokasyon mula sa ibang Android device sa network ng Hanapin ang Aking Device – para tulungan kang hanapin ang iyong device.

Kinokolekta at pinoproseso ng Hanapin ang Aking Device ang data para sa mga layunin ng pagbibigay, pagpapanatili, at pagpapahusay ng mga serbisyong ito, gaya ng inilalarawan sa ibaba pa. Pinapangasiwaan ang data na pinoproseso ng Hanapin ang Aking Device alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Paghahanap ng iyong mga online na device

Kapag ginamit mo ang Hanapin ang Aking Device para tumulong na maghanap ng online na device, makikipag-ugnayan ang Hanapin ang Aking Device sa iyong nawawalang Android device at kokolektahin nito ang kasalukuyang lokasyon at iba pang impormasyon ng device tulad ng level ng baterya ng device, ang Wi-Fi network kung saan ito nakakonekta, at ang lakas ng signal ng Wi-Fi at cellular signal nito. Ipapakita ng Hanapin ang Aking Device ang impormasyong ito sa app para tulungan kang hanapin ang nawawala mong device.

Mangongolekta rin ng impormasyon ang Hanapin ang Aking Device tulad ng mga event ng koneksyon (halimbawa, kung kailan huling kumonekta ang iyong earbuds sa telepono mo) para tulungan kang hanapin ang iyong mga accessory sa pamamagitan ng pagpapakita ng lokasyon ng device kung saan kasalukuyang nakakonekta ang accessory mo.

Kinokolekta rin ng Hanapin ang Aking Device ang mga identifier na nag-uugnay ng iyong mga Android device at accessory sa Google account mo, at impormasyon tungkol sa mga pagkilos na isinagawa sa pamamagitan ng Hanapin ang Aking Device, tulad kung ginamit ang Google account mo para i-lock o burahin ang iyong device, at kung natapos gawin ang pagkilos.

Paghahanap ng iyong mga offline na device

Posibleng hindi palaging online ang iyong nawawalang device. Para tulungan kang hanapin ang iyong mga offline na device, puwede ring mangolekta, mag-store, at gumamit ang Hanapin ang Aking Device ng naka-encrypt na impormasyon sa lokasyon na ipinadala ng iyong Android device at iba pang nakikilahok sa network ng Hanapin ang Aking Device.

Gamit ang kakayahan ng na-crowdsource na network ng mga Android device, matutulungan ka ng network ng Hanapin ang Aking Device na maghanap ng malawak na hanay ng mga item, kasama ang mga offline na Android phone at tablet, accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares tulad ng compatible na earbuds, at tracker tag na puwede mong i-attach sa mga aktwal na asset tulad ng iyong wallet, mga susi, o bisikleta.

Binuo ang network nang may mga advanced na pag-iingat, kabilang ang end-to-end na pag-encrypt, para makatulong na protektahan ang privacy ng lahat ng nakikilahok sa network.

Paano gumagana ang crowdsourcing?

Gumagamit ang mga Android device na nakikilahok sa network ng Hanapin ang Aking Device ng Bluetooth para mag-scan para sa mga item sa malapit. Kung ma-detect ng mga ito ang mga item mo, secure na ipinapadala ng mga ito ang lokasyon kung saan na-detect ng mga ito ang mga item sa Hanapin ang Aking Device. Ganito rin ang ginagawa ng iyong Android device para tulungan ang iba na hanapin ang mga nawawala nilang item kung ma-detect ang mga ito sa malapit.

End-to-end na pag-encrypt

Ine-encrypt ng network ng Hanapin ang Aking Device ang mga lokasyon ng iyong mga item gamit ang natatanging key na ikaw lang ang makaka-access sa pamamagitan ng paglalagay ng PIN, pattern, o password ng iyong Android device.

Tinitiyak ng end-to-end na pag-encrypt na ito, na pinapagana ng parehong teknolohiyang ginagamit ng Google Password Manager para i-secure ang iyong mga password, na pribado ang mga lokasyon ng mga item mo sa Google. Ikaw lang at ang mga taong pinagbahagian mo ng iyong mga item sa Hanapin ang Aking Device ang makakakita ng mga ito.

Mahalaga: Kung hindi ka nagtakda ng PIN, pattern, o password sa iyong Android device, dapat kang magtakda nito para masulit ang network ng Hanapin ang Aking Device.

