Ilipat ang data ng WhatsApp sa isang bagong Android

Puwede mong ilipat ang mga chat at data sa WhatsApp mula sa iyong lumang iPhone o Android patungo sa bago mong Android device.

Ilipat ang mga chat sa WhatsApp mula sa iPhone patungo sa Android

Mahalaga: 

  • Dapat mangyari ang paglilipat ng iyong device sa pamamagitan ng pag-set up ng device. 
  • Kung na-set up na ang device, dapat mong i-factory reset ang device at i-set up ito ulit. Alamin kung paano i-reset ang iyong Android.
  • Kung nilaktawan mo ang paglilipat ng data sa paunang pag-set up, mayroon kang 3–7 araw pagkatapos ng pag-set up ng device para i-restore ang iyong mga chat mula sa iPhone mo. 
  • Kung nakatanggap ka na ng mga mensahe sa bagong device, papalitan ng lumang content ang mga bagong mensaheng iyon.

Ang kailangan mo

Para ilipat ang iyong history ng chat sa WhatsApp mula sa iPhone patungo sa Android, dapat ay mayroon kang:

  • USB-C to Lightning cable o maayos na cable na makakapagkonekta sa iyong iPhone at Android device. 
    • Kadalasang ito ang iyong lumang cable sa pag-charge ng iPhone, kung hindi kasya ang cable, posibleng kailangan mo ng adapter.
  • Parehong numero ng telepono sa bagong device at sa lumang device.
  • Android device mong naitakdang factory new o na-reset sa mga factory setting.
  • Malakas na koneksyon sa internet.

Maglipat ng data at history ng WhatsApp mula sa iyong iPhone

Mahalaga: Panatilihing naka-unlock ang iyong iPhone sa proseso ng paglilipat.

 
  1. I-on ang bago mong Android phone. 
    • Kung na-set up na ang telepono, dapat mo itong i-factory reset.
  2. Sundin ang mga hakbang para kopyahin ang mga app at data mula sa iPhone patungo sa bagong Android device
    • Tiyaking nakakonekta ka sa wifi at naka-sign in ka sa isang Google Account. 
  3. Kapag lumabas sa iyong screen ang “Kopyahin ang mga app at data,” piliin ang Kopyahin mula sa iPhone o iPad.
  4. Kapag na-prompt, ikonekta ang parehong telepono sa iyong lumang cable ng iPhone.
    • Kung nakatanggap ka ng babala sa iyong iPhone, i-tap ang Pagkatiwalaan.
  5. Sa screen ng pagkopya, i-tap ang Mga App kasama ng anumang iba pang data na gusto mong ilipat.
    • Para tingnan kung kasama ang WhatsApp sa listahan ng mga app na ililipat, i-tap ang Mga App
  6. Kapag na-prompt, kumpirmahing gusto mong ilipat ang iyong mga chat sa WhatsApp.
  7. Gamitin ang camera app ng iyong iPhone para i-scan ang QR code na ipinapakita sa Android device mo.
    • Kung hindi mo ma-scan ang QR code:
      1. Sa iyong iPhone, buksan ang WhatsApp.
      2. Pumunta sa Mga Setting.
      3. I-tap ang Mga Chat at pagkatapos ay Ilipat ang Mga Chat sa Android.
  8. Para simulan ang paglilipat ng data, sa iyong iPhone, i-tap ang Magsimula at pagkatapos ay Simulan ang paglilipat
  9. Kapag tapos na ang paglilipat ng data, mag-sign in sa WhatsApp sa iyong Android phone.

Tip:

  • Posibleng hindi available ang paglilipat ng WhatsApp para sa mga device na may mga enterprise certificate.
    1. Para manual na alisin ang naka-install na certificate, pumunta sa Mga Setting.
    2. I-tap ang Pangkalahatan at pagkatapos ay Pamamahala ng Device.
    3. Pumili ng profile.
    4. I-tap ang Higit pang Detalye.
    5. Para alisin ang certificate, i-tap ang certificate.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9216170921760792727
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false