Mula sa privacy dashboard, makikita mo kung aling mga app ang nag-a-access sa data, aling mga pahintulot ang ginagamit ng mga app, at kailan nangyayari ang pag-access na iyon. Puwede mo ring pamahalaan ang mga pahintulot para sa camera, mikropono, kalendaryo, at higit pa. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa iyong Android phone.
Tingnan ang mga pahintulot ng iyong app:
Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 12 o 13 at mas bago. Matutunan kung paano alamin ang bersyon ng iyong Android.
Para tingnan ang aktibidad ng app sa loob ng huling 7 araw sa Android 13 o 24 na oras sa Android 12:
- Sa iyong Android phone, buksan ang app na Mga Setting.
- I-tap ang Seguridad at Privacy o Privacy.
- Para mahanap ang privacy dashboard, posibleng kailanganin mong i-tap ang Privacy ulit.
- I-tap ang Privacy dashboard.
- Para maghanap ng mga app na nag-access sa iyong mga pahintulot, piliin ang pahintulot na kinababahala mo.
- Para mag-update ng pahintulot, i-tap ang isa sa mga app na nakalista.