Data na pinoproseso ng network

Bukod sa mga end-to-end na naka-encrypt na lokasyon, pinoproseso ng network ng Hanapin ang Aking Device ang data tulad ng mga pansamantalang identifier, timestamp kapag may na-detect na item ang iyong device at kung kailan mo hiniling ang lokasyon ng iyong mga nawawalang item, at impormasyon tungkol sa mga accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares na ipinares mo sa iyong device o ibinahagi mo sa iba. Ginagamit ng network ng Hanapin ang Aking Device ang data na ito para sa mga dahilan tulad ng pagpapatupad ng mga feature, paghahatid ng impormasyon ng lokasyon sa tamang tao kapag may nawalang item, at pagbibigay ng mga proteksyon para sa privacy at laban sa pang-aabuso, tulad ng feature ng pag-aggregate na inilarawan sa ibaba. Ang mahalaga rito ay hindi ka matutukoy ng Google kapag ibinahagi ng iyong Android device ang lokasyon ng na-detect na item.

Ang mga indibidwal na gumagamit ng network ng Hanapin ang Aking Device para hanapin ang mga nawawala nilang item ay hindi nakakatanggap ng anumang impormasyon mula sa network maliban sa lokasyon kung saan na-detect ang kanilang item at tinantyang oras kung kailan huling nakita ang kanilang item.

Pagkontrol sa kung paano nakikilahok ang iyong device sa network

Puwede mong kontrolin kung paano nakikilahok ang iyong Android device sa network kahit kailan sa pamamagitan ng pagbisita sa “Hanapin ang iyong mga offline na device” sa mga setting ng Hanapin ang Aking Device at pagpili sa pagitan ng mga sumusunod na opsyon:

This image shows Find my device screen on your deviceThis images shows the options when you tap the find your offline devices page on your device

“Naka-off”

Kung pipiliin mong huwag makilahok sa network ng Hanapin ang Aking Device o may kakayahan kang hanapin ang mga sarili mong item kapag offline ang mga ito sa pamamagitan ng pag-store ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon sa Google, puwede mong piliing ganap na i-off ang mga feature ng offline na paghahanap na ito.

Kahit na i-off mo ang offline na paghahanap, magagamit mo pa rin ang Hanapin ang Aking Device para hanapin, i-secure, at burahin ang iyong device o anumang nakakonektang accessory sa Mabilis na Pagpares kapag online ang mga ito. Kung ayaw mong gamitin ang Hanapin ang Aking Device, puwede kang pumunta sa Mga Setting at pagkatapos ay Google at pagkatapos ay Lahat ng serbisyo (kung may mga tab) at pagkatapos ay Hanapin ang Aking Device at pagkatapos ay Suriin kung naka-off ang "Gamitin ang Hanapin ang Aking Device" para i-off ito.

“Walang network”

Kung mas gusto mong huwag makilahok sa network ng Hanapin ang Aking Device, puwede mo pa ring hanapin ang ilan sa iyong mga item kapag offline ang mga ito, kabilang ang iyong Android device at mga accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares na nakakonekta rito, tulad ng earbuds, sa pamamagitan ng pag-store ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon ng mga ito sa Google.

Sa opsyong ito, hindi mo magagamit ang mga tracker tag para maghanap ng mga item tulad ng iyong wallet, mga susi, o bisikleta, at hindi mo maaasahan ang mas malawak na network ng mga Android device na tulungan kang hanapin ang iyong mga item. Gayunpaman, pana-panahong nagpapadala ang iyong Android device ng naka-encrypt na lokasyon para sa sarili nito at sa mga nakakonektang accessory nito sa Hanapin ang Aking Device. Ang pinakahuling naka-encrypt na lokasyon para sa iyong device o accessory lang ang iso-store.

