Madali mo nang maililipat ang iyong history ng chat, mga contact, at mga setting ng LINE mula sa iPhone mo papunta sa isang Android gamit ang QR code.
Mahalaga:
- Puwede kang maglipat ng hanggang 14 na araw na history ng chat sa bagong device, na naka-store sa mga server ng LINE.
- Puwede kang maglipat sa isang device kada account. Kapat nag-sign in sa bagong device, masa-sign out ang lumang device at mabubura ang data ng LINE.
- Bago mo i-set up at ilipat ang data ng iyong device, kailangan mong i-install ang LINE app sa Android device mo.
Ilipat ang data ng iPhone LINE sa Android
Mahalaga: Bago ka maglipat, inirerekomendang i-back up mo ang iyong history ng chat. Sa Home tab ng LINE app, i-tap ang Mga Setting Chat history backup Back up now at sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Buksan ang LINE sa iyong iPhone.
- Sa Home tab ng LINE app, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Settings .
- I-tap ang Easy transfer QR code. Panatilihing nakabukas ang screen na ito sa iyong iPhone.
- Sa iyong Android phone, i-download ang LINE app.
- Sa welcome screen, i-tap ang Log in Log in with QR code Scan QR code.
- Kapag na-prompt ang scanner ng QR code sa iyong Android phone, i-scan ang QR code na nasa iPhone.
- Kapag na-scan mo ang QR code at may lumabas na prompt sa iyong iPhone, i-tap ang Confirm and continue.
- Sa iyong Android phone, i-tap ang Mag-log in para amg-sign in sa iyong account.
- Magsisimulang ilipat ang iyong data.
Tip:
- Puwede mong i-back up ang iyong history ng chat ng LINE sa iCloud o Drive, pero para lang i-restore ito sa parehong platform.
- Puwede mong ilipat ang sumusunod na data kapag naglipat ka ng account:
- Listahan ng mga kaibigan
- Mga grupo
- Impormasyon ng profile (LINE ID at mga icon)
- Mga mensahe ng status
- Mga album at tala
- Content sa LINE VOOM
- Data na na-save sa Keep
- Mga balanse sa LINE Pay at LINE Points
- Ang huling 14 na araw ng history ng chat
- Para manatiling up to date sa mga pinakabagong balita at anunsyo ng LINE, pumunta sa opisyal na website ng LINE.