Maglipat ng data ng LINE mula sa iPhone papunta sa Android

Madali mo nang maililipat ang iyong history ng chat, mga contact, at mga setting ng LINE mula sa iPhone mo papunta sa isang Android gamit ang QR code.

Mahalaga:

  • Puwede kang maglipat ng hanggang 14 na araw na history ng chat sa bagong device, na naka-store sa mga server ng LINE.
  • Puwede kang maglipat sa isang device kada account. Kapat nag-sign in sa bagong device, masa-sign out ang lumang device at mabubura ang data ng LINE.
  • Bago mo i-set up at ilipat ang data ng iyong device, kailangan mong i-install ang LINE app sa Android device mo.

Ilipat ang data ng iPhone LINE sa Android

Mahalaga: Bago ka maglipat, inirerekomendang i-back up mo ang iyong history ng chat. Sa Home tab ng LINE app, i-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Chat history backup at pagkatapos ay Back up now at sundin ang mga tagubilin sa screen.

  1. Buksan ang LINE sa iyong iPhone.
  2. Sa Home tab ng LINE app, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Settings Mga Setting.
  3. I-tap ang Easy transfer QR code. Panatilihing nakabukas ang screen na ito sa iyong iPhone.
  4. Sa iyong Android phone, i-download ang LINE app.
  5. Sa welcome screen, i-tap ang Log in at pagkatapos ay Log in with QR code at pagkatapos ay Scan QR code.
  6. Kapag na-prompt ang scanner ng QR code sa iyong Android phone, i-scan ang QR code na nasa iPhone.
  7. Kapag na-scan mo ang QR code at may lumabas na prompt sa iyong iPhone, i-tap ang Confirm and continue.
  8. Sa iyong Android phone, i-tap ang Mag-log in para amg-sign in sa iyong account.
  9. Magsisimulang ilipat ang iyong data.

Tip:

  • Puwede mong i-back up ang iyong history ng chat ng LINE sa iCloud o Drive, pero para lang i-restore ito sa parehong platform.
  • Puwede mong ilipat ang sumusunod na data kapag naglipat ka ng account:
    • Listahan ng mga kaibigan
    • Mga grupo
    • Impormasyon ng profile (LINE ID at mga icon)
    • Mga mensahe ng status
    • Mga album at tala
    • Content sa LINE VOOM
    • Data na na-save sa Keep
    • Mga balanse sa LINE Pay at LINE Points
    • Ang huling 14 na araw ng history ng chat
  • Para manatiling up to date sa mga pinakabagong balita at anunsyo ng LINE, pumunta sa opisyal na website ng LINE.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14674226991210744391
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false