Pamahalaan ang iyong mga setting ng privacy ng ad sa Android

Nagsisikap ang Android na panatilihin kang ligtas at protektahan ang iyong privacy kapag gumagamit ka ng mga app. Nakakatulong ang mga bagong feature na protektahan ang iyong pagkakakilanlan at bigyan ka ng higit pang kontrol sa kung paano pinipili ng mga advertiser kung aling mga ad ang ipapakita sa iyo. Puwede mong pamahalaan ang iyong mga bagong experience sa privacy sa ad sa mga setting ng Android mo.

Nagtatala ang Android ng mga paksa kung saan ka interesado batay sa mga ginagamit mong app. Puwede ring mag-store ang mga app ng impormasyon sa Android tungkol sa iyong mga interes. Puwedeng magtanong ang isang app na ginagamit mo tungkol sa mga paksa ng ad o ad na iminumungkahi ng mga app na dati mong ginamit para makapagpakita sa iyo ng mga mas may kaugnayang ad. Para masukat ang performance ng mga ad, limitado ang mga uri ng data na puwedeng ibahagi sa mga app at site.

Puwede kang mag-opt out sa mga feature na ito sa iyong mga setting ng privacy anumang oras. Sa iyong mga app, posibleng na-personalize ang isang ad na nakita mo batay sa mga setting na ito, mga setting ng advertising ID mo, at mga patakaran ng mga app na ginagamit mo.

I-on o i-off ang Mga feature ng privacy sa ad

Mahalaga: Puwede mong i-on o i-off ang feature na ito anumang oras. Ganito mag-navigate sa iyong mga setting ng privacy sa ad.

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Seguridad at privacy at pagkatapos ay Higit pang setting ng privacy at pagkatapos ay Mga ad at pagkatapos ay Privacy ng ad.
Pamahalaan ang mga paksa ng ad

Para i-personalize ang iyong experience sa ad, itinatala ng Android ang mga paksa kung saan ka interesado batay sa mga app na ginagamit mo sa iyong device. Kapag nagtalaga sa iyo ng paksa ang Android, posibleng hilingin sa Android ng ibang app na ibahagi ang mga paksa mo para makapaghatid ng mas naka-personalize na experience sa ad. Puwede ka ring mag-alis ng mga paksang ayaw mong ibahagi sa mga app.

Magbabahagi ang Android ng hanggang 3 paksa sa isang pagkakataon sa isang app. Kapag nag-alis ka ng paksa, hindi na ulit ibabahagi ng Android ang paksang iyon pero posible ka pa ring makakuha ng mga ad na nauugnay sa paksang iyon.

Para mas maprotektahan pa ang iyong privacy, dine-delete ng Android ang mga paksa ng ad mo pagkalipas ng 4 na linggo. Para mag-alis ng paksa sa Android:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Higit pang setting ng privacy.
  3. I-tap ang Mga ad at pagkatapos ay Privacy ng mga ad at pagkatapos ay Mga paksa ng ad.
  4. Sa ilalim ng “Mga paksa ng ad,” piliin ang mga paksang gusto mong i-block.
  5. I-tap ang OK.

Tandaan: Kahit na puwedeng i-on ang feature na ito, posibleng hindi ka makakita ng listahan ng mga paksa hanggang sa ganap na maging available ang feature na ito at simulan itong gamitin ng mga app.

Pamahalaan ang mga ad na iminumungkahi ng app

Para makatulong na maghatid ng mas naka-personalize na experience sa mga ad, puwedeng magrekomenda at pagkatapos ay mag-store ng mga suhestyon sa ad tungkol sa mga bagay na gusto mo ang mga ginagamit mong app. Puwede kang makakita ng mga ad batay sa mga suhestyong ito habang gumagamit ka ng ibang app sa iyong device.

Kung ayaw mong magmungkahi ng mga ad para sa iyo ang isang app, puwede mong i-block ang app. Kapag na-block, ide-delete ang anumang nauugnay na data ng suhestyon sa ad. Hindi na magso-store ng mga suhestyon sa ad sa Android ang mga na-block na app, pero posibleng makakuha ka pa rin ng mga ad na nauugnay sa mga app na iyon.

Para mas maprotektahan ang iyong privacy, regular na nagde-delete ang Android ng data ng suhestyon sa ad. Para mag-block ng mga app sa pagmumungkahi ng mga ad:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Higit pang setting ng privacy.
  3. I-tap ang Mga ad at pagkatapos ay Privacy ng mga ad at pagkatapos ay Mga paksa ng ad at pagkatapos ay Mga ad na iminumungkahi ng app.
  4. Piliin ang mga ad na gusto mong i-block.

Tandaan: Kahit na puwedeng i-on ang feature na ito, posibleng hindi ka makakita ng listahan ng mga paksa hanggang sa ganap na maging available ang feature na ito at simulan itong gamitin ng mga app.

Pagsukat sa ad

Puwedeng magbahagi ng limitadong data ang mga ginagamit mong app para sukatin ang performance ng mga ad ng mga ito, gaya ng oras kung kailan ipinakita ang isang ad.

Para i-on o i-off ang pagsukat sa ad:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Higit pang setting ng privacy.
  3. I-tap ang Mga ad at pagkatapos ay Privacy ng mga ad at pagkatapos ay Pagsukat sa ad.
  4. I-on o i-off ang Payagan ang pagsukat sa ad.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12686536878148274681
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false