Mahalaga:

  • Kung mayroon kang PIN, pattern, o password na nakatakda sa iyong Android device, ie-encrypt ang impormasyon ng kamakailang lokasyon gamit ang natatanging key na ikaw lang ang makaka-access sa pamamagitan ng paglalagay ng PIN, pattern, o password ng iyong Android device.
  • Kung wala kang PIN, pattern, o password na nakatakda sa iyong Android device, magagamit mo pa rin ang feature na ito. Naka-encrypt ang kamakailang lokasyon gamit ang natatanging key na ikaw lang ang makaka-access sa pamamagitan ng paglalagay ng password ng Google Account mo.
  • Kung gumagamit ang iyong device ng Android 8.0 o mas luma, hindi ito makakasali sa mas malawak na na-crowdsource na network ng Hanapin ang Aking Device pero magso-store pa rin ang iyong device ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon para sa sarili nito at anumang nakakonektang accessory sa Google. Sa pamamagitan ng pag-store ng naka-encrypt na kamakailang lokasyon, matutulungan ka ng Hanapin ang Aking Device na hanapin ang nawawala mong mga item kahit offline ang mga ito kapag hinanap mo ang mga ito. Sa Android 8.0 at mas luma, puwede mong i-adjust ang setting na ito sa Mga Setting at pagkatapos ay Google at pagkatapos ay Lahat ng Serbisyo (kung may mga tab) at pagkatapos ay Hanapin ang Aking Device at pagkatapos ay Mag-store ng kamakailang lokasyon.

“May network sa mga lugar kung saan maraming trapiko lang”

Bilang default, tumutulong ang iyong Android device sa iba na hanapin ang kanilang mga item sa mga lugar kung saan maraming trapiko. Nakakatanggap ka rin ng tulong sa paghahanap ng iyong mga item sa mga lugar kung saan maraming trapiko.

Kapag hiniling ng may-ari ng isang nawawalang item ang lokasyon nito, bilang default, ia-aggregate ng network ng Hanapin ang Aking Device ang lokasyong ipinadala ng iyong device at mga lokasyong ipinadala ng ilang iba pang Android device na naka-detect din sa nawawalang item.

Ano ang pag-aggregate?

Sa pag-aggregate, naghihintay ang network ng Hanapin ang Aking Device hanggang sa ma-detect ng maraming Android device ang isang nawawalang item. Pagkatapos, ipinapakita ng Hanapin ang Aking Device sa may-ari ng nawawalang item ang isang gitnang punto na kinalkula mula sa maraming ulat sa lokasyon.

Tinutulungan nito ang mga tao, kasama ka, na maghanap ng mga item sa mga lugar na maraming trapiko kung saan madalas na may nawawalang mga item, tulad ng mga airport o mga lugar na madalas daanan ng mga tao, habang tumutulong na protektahan ang privacy ng lahat ng may mga Android device na nagbabahagi ng impormasyon ng lokasyon sa network.

Mahalaga: Kapag nakilahok ka sa network, nagso-store din ang iyong Android device ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon para sa sarili nito at mga nakakonektang accessory sa Google. Puwede kang magbasa pa tungkol sa function na ito sa ilalim ng Walang network. Ginagamit ng Hanapin ang Aking Device ang pinakamagandang lokasyong available, mula man sa sarili mong device o na-crowdsource mula sa mas malawak na network, para tulungan kang hanapin ang iyong item.

“May network sa lahat ng lugar”

Kung gusto mong tulungan ka ng network ng Hanapin ang Aking Device na hanapin ang mga nawawala mong item sa mga lugar kung saan kaunti ang trapiko, puwede kang mag-opt in sa pagbabahagi ng impormasyon ng lokasyon sa pamamagitan ng network para tulungan ang iba na maghanap ng mga nawawalang item kahit na ang device mo lang ang nakapag-detect at nakapagbahagi ng lokasyon para sa item. Tinutulungan ng mga user na nag-on ng opsyong ito ang isa't isa na maghanap ng mga item sa mga lugar na may maraming trapiko at kaunting trapiko. Puwede kang matulungan ng opsyong ito na hanapin ang iyong mga nawawalang item nang mas mabilis.

Mahalaga: Kapag nakilahok ka sa network, nagso-store din ang iyong Android device ng mga naka-encrypt na kamakailang lokasyon para sa sarili nito at mga nakakonektang accessory sa Google. Puwede kang magbasa pa tungkol sa function na ito sa ilalim ng Walang network. Ginagamit ng Hanapin ang Aking Device ang pinakamagandang lokasyong available, mula man sa sarili mong device o na-crowdsource mula sa mas malawak na network, para tulungan kang hanapin ang iyong item.

Tip: Puwede mong i-delete ang lahat ng device at lokasyon ng mga ito sa pamamagitan ng app na Hanapin ang Aking Device kahit kailan.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2104109574491359611
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false